Chapter 31

892 43 1
                                    

Chapter 31: Right Choice

ANG GABING salo-salo ay natapos ng madaling araw. Lahat ay pagod, ang iba'y umuwi, at ang natira'y nahiga na lang sa tabi-tabi. Ang ilang gising ay nag-ayos ng mga kalat at isa na rito si Zyaniah kasama ang kapatid nitong si Zianelle. Ang kanyang ina ay hindi gaanong nalasing. Ang Tita Kriselda niya lang ang bumagsak sa alak.

"Hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ni Kriselya sa dalawa niyang anak. Kasama niya itong namumulupot ng basura sa tabi ng bonfire.

"Hindi pa po," mabilis na sagot ng dalawa.

"Magsabi kayo kapag antok na kayo ha?"

Ngumiting tumango ang dalawa bago pinagpatuloy ang pamumulupot ng basura.

Ang apoy sa gitna ay hindi maapula ngunit hindi kumakalat ang pagliyab. Nanatili ito sa kanyang pustura mula kanina hanggang ngayon. Gawa ito sa isang mahikang apoy kaya kinakaya nitong tumagal.

Napatingin si Zyaniah kay Emmanuel nang mapansing naglalakad ito sa bawat sulok ng kanilang lugar. May bitbit itong red wine sa kanang kamay at ang kaliwa ay nakapamulsa. Nakatuon ang mga mata nito sa daan kahit nakaharang ang bote kapag umiinom. Kahit mag-isa, hindi naman nababagot ang binata dahil sa napakaraming taong nakatulog na kung saan-saan.

Ang kakaibang nilikha nitong creation magic kanina ang nagpabukas kay Zyaniah, na kailangan niyang lumakas upang makalikha ng mahika na may buhay. Ngunit desidido na ito sa kanyang plano. . . ang umalis sa nayon upang makabalik sa kanyang katawan.

Tuluyang natapos ang paglilinis kaya ang pamilya ni Kriselya ay umuwi na. Antok at pagod ang kanilang napala kaya sila'y agad na napahiga sa kama. Tabi-tabi silang natulog at ang nakakatanda ay nasa gilid ng kama nakapwesto. Ang magkapatid ay magkatabi at nasa gitna nila Zyaniah at Kriselya si Zianelle.

"Ina, maaari ba akong magtanong?" tanong ni Zyaniah na nakatingin sa dingding nilang gawa sa kahoy.

"Ano iyon, anak?"

"Ano po ba ang sakit niyo ina?"

Napatigil si Kriselya at napabaling sa anak na nakatingin lamang sa kisame. Ngumiti siya at ginaya ang ginawa nito.

Hindi ko matatago sa kanila habang buhay kung ano ang nararamdaman ko. Tumatanda na ang panganay kong anak na kinagagalak ko, pagkakausap niya sa kanyang isipan at huminga ng malalim.

"Hindi ko rin alam anak. Basta't limitado lang ang lakas ko. Mabilis akong mapagod kaya kailangan kong magpahinga."

"Nagpatingin na po ba kayo sa isang doktor?"

"Sa doktor ng ating nayon ngunit wala siyang masagot."

Hinintay ni Kriselya sumagot ang anak at paglingon niya, nakita niyang nakapikit na ito at natutulog.

"Goodnight, Zyaniah and Zianelle," nakangiting saad ni Kriselya at bumaling kay Zianelle na mahimbing nang natutulog na may kasama pang hilik.

Nang makita ng ina ang pagtulog ng mga anak, pinatay niya na ang ilaw at natulog na rin. Tanging ilaw na lang ng buwan ang pumapawi sa madilin na kabahayan. May maririnig na ungol mula sa mga lobo, at kuliglig upang hindi matahimik ang lugar.

Dumilat si Zyaniah nang maramdamang natutulog na ang kanyang ina. Napatingin ito sa kisame.

I sense her mana leaking and it's unstoppable. Ito siguro ang dahilan kung bakit mabilis siyang mapagod at minsan ay nangingnig ang kanyang katawan, pagkakausap niya sa kanyang isipan at napabuntonghininga. Hindi makatulog ang kanyang isipan ngunit pagod na ang kanyang katawan. Hindi rin siya makatulog dahil sa iniisip na mangyayari sa hinaharap— kung aalis ba ito o hindi.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now