Chapter 42

806 36 0
                                    

Chapter 42: Symbol of Fire

SA NAYON ng Liryong Lampara, nakatayo si Pinunong Sol sa harapan ng tatlong magsasanay; Emmanuel, Elaine, at Cielle. Ang bawat isa sa kanila ay nakatindig at nakahanda ang bawat sarili sa gagawing pagsasanay dahil binalaan sila ng matanda. Hindi siya basta-basta bibitaw ng paalala dahil papahirapan niya talaga ito. Walang pagsasanay na madali, lahat ay kailangan paghirapan.

Sumeryoso ang tingin ng matanda sa kanila. "Dahil kayo ay may magic senses, hindi na natin iyon pagtutuunan ng pansin. Kailangan nating aralin ang—"

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang matanda tungkol sa mahika. Dahil kasama si Emmanuel, magpopokus muna sila kung ano ang kanilang mahika. Kay Cielle ay hindi pa alam ang mahika kaya susubukan nila itong alamin. Dahil si Elaine ay bihasa na sa Wind Magic, magpopokus ito sa Fire magic upang sabayan din si Emmanuel.

Habang nagpapaliwanag si Pinunong Sol, hindi maiwasan ni Emmanuel na mapatingin kay Elaine. Masaya ito lalo na't nalaman niyang ligtas sila. Ito ang nagpapabagabag sa kanya upang hindi mahasa ang kanyang mahika. Ngayon na ang isipan niya ay mapayapa na, makakagalaw na siya ng malaya.

"Cielle?!" tawag ng matanda dahil nakita niyang papikit-pikit na ang dalaga. Agad naman itong nagising ngunit mapungay ang mga mata.

"A-ano 'yon?" utal na sagot ni Cielle saka umayos ng tayo.

"Dahil hindi mo pa alam ang iyong mahika, sasanayin mo ang iyong mana kung paano ito magagamit ng tama."

"Ano iyong mana?"

Napasapo na lang sa ulo ang matanda at tumingin sa binata. "Kahit hindi mo sabihin, bihasa ka na sa fire magic, hindi ba?"

"O-opo," sagot ni Emmanuel, "Ngunit hindi ko kaya ang mimicry magic. Kaya ko lamang ay ang creation magic."

[There are 4 skills in one attribute magic: Generating, Controlling, Creation and Mimicry.

1. Generating and controlling is the natural skills of a mage.

Producing magic = generating
Casting spell with attack = controlling

2. Creation magic is a skill with magic circle. This magic needs a lot of mana and training to produce things.

Ex: Creating animals, armour, weapon and etc.

3. Mimicry magic is a rare skill. Mana, magic, and body needs to be bond to produce this kind of spell.

Ex: You can turn your whole body in fire.

"Maaari mo bang maturuan si Elaine? Kailangan ko magpokus kay Cielle," utos ni Pinunong Sol.

"Sige po. Wala pong problema," nakangiting tugon ni Emmanuel at humarap may Elaine. "Paano ba 'yan? Ako ang magtuturo sa 'yo."

"Kung bihasa ka na pala sa mahika mo, bakit ka pa magsasanay?" tanong ng dalaga.

"Maiwan ko na kayo. Cielle? Halika na rito," paalam ng matanda at lumayo sila ng bahagya ni Cielle para magsanay.

"Sabi mo pwede akong sumama sa inyo magsanay?" tanong ni Emmanuel kay Elaine at nagsimula na silang maglakad papalayo.

"Ano pa bang sasanayin mo?" tanong ng dalaga.

"Ang magic sense ko, sana."

"Kung gano'n, ako ang magtuturo sa 'yo no'ng magic sense."

"Give and take," saad ng binata at mahinang natawa.

Huminto sila sa isang patag na lugar sa kagubatan.

I'm a Ghost in Another WorldDär berättelser lever. Upptäck nu