Chapter 38

856 38 6
                                    

Chapter 38: Sixth/Magic sense

NOONG umalis si Emmanuel sa tahanan ni Pinunong Sol, naglakad siyang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa kanyang dinaraanan.

"Magandang umaga, Lord Emmanuel," masayang bati sa kanya ng isang matandang lalake.

Ang walang emosyong mukha ng binata ay awtomatikong ngumiti.

"Magandang umaga rin po," tugon niya na may marahang pagyuko.

Sa kanyang paglalakad, hindi niya inaalis sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit siya nasa nayon. Ngunit minsan, nakalilimutan niya ito dahil sa nasasaksihan niyang kasiyahan sa mga taong narito. Napapangiti siya kapag nakakakita ng mga batang masayang naglalaro, napapatigil naman kapag may matandang babae ang nagbibigay sa kanya ng pagkain, at umaaksyon kapag may mga humihingi sa kanya ng tulong tulad ng pagbubuhat ng mga mabibigat na dalahin.

Napatigil siya sa paglalakad nang matunton niya ang dulong bahagi ng nayon na matatagpuan ang kagubatan. Pumasok siya rito at pinagmasdan niya ang mga puno upang maghanap ng mapupuwestuhan. Tumigil ang kanyang tingin sa isang mataas na puno at pinanliitan ito ng tingin.

"Fire magic, Rocket's Flames," enkantasyon niya at nagkaroon ng apoy sa paanan niya. Lumutang siya sa hangin at tumungo sa sanga ng punong pinili niya. Umupo siya roon at tinanaw ang nayon.

Napangiti siya dahil ang nayon ay naging pahingahan niya sa napakatinding pagsasanay.


Flashback

Bago ang pag-alis ng grupong magrerepresenta sa Anastasia Kingdom, nagpahabol ng huling pagsasanay ang kapitan nilang si Yong. Ilang araw pa lang silang nagsasanay ngunit masasabi nitong may ibubuga na ang mga kalahok. Kailangan pa ng matinding pagsasanay ng sa gayon, ang titulong pangalawa sa pinakamalakas sa iba pang kaharian ay mapanatili nila sa patimpalak.

Kasalukuyang nasa training hall sila Baron, Emmanuel, at ang dalawang kambal na sila Antonelle at Antonette. Ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng badge sa kanang dibdib— ito'y sagisag na sila ang representative ng Anastasia Kingdom.

Sa kabilang dako naman ay makikita si Captain Yong na nakaupo't nakatingin sa magkatunggaling sila Antonette at Emmanuel. Sila Antonelle at Baron ay nasa tabi niyang magkabilang upuan at katulad niya, nakamasid lang siya sa naglalaban.

Ang dalawang magkatunggaling sila Emmanuel at Antonette ay salitan na umaatake gamit ang mga kamao't mahika at dumedepensa gamit ang kanilang bisig at hita. Mas lalong dumudoble ang kanilang lakas ngunit mas tumitindi ang kanilang pagod.

Nang madepensahan ni Emmanuel ang suntok ni Antonette sa bandang mukha niya, nakita niya ang tumatagaktak na pawis sa mukha ng dalaga. Ngunit mas kapansin-pansin ang pagngisi nito  na nagpa-cautious sa kanya.

Para siyang hindi babae sa lakas at galing niya sa pakikipaglaban, sa isip-isip niya. Hindi na nga ito matuturing na purong mage dahil kasing liksi niya na ang isang warrior class.

Hinanda ni Emmanuel ang kanang kamay upang masuntok ito sa sikmura ngunit mabilis na umatras si Antonette at mabilis ding tumalikod para makabwelo sa pagsipa. Nahulaan niyang tatama ito sa hita niya kaya agad siyang tumalon paatras subalit bago pa siya makatapak sa lupa, nakita niyang mabilis na kumilos si Antonette papunta sa kanya— nakaabang ang kamay nito upang gumawa ng mahika.

Sh*t! Patay na!

"Water Creation, Aqua Gloves!"

Walang nagawa si Emmanuel. Nang dumikit ang mga paa niya sa sahig, sumabay ang suntok ni Antonette na hindi niya nahilagan. Hindi na siya nakaporma dahil sa pagkakatalon kaya siya'y tumalsik. Naramdaman niya ang sakit sa pagkakasuntok ng dalaga sa gilid ng kanyang tiyan. Napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang gilid ng kanyang tiyan.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now