Chapter 34

896 43 10
                                    

Chapter 34: Cielle

SA ISANG oras na binigay ng mangkukulam, naging sapat na iyon para magawa ang kanilang plano ng tama at hindi napapansin ng minamanipula nilang si Meralda.

Nang makapunta sila Alaric, Ivy, at Karlo, sa palasyo ng Olga Kingdom, agad nilang hinanap si Princess Haruna. Halos malabas ng guardian ang mga tinik sa kanyang dibdib nang malamang nas aligtas na kalagayan ang kaluluwa ni Elaine. Mabilis na naintindihan din nito ang katauhan ni Pinunong Sol at ang bilin nito tungkol sa golem. Agad naman itong gumawa ng wood golem na hitsurang dilag.

Sa kasagsagan ng paggawa ng golem ay siyang silip naman nila Rai at Ruby. Nagtataka sila sa abalang gawain ng mga kasamahan. Nawala ang kanilang pagtataka nang pumasok si Alaric sa silid.

"Anong nangyayari?" takang tanong ni Ruby.

Hindi siya sinagot ng kapitan dahil dire-diretso itong pumunta sa katawan ni Elaine.

"Gusto niyo bang sumama?" tanong ng kapitan nang buhatin niya ang walang malay na si Elaine na parang isang saking bigas. "Magigising na si Elaine."

Agad na lumawak ang ngiti ng dalawa at tumango. Sinundan nila ang kapitan at sumama kanila Karlo. Bumalik sila sa nayon na kasama sila Princess Haruna, Rai, at Ruby. Sumalubong sa kanila si Pinunong Sol at ang dalawang magkapatid na si Zyaniah at Zianelle.

Napakabilis ng pangyayari dahil sa limitadong oras na binigay. Ngunit kahit hindi alam ng iba ang nangyayari, nanatili silang kalmado.

Samantala, kanina noong wala sila Alaric sa bahay ni Pinunong Sol, sinundo na ni Zyaniah ang kapatid. Sinabi nito ang detalye at ito'y natuwa na may katawan na siyang lilipatan.

At sa kasalukuyan naman, nakatingin sila Rai at Ruby sa dalawang batang takang nakatingin sa kanila.

"Nasaan ang kaluluwa ni Elaine?" takang tanong ni Rai at hinalagilap ang kaluluwa ngunit ang dalawang bata lang ang kanilang nakita. "At anong ginagawa ng dalawang batang ito?"

Kunot-noong tiningnan ni Zyaniah si Rai at pumewang.

"Sino ba namang tao ang hahanapin ang kaluluwa? Malamang hindi niyo makikita ang multo. Bakit may dalawang bata? Baka 'yong isa sa kanila ay sinapian ng multong hinahanap niyo," sarkastilong saad nito.

Nakita ni Zyaniah na tinitigan siya ng dalawa. Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang niyakap ng mga ito.

"Elaine!" masayang sigaw nila. Binuhat nila ang bata na may mahigpit na yakap.

"N-nasasakal a-ako," reklamo ni Zyaniah.

Agad na humiwalay sila Rai at Ruby sa pagkakayap, at binaba na ito.

"Alam niyo ba ang katauhan ko?" nahihiyang saad ni Zyaniah.

"Alam mo naman si Rai. Napakadaldal kaya nalaman ko ang tungkol sa 'yo," sagot ni Ruby.

"H-hoy! Kwinento ko sa 'yo kasi sinabi ni Captain Alaric!" depensa ni Rai.

"Todo depensa. Naniwala agad. . ." Tinarayan muna ni Ruby si Rai bago humarap sa batang si Zyaniah, "Ikaw ba talaga 'yan Elaine?" Mahina niyang kinurot ang pisnge nito. "Napaka-cute mo naman."

"Isa lang akong kaluluwa. Sinapian ko lang ang batang ito."

"Totoo ngang kaluluwa ka!" gulat na pangsang-ayon ni Ruby.

Napakamot na lang sa batok si Zyaniah.

Bago pa dumaldal si Rai, umeksena na sa kanila si Captain Alaric.

"Mamaya na 'yan. Kailangan muna nating malipat si Elaine sa katawan niya." 

Sumang-ayon naman ang dalawa at sila'y gumilid. Pinahiga nila ang katawan ni Elaine sa sofa na agad namang pinuntahan ni Zyaniah. Tinitigan niya ang sariling katawan at hindi makapaniwala sa ganda ng kanyang katawan.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon