Chapter 62

787 34 8
                                    

Chapter 62: The End of Lunar Tournament

SA GITNA ng Colossal Arena, ang dumadagundong na ingay sa labanan ay naglaho ng parang bula. Niyakap ng katahimikan ang mga manonood at walang balak makiusosyo, lalo na nang paligiran sila ng mga tauhan ni Lunar. Hidalgos' Butlers ang tawag sa kanila at ang bawat isa ay kasing lakas ng elite mage. Sa madaling salita, kayang-kaya ka nilang lampasuhin.

Ang pinuno ng mga Hidalgos' Butler ay walang iba na si Yel. Kasalukuyan siyang nasa gilid ni Lunar upang ipabatid din sa mga manonood ang nagwagi.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, Yel?! Anunsyohin mo na kung sino ang nagwagi," utos ni Lunar at inikot-ikot ang braso nito. Lumingon siya kay Yel at sinamaan ito ng tingin, "Huwag mong sabihin na hinihintay mong mabuhay ang namatay na?"

Maikli lamang na ngumiti si Yel at bumaling sa dalagang hindi nakikitaan ng buhay. Pumikit muna siya at bumuntong hininga bago pumunta sa gilid ng nakahandusay na dalaga. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at tinapat kay Lunar. Ibubuka niya pa lang ang bibig, napahinto siya dahil sa mabigat na awrang naramdaman niya. Pagtingin niya sa ibaba, nakita niya ang mga mata ng dalaga na unti-unting bumuhay ang kulay. Nagtaka siya at tinitigan itong mabuti para makumpirma.

Nang hindi marinig ni Lunar ang anunsyo, lumingon siya at sinamaan ang tingin si Yel.

"YEL!" sigaw niya ngunit hindi natakot ang matanda sa kanya. Nakatuon kasi ang atensyon nito sa bangkay ng dalaga kaya tumingin siya rito at nanlaki ang kanyang mata sa gulat.

Ang patay na kulay ng balat ni Elaine ay bumalik sa dati. Ang mga mata nitong dilat ay marahang gumalaw. Ang talukip sa mata ay kumurap at isang biglaang paghinga niya ang gumimbal sa mga manonood.

Muling nabuhay ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Elaine at hinabol ang kanyang paghinga. Pumait ang kanyang mukha nang maramdaman ang sakit sa kanyang dibdib. Nakatusok pa rin kasi ang espadang itim at umaagos pa ang dugo rito. Marahan niya itong hinawakan at napapikit ang kaliwang mata sa pagkirot nito.

Sa kinatatayuan ni Lunar, nakatulala siyang gulat sa dalaga. Hindi niya— at nila— inaasahan na may posibilidad na mabuhay ito. Sino ba namang tao ang muling mabubuhay? Kahit ang mahika ay hindi ito magagawa. Isa lang ang dahilan kung bakit siya nabuhay, isa siyang bathala.

Napaupo si Elaine at hinawakan ang itim na espada. Ang mukha niya ay wala nang emosyon at nakatitig lamang sa espadang nakatusok sa kanya.

Nang siya'y mabuhay muli, may tumatak na enkantasyon sa kanyang isipan, dalawa ito at ang isa'y regalo ni Elaine Suarez. Ang isa pa ay regalo ng bathalang hindi nagpakilala sa kanya ngunit sigurado siyang ito ang nagbuhay sa kanya.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Hinawakan niya ng mahigpit ang espada at nag-enkantasyon, "Mahika Ah-bilidad, Reconstruct".

Malakas niyang hinugot ang espada kasabay nang mabilis na paggaling ng kanyang natamong pinsala sa dibdib. Ang mga nasirang balat ay bumalik sa dati nitong anyo ngunit ang mga dugong nagkalat sa kanyang katawan ay nanatiling mantsa. Pagkatapos ng ginawa niya, bumuntong hininga siya at tumayong nakahawak sa kanang tuhod upang alalayan ang sarili. Ang espadang itim na hinugot niya ay hindi niya binitawan.

Nang makatayo ng maayos, winasiwas niya ang espada sa kanyang gilid at ngumisi.

"Sa pagkakataong ito, hindi na ako mabibigo pang muli. Pangako 'yan, Elaine Suarez," bulong niya sa sarili at bumaling kay Lunar. Ngumiti siya nang malawak na animo'y sabik na makapaslang. Naglabas siya ng awrang mabigat at nakakapangilabot kaya ang nakatayong si Lunar ay nakaramdam nang mabigat na pakiramdam.

Nanginig ang mga kamay ni Lunar habang nakatitig sa dalagang buhay na buhay. Una, sigurado siyang napatay niya ito at ikalawa, sa pinakitang mabilis na paggaling ng sugat nito sa dibdib, hindi na ito basta-basta mamatay muli.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now