Chapter 20

1.2K 50 1
                                    

Chapter 20: Unexpected Visitors

SA SILANGANG bahagi matatagpuan ang isa sa pinakamayamang kaharian sa lupain ng South-West Realm, ang Anastasia Kingdom na neutral sa mahika. Dito mo matatagpuan ang iba't ibang klase ng establisyemento at negosyo na nagpapayaman sa bansa. Isa rin sa kanilang sikreto kung paano napaunlad ang bansa ay dahil sa maganda nitong pamununo sa kamay ni Hursio Hedalgos, ang huling emperor bago dumating ang unang magpapabagsak sa ekonomiya nila.

Isa sa mga anak ni Former Emperor Hursio ay si Prince Lunar. Ayon sa batas, kung hindi magpapakita ang tinakdang Supreme Spirit, maghahatol ng crown prince/princess pansamantala. Kalaunay naging Emperor si Lunar na matagal nitog hinahangad. Malugod itong tinanggap ng mga opisyales at ng mamamayan ngunit sa ilang linggo nitong pamumuno, nakapapansin na sila ng kakaiba— ang pagtaas ng buwis ng halos limang pilak. Natanggap ito ng iilan ngunit habang tumatagal mas tumataas pa ang buwis. Malaki ang epekto nito sa mga farmer at mga nasa mababang uri ng pamayanan.

Sa Tasia Capital, nagtipon-tipon muli ang mamamayan dahil sa pagkalat ng balitang muling nasa palasyo ang emperor at ito'y maghahayag ng balita para sa kanila. Makikita sa mukha ng mga tao na gusto nilang muli makita ang emperor. Hindi katulad noon na kagalakan ang nararamdaman ng mga mamamayan sa emperor, ngayon ay may ilang grupo ang nagpoprotesta sa emperor. May hawak silang karatula na may nakasulat na 'babaan ang buwis' at karamihan sa kanila ay mga gusgusin ang mga suot.

Naalarma ang mga tao sa grupong ito kaya silay lumayo sa kanila. Agad na nagpatawag ang palasyo ng knights at sila'y kinausap na umalis. Ngunit matigas ang kanilang ulo kaya hindi sila sumunod. Nagkatinginan ang mga knights at sabay-sabay na gumamit ng dahas kaya nagkagulo ang grupong kontra sa kanila.

"Kailangang madinig ng emperor ang hinanaing!"

"Babaan ang buwis!"

"Maraming mahihirap ang lalong naghirap!"

"Sakim sa yaman!"

"Hanapin ang totoong namumuno!"

Ilan lamang 'yan sa mga sigaw ng mga nagpoprotesta habang nakikipagtunggali sa knights.

Samantala, nasa loob ng palasyo si Emperor Lunar kasama ang kanyang limang kalahok at si Guardian Mikhail. Nakatayo siya sa harapan ng mga kasamahan at sa bawat gilid niya naman ay naroon si Penumbra at Equinox. 

Nilibot niya ng tingin ang kanyang mga kalahok ngunit napatigil ito kay Joziah na kinagulat nito.

"Ano ang apelyido mo?" tanong niya.

Napalunok muna si Joziah dahil sa kaba bago tumugon, "Suarez, your majesty."

Ngumisi ang emperor, at humarap kay Meralda na agad namang umabante at yumuko.

"Bakit hindi niyo na bisitahin ang ating inaabangang bisita?" nakangiting tanong ni Lunar at tumingin kay Mikhail. "Kailangan namin ang loyal servant mo."

Pinanliitan siya ng tingin ni Mikhail. "Kloro," tawag nito na agad namang lumitaw sa gilid niya ang lalakeng nakatuxedo. Yumuko agad ito upang magbigay galang.

"Ano po 'yon, Guardian Mikhail?"

Seryosong tumingin si Mikhail kay lunar na maikling nakangiti sa kanya. "Pupunta tayo sa Forest of Sonja."

𔓎𔓎𔓎𔓎

KASALUKUYANG nagtutuos sila Elaine at ang guardian princess na si Haruna gamit ang mga nilikha nilang espadang gawa sa mahika. Malayo sila sa isa't isa at hinahab; si Elaine ay hinihingal na nakayuko, habang ang guardian naman ay nakatindig na nakataas-noong nakatingin sa dalaga.

I'm a Ghost in Another WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora