Chapter 10

2.3K 87 3
                                    

Chapter 10: Midnight Guild

DALAWANG araw ang tinagal ng byahe nila Alaric at Elaine, at sa dalawang araw na iyon, sinagot ni Alaric ang mga katanungan ng dalaga.

Una, ang tungkol sa pamilyang Hidalgos. Nalaman niyang lahat ng naging Supreme Spirits ay hindi galing sa royal blood, kung hindi'y galing sa mababang-uri ng tao na muling nabuhay at sinasabing sila'y may apelyidong Hidalgos. Pangalawa naman ay ang pagtanong kung may nabubuhay pa bang may apelyidong Hidalgos, at nasagot naman ito ng 'mayroon' at sila'y nakatira sa Mount Olimpus. Ang lahat ng may apelyidong Hidalgos ay kadugo ng mga naging supreme spirits at konektado sa mga nahalal na maging Emperor.

Nagtanong naman si Alaric kay Elaine na kung sa ibang mundo siya nanggaling at sinagot naman ito ng dalaga ng 'oo' ngunit hindi niya sinabing nabuhay siya bilang multo. Sinabi kasi ni Alaric na ang lahat ng mga supreme spirits ay nabuhay muli bilang isang sanggol at makakaalala lang sila sa ika-20 nilang kaarawan. Wala pa siyang kaalaman na ang bagong supreme spirit ay nabuhay bilang isang multo at hindi isang sanggol.

Sa kasalukuyan, binabaybay nila Elaine at Alaric ang magubat na daan habang kumakain ng umagahan. 

Sa loob ng dalawang araw na paglalakbay, unti-unting nalalaman nila ang ugali ng isa't isa. May isang ugali si Alaric na nagpatatak kay Elaine. Sa kabila ng malamig na pakikitungo ng kapitan, may ilang sandaling ngumingiti ito. Ngunit may kahalo itong blangkong mukha na parang maraming pinagdadaanan sa buhay.

Bagay ang ice magic sa kanya, ang lamig ng pakikitungo! Reklamo ni Elaine sa kanyang isipan.

"Paano niyo pala nalaman na ako ang susunod?" tanong ni Elaine at kumagat sa hawak niyang tinapay.

"May isang magaling na manghuhula na sinabing mabubuhay ang susunod na supreme spirit sa Spirit Woodland ngunit matatagpuan sa pamilyang Suarez."

Napatigil sa pagkain ng tinapay si Elaine dahil sa halong pagkagulat at takot, hindi niya kasi inaasahan na ang manghuhula ay tumumpak. Sa nakaraan niyang mundo, ang manghuhula ay hindi isang daang pusyentong tama. Minsan, makikita mo pa ito sa divisoria na babayaran mo lamang sa mababang halaga.

"Kung gano'n, dapat maraming makakaalam na nabuhay ako. Hindi ba?" tanong ni Elaine.

Ang paghula sa mga matutunog ang pangalan, tulad niya na tinatawag na Supreme Spirit na susunod na Emperor ng Southwest Land, ay dapat na ihayag sa mga nasasakupan. Ngunit simula nang mabuhay siya, walang naghanap. Kahit ang pamilya niya ay hindi alam ang tungkol sa kanya.

Naubos ang kinakain ni Alaric na tinapay at uminom ng tubig bago magsalita, "Pinatay bago malaman ng lahat."

Nagulat si Elaine at dumagdag pa sa pagkilabot niya ang malamig na pagtugon nito. Sa dalawang araw niya ring nakasama ang kapitan, hindi mo ito makikitaan ng pagiging sinungaling.

"Kapag maraming nakaalam, siguradong matagal ng patay ang pamilya mo," dagdag pa nito.

Hindi inakala ni Elaine na maliligtas siya nang matalinong disesyon ni Alaric at dumawit pa rito ang pamilya niya. Sa isipan niya, hindi pala basta-basta ang muling pagbuhay ng isang tao, mukhang kailangan kong magpasalamat sa kanila.

Napaisip din ang dalaga dahil laganap ang patayan kapag ikaw ay may mataas ng posisyon. Isa na sa katunayang iyon ay ang nangyari sa kanya. Hindi naman siya mawawala sa mundo kung walang mga taong sakim. Hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan mo, lalo na sa mga mabibigat na rason. Ang pagiging isang kakaibang nilalang na katulad niya ay dapat pag-ingatan din. Ang pagbuhay niya ay nakatali ng responsibilidad na kinaiingitan ng iba. Kaya siguro'y pinag-iingat siya. Buti na lang, may iilang tao pa rin na hindi sakim at isa ng halimbawa si Alaric at ang nag-utos sa kanya.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now