Chapter 33

893 39 3
                                    

Chapter 33: Supreme Elaine

SA TAHANAN ni Pinunong Sol, ngayon lang ito nagkabisita nang higit sa limang tao at ito'y kinagagalak niya. Kanina pa sila rito at nakikinig lang sa kwento ng batang babaeng si Zyaniah. Walang gustong magtanong at umimik kaya naging tahimik ang lugar.

Nasa sala ang mga bisita. Nakaupo ang dalagang si Ivy sa sofa habang nakatayo si Karlo sa tabi niya. Si Captain Alaric naman ay nakatitig sa batang nakapatong sa maliit na mesang nasa gitna ng sala. Inobserba niya ito mula ulo hanggang paa habang nakalagay ang kanyang kanang kamay sa baba.

"Sumapi ka sa batang si Zyaniah?" tanong ng kapitan at tumingin sa gilid na kung saan nakaupo si Zianelle. "At ang kapatid mong ito ay nakasapi rin ang babaeng multo na tumulong sa 'yo makaalis sa Spirit Woodland?"

"Oo," sagot ni Zyaniah at umupo sa tabi ng kapatid. "Napunta kami rito sa nayon at nakilala namin si Pinunong Sol."

Tumingin sila sa matandang nakatayo sa kabilang gilid ng sofa.

"Ikaw ba ang may gawa ng anti-magic barrier na nakapaligid dito?" tanong ng kapitan.

Ngumiting napapikit ang matanda at tumugon, "Ako nga at ako rin ang dahilan kung bakit hindi mo maramdaman ang mahika sa loob ng Supreme Spirit."

Pinanliitan ng tingin ni Alaric ang matanda at hinugot si Zyaniah papalapit sa kanya. Bahagyang nagulat ang bata dahil halos mapatalisod na siya sa biglaang hatak.

"Ang Anti-magic Barrier ay ginagawa lang ng isang mangkukulam. Nararamdaman ko rin sa 'yo ang mahika ng dating mangkukulam ni Lunar. Hindi ba't ikaw 'yon?" seryosong usal ni Alaric at sinamaan ng tingin si Pinunong Sol.

Naalarma rin sila Karlo at Ivy. Agad silang tumayo sa tabi ni Alaric at hinarangan si Zyaniah. Sinamaan nila ng tingin ang matanda habang sila'y umaatras ng mabagal.

"Ako nga. Ikinagagalak kong makita kitang muli, Alaric," nakangiting saad ni Pinunol Sol.

"Paano ka nabuhay?" tanong ni Alaric.

"Hindi ko maaaring sabihin sa 'yo sapagkat maririnig tayo ng aking panginoo," sagot ng matanda at napasulyap kay Zianelle na abalang nakatulala kay Alaric. Hanggang ngayon ay nahuhumaling pa rin ito sa kapitan.

Sumiksik si Zyaniah sa tatlong nasa harapan niya at pumunta sa gitna ng sala.

"Huwag kayong mabahala. Kakampi natin siya," aniya.

"Mahal na Supreme Spirit. Siya ang dating gustong pumatay sa 'yo," paliwanag ni Karlo.

Mahinang napailing si Zyaniah. "Noon 'yon ngunit ngayon, kakampi na natin siya. Kung gusto niya akong patayin, dapat ginawa niya na iyon simula noong magkita kami. Nagpapasalamat din akong nakita ko siya dahil hindi kami natutunton nang mangkukulam ni Emperor Lunar."

Nagkatinginan muna ang tatlo. Nagkakapaan sa pagsang-ayon sa bata. Pinanlakihan sila ng tingin ni Zyaniah bago umayos sa pagkakatayo.

"Anong dahilan kung bakit pumanig ka na sa 'min?" tanong ni Alaric.

"Tulad nga nang sabi ko, hindi ko maaaring sabihin sa 'yo ang dahilan sapagkat maririnig ito ng panginoon ko," paliwanag muli ng matanda at tumingin kay Zianelle.

Sinundan ito ng tingin ni Alaric at nakita si Zianelle na nakatitig sa kanya.

Bumuntonghininga ang bata sabay sabing "Napakagwapo mo," sa malambing na tono.

Hindi naman naapektuhan ang kapitan. Nang makita niyang nakatingin sa kanya si Zyaniah, walang boses siyang nagsabing, "Anong gagawin ko?" 

Pinanlakihan siya ng tingin ni Zyaniah at lihim na tinuro-turo ang pinto.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon