Prologue

6.5K 171 3
                                    

NOONG UNANG panahon, sa planetang tinawag na Maharlika, may isang kwentong pinagpasa-pasahan kada henerasyon ang napaglumaan na ngunit hindi kailanman dapat isawalang bahala

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

NOONG UNANG panahon, sa planetang tinawag na Maharlika, may isang kwentong pinagpasa-pasahan kada henerasyon ang napaglumaan na ngunit hindi kailanman dapat isawalang bahala. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagdating ng isang hinirang at ito'y tinawag nilang Supreme Spirit na may kakayahang mamuno bilang Emperor.

Ang sabi sa kwento, isang bathala ang hinirang dahil kaya nitong gamitin ang lahat ng uri ng elemental magic at tinawag nila itong supreme magic. Ilan lamang sa mga nagpakalat ng kwento ay ang tungkol sa nabuhay daw ito sa ibang mundo at mapupunta ang kaluluwa nila sa kanilang mundo upang pumili ng taong karapat-dapat nilang sapian. Ngunit malayo na sa pantasya na mangyari ito kaya sila na mismo ang nagpabaliwala nito. Ang hindi nila alam, hindi ito kathang-isip na mabubuhay muli ito bilang isang sanggol at makakaalala sa takdang gulang nito.

Ang Supreme Spirit ay nabubuhay sa loob ng isa o higit pang taon kaya kapag ito'y namatay, may papalit muli. Ang kasalukuyang Supreme Spirit ay malapit ng mamaalam at papalit dito ang isang dalagang humiling na gusto pang mabuhay muli.

Sino siya?

Alamin natin ang buong kwento nang muli niyang pagkabuhay.

Mabubuhay ba ito bilang isang tao?

Nagkakamali kayo.

Dahil muli itong mabubuhay bilang isang multo.

ALAS-ONSE ng gabi sa lupain ng Spirit Woodland na matatagpuan sa Southwest Land, may daanan itong kumukonekta sa dalawang kaharian— ang Anastasia Kingdom at Harald Kingdom

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

ALAS-ONSE ng gabi sa lupain ng Spirit Woodland na matatagpuan sa Southwest Land, may daanan itong kumukonekta sa dalawang kaharian— ang Anastasia Kingdom at Harald Kingdom. Sa gitnang bahagi lamang ito pwedeng daanan ng mga gustong tumawid papunta sa dalawang kaharian. Hangga't maaari, kailangan nilang iwasan ang lugar na ito dahil napapalibutan ang bawat sulok nito ng napakaraming ligaw na kaluluwa.

Sa daanan, may isang karwahe ang dumadaos sa madilim na lupain. May isang coachman na pinapaandar ang dalawang kabayo at nasa loob ng karwahe ang isang babaeng may dalang libro.

Kapansin-pansin ang puti buhok ng dalaga at ang kutis nitong porcelana dahil sa suot nitong itim na dress. Nakaladlad lamang ang buhok nito habang nakatingin sa labas ng karwahe, pinagmasdan ang Spirit Woodland na kilala sa pinakanakakatakot na lupain sa kanilang lugar. Pinamumugaran ito ng mga multo at may sabi-sabing ang lupain na ito'y konektado sa ibang mundo.

I'm a Ghost in Another WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora