Chapter 13

1.8K 78 1
                                    

Chapter 13: Emperor Hidalgos

HATING GABI nang makauwi si Elaine sa kanyang silid. Hindi nga nagbiro sa kanya si Alaric dahil piniga siya nito sa pagsasanay buong gabi. Ang masama nga lang na balita rito ay hindi niya pa rin natutunan ang tinuturo sa kanya ng kapitan.

Sumibol na ang haring araw sa kanilang lugar ngunit hindi pa rin bumabangon si Elaine. Ang mga katabi niyang silid ay nakabukas na ang mga pinto.

Naglabasan na ang ilang bagong myembro ng guild, dalawa rito ay sila Emmanuel at Rai na maagang nagising. Sabay na binuksan ng dalawa ang kanilang pinto at napatingin sa isa't isa. Mapungay pa ang kanilang mga mata na may kasamang paghikab.

Kinusot ni Rai ang kanyang mga mata at gumawi kay Emmanuel. Ngumiti siya rito at binalik din ito sa kanya ng kaibigan. Sabay silang humikab at nag-unat ng katawan kasabay nang pagbukas ni Ruby ng kanyang pinto at sumabay sa dalawa, animo'y pinagplanuhan nila na ito'y mangyayari.

Nang mahimasmasan ang sila Emmanuel at Rai, gumawi sila kay Ruby na mapungay ang mga mata at lantang katawan.

Naramdaman ni Ruby na parang may nakatingin sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang dalawang binata na nakatingin sa kanya. Nagulat siya at tumaas ang kanyang mga balahibo. Para kasi silangg multo dahil lanta itong nakakuba at sa mukha nilang nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-asa. Malakas na lamang siyang umiling at hindi na lamang ito pinansin. Iniwan niya ang dalawa at dumiretso sa cafeteria.

Inayos ni Emmanuel ang kanyang pagkakatayo. Ang dating lanta, ngayon ay masigla na. Maglalakad sana siya paalis subalit napatigil ito nang mapansin niya ang katabi niyang silid na hindi pa nakabukas ang pinto. Nakita niyang ang maliit na karatulang 'occupied' ay nakahalang, pahiwatig na bumukas na ito.

"Halika na! Gutom na ako," aya ni Rai.

Hindi na lamang pinagtuunan ng pansin ni Emmanuel ang katabing kwarto. Sumabay na siya kay Rai pababa sa cafeteria.

𔓎𔓎𔓎𔓎

ILANG ORAS na ang lumipas, nakatitig pa rin si Elaine sa kanyang panaginip na walang makikitang kahit na ano kung hindi ang kadiliman lamang. Wala naman siyang magagawa dahil animo'y nakakulong siya at hindi magalaw ang kanyang mga kamay at paa. Kanina pa niya sinusubukan ang magising o hindi kaya'y galawin ang katawan, ngunit bigo lagi ang natatamasa niya. Hanggang siya na lang ang kusang sumuko at tinanggap ang kapalaran.

Anong nangyayari sa 'kin? Simula nang makaramdam ako ng pagod, hindi na ako nagising sa bangungot na 'to, pagkakausap ni Elaine sa kanyang isipan, sa mismong kanyang panaginip.

Hindi siya nakakaramdam ng antok ngunit nang makarinig siya ng katok, bumigat ang talukip ng kanyang mata. Unti-unting nagliwanag ang madilim na panaginip kasabay nang pagkaramdam niya ng kaantukan. Dahil wala pa siyang kamalayan kung ano ang kanyang totoong kakayahan, ang gabi-gabing dilim sa kanyang panaginip ay hindi niya alam. Kusa itong nabubura kapag may nang-istorbo sa kanyang mahimbing na tulog.

Sa reyalidad, mahimbing na natutulog si Elaine. Sumama lang ang timpla ng kanyang mukha nang pauli-ulit na umaalingangaw sa kanyang tinig ang mga katok.

"Inaantok pa ako, Esang!" singhal niya at pinatong ang unan sa kanyang mukha. Diniinan niya pa lalo ang unan nang may malakas na kumatok muli sa pinto niya.

"Ang aga-aga, nambubulabog si Esang!" bulong niya sa sarili.

Nawala ang ingay mula sa katok kaya siya'y muling bumalik sa pagtulog. Bago niya pa maabutan muli ang kanyang naudlot na tinatamasa niyang tulog, bigla na lamang lumamig ang mainit na silid.

Agad na hinanap niya ang kumot at inirolyo ito sa katawan. Himbis na mainitan, mas lalo pa siyang nalamigan. Napayakap na siya sa kanyang katawan at bumangon dahil kahit anong gawin niya, hindi na siya makabalik sa pagkakatulog.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now