Chapter 2

3.4K 133 5
                                    

Chapter 2: Lazarus

BAGO PA sumigaw sa halo-halong emosyong nararamdaman si Elaine, nagulat ito nang maglitawan sa paligid niya ang iba't ibang uri ng multo na katulad niyang puting-puti ang kulay ng katawan. Tinitigan niya ito ng mabuti at kasabay no'n ang muling pagpansin sa mga tawang kanina niya pa naririnig at nakumprima niyang nangagaling iyon sa mga multo.

Ang alam kong tunog ng heaven ay trumpeta. Bakit tawa ang naririnig ko? Sa impyerno talaga bagsak ko, sa isip-isip niya.

Bago pa siya umalis sa kanyang kinalulutangan, biglang may sumupot na multo sa harapan niya.

"Multo!" bulalas niya.

"Multo?" takang tanong naman ng babaeng multo sa harapan niya. Nilapitan niya pa lalo si Elaine na ikinaatras nito. "Bakit para kang natatakot?"

Hindi makapaniwala si Elaine na nagsasalita ito. Napaawang ang kanyang bibig dahil sa mukha ng babaeng multong walang mga mata at bibig.

"Wah! Multo!" sigaw muli ni at lumipad siya papalayo.

Takot ito sa mga multo kaya gano'n na lamang ang reaksyon niya.

"Hoy!"

Napahinto si Elaine nang makitang muli sa harapan niya ang babaeng multo, animo'y kaya nitong mag-teleport.

Ginawa krus ni Elaine ang dalawa niyang hintuturo at tinapat ito sa babaeng multo.

"Masamang espiritu! Lubayan mo ako!" singhal niya.

"Huh!?" reklamo ng babaeng multo at bigla na lamang ito nagkaroon ng kilay na nakakunot noo.

Lumapit pa siya lalo kay Elaine na ikinapikit nito dahil sa takot (kahit wala naman talaga itong mata).

"Hindi ko akalaing makakakita ako ng multo na takot sa kauri niyang multo. At ngayon din ako naka-encounter na multong mapanghusga ha!" reklamo ng babaeng multo.

Unti-unting tiningnan ni Elaine ang babaeng multo dahil sa mga sinabi nito.

"Totoo ngang multo ako," mahinang saad ni Elaine ngunit sapat na ang katahimikan ng paligid para marinig siya ng kanyang kausap.

"Obvious ba? Multo ka! Ang pinagkaiba lang natin, lumiliwanag ka."

Tiningnan ni Elaine ang kanyang mga kamay. Tama nga ang sinabi sa kanya nito, lumiliwanag ang katawan niya na mahahalintulad sa bumbilya.

"Nasaan ako? Bakit ako naging multo? Sino ka? Bakit hindi pa ako patay? Buhay ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Elaine ngunit hindi siya pinansin ng babaeng multo dahil inoobserba nito ang buong katawan niya.

"Sa hitsura mo, mukhang hindi ka galing sa mundong ito," sambit ng babaeng multo na may paghawak sa kanyang baba.

Napatigil si Elaine sa kanyang pagtatanong at tumingin sa kausap. "Hindi ako galing sa mundong ito?" tanong niya.

Tumango ang babaeng multo bilang tugon at nagtanong, "Anong pangalan mo?".

"Elaine Hidalgos."

"Hidalgos?" Napahawak sa baba ang babaeng multo na animo'y nag-iisip. "Parang narinig ko na ang apelyidong 'yon. . . Anyway, isang patunay na taga-ibang mundo ka dahil may pangalan ka."

"Eh! Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ni Elaine.

"Wala akong pangalan," malungkot na sagot ng babaeng multo.

"Huh?! Bakit?"

"Gaya nga ng sinabi ko, ang pangalan ang isa sa patunay kung bakit taga-ibang mundo ka. Pati na rin 'yang pagliwanag ng katawan mo." Inilahad ng babaeng multo ang kanyang dalawang kamay sa paligid nila. "Lahat ng nakikita mong multo ay walang mga pangalan dahil kami ay mga ligaw na kaluluwa. Na-trap lang kami rito sa Spirit Woodland kaya hindi kami makatawid sa kabilang buhay."

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now