Chapter 21

1.1K 51 12
                                    

Chapter 21: Separation

SA KAGUBATAN ng Sonja, kasalukuyang nasa gilid ng karwahe si Alaric habang hawak-hawak ang taling nakakonekta sa kabayo. Agad siyang pumasok sa karwahe at sinimulan itong paandarin. Kahit na maputik ang daan, hindi ito naging alintana sa pagmamaneho niya.

Wala pang kalahating oras, natunton niya ang pasukang bato papunta sa palasyo ni Guardian Olga. Takang tumingin siya sa sirang harang na bato na kanina niya sinira.

Hindi pa pala 'to naaayos? Pagkakausap niya sa sarili.

Tinali niya sa malapit na puno ang mga kabayo at bumaba. Papasok na sana siya sa pintuang bato nang makaramdam ng kakaiba. Pinakiramdaman niya muna ito bago pumasok at laking gulat niya nang maramdaman sa kaniyang magic sense ang  hindi pamilyar na mana ng isang mage. Hindi siya nagdalawang isip na tumakbo ng mabilis papasok sa palasyo.

[The magic sense is a unique skill that is used by the 6th sense mixed with the magic to feel one's flowing mana in their body.] 

Sa looban naman ng palasyo, ang nakatitig ni Mikhail kay Haruna ay bumaling sa labas ng palasyo. Naramdaman din ni Meralda ang kakaibang mana at nagkatinginan sila ni Mikhail na animo'y nag-uusap sa kanilang tingin.

"What an enormous mana," saad ni Meralda na may pangamba sa mukha. Pinalitaw niya sa kanyang kanang palad ang bolang kristal. Nag-enkantasyon ito at lumabas ang imahe ni Alaric na nakahinto sa labas ng palasyo. "Sino siya?"

Lumapit si Mikhail sa bolang kristal at tinitigan ng mabuti ang kapitan. Bahagya siyang nagulat nang bumaling ang tingin nito sa kanila na may sama ng tingin. Mabilis itong tumakbo papasok ng palasyo kaya naalarma sila. Pinuwesto nila ang kanilang katawan para dumepensa at tumapat sa pintuan at niluwa nito si Alaric na blangko ang mukha ngunit ramdam nila sa mahika nitong lumiliyab na animo'y apoy.

"He's out of our league," mahinang sambit ni Mikhail at tumingin kay Meralda.

Bago sila umalis, binalaan na sila ni Lunar na kapag nakita nila si Alaric, huwag nila itong kakalabanin. Alam ni Lunar ang kakayahan ni Alaric at kahit siya'y ayaw niya itong makasagupa. Kaya niya itong matapatan ngunit ang pagkapanalo ay malabong mangyari sa kanya.

Mas lalo pang dumoble ang mana na umaapaw sa katawan ni Alaric nang hindi niya makita si Elaine at si Princess Haruna na nakahiga sa sahig kasama si Karlo.

"Marami yata akong hindi naabutan," seryosong sambit ni Alaric at tumingin kay Mikhail na nakita niyang kinakabahan. "Nasaan si Elaine?"

Kumunot-noo si Mikhail at sumagot, "Ikaw si Alaric Frediano, na dating kasamahan ni Lunar. Hindi ba?"

"Nasaan si Elaine?" muling tanong ng kapitan habang unti-unting lumilikha ng espadang yelo sa kanang kamay. Ramdam niya sa magic sense na kasing lakas ni Mikhail si Haruna ngunit hindi iyon ang usapan sa mga oras na ito.

Pinagmasdan naman ni Meralda si Alaric mula ulo hanggang paa at sumulyap sa bolang kristal. Sabat niya pa'y "Alam mo naman siguro ang estado ng babaeng 'yon. Ikaw ang kapitan niya at nakikita ko sa 'king mahika na naplano niyong matago siya at may taong nasa likod pa nito."

Hindi man lang gumihit sa mukha ng kapitan ang bahala sa sinabi ni Meralda. Bagkos, pinanliitan pa niya ito ng tingin at tinapat ang nilikha niyang espadang yelo sa dalaga.

"Hindi ka nararapat sa kahariang 'to, mangkukulam," seryosong sambit ni Alaric.

Nawala ang bolang kristal sa kamay ni Meralda at ngumisi sa kapitan. "Sa binitawan mong salita, mukhang may kinalaman ka sa pagkamatay ng dating mangkukulam sa Mount Olimpus."

"Hindi niyo pa nasasagot ang tanong ko. Nasaan si Elaine?"

"Hindi niya matatakasan ang kanyang responsibilidad. Kaya kami na ang nagdala sa kanya sa taong kailangan niyang makita't makausap."

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now