Chapter 40

819 38 1
                                    

Chapter 40: Divulgence of Persona

NAGKATITIGAN sila Elaine at Emmanuel. Kasalukuyan pa rin silang nasa estado nang pagkagulat kaya wala sa kanila ang naglakas loob na magsalita. Nawala lang ang kanilang titigan nang humarang si Pinunong Sol sa pagitan nila.

"Anong ginagawa mo rito, Emmanuel?" tanong ng matanda, "Hindi ba't ngayong araw ang alis mo?"

Nakatulala lang si Emmanuel at muling tumingin kay Elaine. "Ikaw ba 'yan, Elaine?"

Lumaki ang mga mata ni Elaine at umiwas ng tingin. Nakalimutan niyang hindi na siya ang batang si Zyaniah.

Bumaba ang binata sa puno at sinalubong siya ni Pinunong Sol na masama ang tingin sa kanya. Kaya sinagot niya ito, "Narito ako para magbantay, hindi ba?"

"Hindi ba't ngayon ang alis mo?" sagot ng matanda na may diin sa bawat salita. Tinapatan din niya ang masamang tingin ng binata sa kanya.

"Oo ngunit kailangan ko pang manatili rito." Humarap si Emmanuel kay Elaine. "Ngayon na nasagot ko na ang tanong niyo, ako naman ang magtatanong." Pinanliitan niya ng tingin si Elaine. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ahh—" Napatigil si Elaine nang sumabat sa kanya si Emmanuel.

"Walang saysay ang pagsisinungaling dahil sa pagkakaalam ko, kasama mo si Captain Alaric. Ngunit bakit nasa puder ka ni Pinunong Sol at bakit ka narito sa nayon?"

Naglakad papunta si Emmanuel kay Elaine ngunit pinigilan siya ni Pinunong Sol.

"Tama ka, Emmanuel. Walang saysay ang pagsisinungaling niya sa 'yo sa mga sagot na nais mo. Ngunit sigurado ka bang siya si Elaine?" dahilan ng matanda. Gusto niyang kumuha ng dahilan na hindi si Elaine ang dalaga. Nabibigla pa rin ang matanda sa mga nangyayari dahil hindi niya inaasahang narito pa ang binata sa kagubatan. Bakit hindi ko agad na detect ang mana niya? Pagkakausap niya sa kanyang isipan.

"Anong klaseng tanong 'yan?" nakakunot-noong tanong ng binata,"Matagal ko ng kilala si Elaine kaya walang dudang siya ang kaharap ko."

"Ngunit—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Pinunong Sol nang hinarangan siya ni Elaine gamit ang braso nito.

"Wala na tayong magagawa at isa pa, naging mabuti siya sa 'kin at sa pamilya ko. Maiintindihan niya ang lahat," paliwanag ni Elaine at ngumiti sa matanda bago humarap sa binata. "Ako nga 'to, Lord Emmanuel. Ako si—" Natigil sa pagsasalita si Elaine nang bigla siyang niyakap ng binata.

Ang lahat ay nagulat at nabigla lalong-lalo na si Elaine dahil hindi niya ito inaasahan.

"Ow my. . . bakit ang swerte ni ate sa mga gwapo!" pagkakausap ni Cielle sa kanyang sarili.

Hindi alam ni Elaine ang gagawin sapagkat naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ng binata sa kanya.

"Ligtas ka, Elaine. Ligtas ka. . ." rinig niyang saad ng binata.

Natigil saglit si Elaine at ngumiti.

Mukhang nag-aalala rin siya sa akin, sa isip-isip niya at niyakap niya pabalik ang binata. Mukhang malalim ang pinagsamahan nila ng dating Elaine. Kahit saglit lang kaming nagkakilala, naging mabuti siya sa pamilya ko at sa 'kin.

Pumiglas sa pagkakayakap si Emmanuel. Doon lang din napagtanto ni Elaine na halos lumuha na ang binata.

"Akala ko'y hindi na kita makikita," saad ng binata.

"Pasensya na. Pinag-alala ba kita?" tugon ng dalaga na may pagkamot pa sa batok.

"Malamang! Ang akala ko'y pinahamak na kayo ni Captain Alaric. Nakatakas ka ba sa kanya? Si Rai? Kumusta? Pati si Ruby? Nasaan sila? Malalagot talaga sa akin 'yang kapitan niyo. . ."

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now