Chapter 41

818 33 0
                                    

Chapter 41: The History of Fallen Kingdom

SA PALASYO ng Olga Kingdom, tahimik na nakaupo si Princess Haruna sa kanyang opisina. Nakakrus itong nakaupo sa mala koronang upuan at sa harap niya ay ang malaking mesa. May hawak itong papel sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay ang tsaa. Nakikinig ito sa musikang nasa maliit na kahon; gawa sa kahoy, may nakaukit na dalagang nakasayaw, at umiikot na sumasabay sa mga nota. Isa itong gamit na binigay sa kanya ng yumaong ina at ito'y pinapakinggan kapag gusto niyang kumalma.

Ang mapayapang pag-iisa ay naudlot nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang apat kalahok na suot-suot ang mga maskara. Ang may disensyong Heart na maskara ay may bitbit na supot na naglalaman ng bato at ito'y binato nito sa lapag. Saka sila tuluyang pumasok para makaharap ang prinsesa na takang nakatingin sa kanila.

Nang umawang ang bibig ng supot, pinagmasdan ng prinsesa ang looban nito. Sa isang sulyap lang, nalaman niya ang pakay ng grupo sa kanya.

"Isang spy. Nahuli naming nagmamasid sa pagsasanay namin," panimula ng kapitan.

Humigop ng tsa a ang prinsesa bago tumugon, "Hindi na bago 'yan  kapag nalalapit na ang tournament."

"Hindi na bago?" tanong ng kapitan.

Tumango ang guardian bago nilapag ang tsaa sa lamesa. Binaba niya ang hawak na papel at pinagdikit ang mga kamay na tumingin sa kapitan.

"Ang ganitong uri ng pagmamasid ay hindi pa napapatupad sa magiging batas para sa tournament. Dahil hindi pa ito pinagbabawal, marami ang mapangahas na ginagawa ang lahat, para manalo."

Humalukipkip ang kapitan. "Hindi 'yan ang pakay ko. Ang gusto kong malaman, kung sino ang gumawa niyan."

"Bakit, kapitan, anong gagawin mo? Kapag sinabi ko na ang mahusay at nakatatakot na mahikang Life Creation Magic ay mula sa isang kaharian, kakatakutan mo ba ito sa patimpalak?"

[Creation Magic Life, is one of the oldest and powerful magic skill in history. This spell needs a lot of mana to create a living things such as human golem with brain.

Guardian Olga's golem is Creation magic, if the golem is under control by her. But if the golem have brain and can be last like human's lifespan, it is called Life Creation Magic. Since this magic is ancient, it has been forgotten. But nowadays, if you use this kind of magic, you're the strongest.]

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung saan galing 'to," saad ng kapitan at tinanggal ang maskarang suot, "Gusto ko lang kumpirmahin na ang hinala ko ay totoo. Sa sinabi mo, naging sigurado ako sa hinala ko."

"Saan ba galing 'yan, Captain Alaric?" tanong ni Rai.

Ang kapitan at ang guardian ay naghara, mga presensya nila'y nangungusap na nagtatalo sa dapat nilang ipaliwanag. Mga ilang minuto ang nagtagal bago ngumisi ang kapitan at binalik sa pagkakasuot ang maskara.

"Galing 'yan sa Harold Kingdom," sagot ni Alaric.

Bahagyang bumaba ang kilay ng guardian at mahinang napayukom.

Kapag sinabi niya kung saan galing ang mahikang 'yon, baka matakot sila sa Harold Kingdom sa aktuwal na tournament. Kailangan nilang maging matatag at huwag maghina

Napatigil siya sa pag-iisip nang mapansin na hindi nabahala ang mga kalahok. Bagkos. . .

"Astig! Kaya ng Harold Kingdom na gumawa ng Life Creation Magic!" manghang saad ni Rai.

"Malakas ba 'yan? Ngayon ko lang nalamang may gano'ng kakayahan ang Harold Kingdom," ani Ruby.

"Ang kaharian na iyon ang nangunguna sa tournament kada taon. Kaya walang dudang malakas sila," paliwanag naman ni Ivy.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon