CHAPTER 1

42.6K 1K 399
                                    


Blaire's pov

Nagising ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng aking apartment, kaya mabilis akong tumayo at tinali ang aking gulo,gulong buhok.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito, sinalubong ako ng aking landlord.

" blaire kanina pako katok ng katok dito, tinataguan mo bako ha?!
Nako bata ka, kaylangan mona mag bayad ng renta kung hinde eh kaylangan monang umalis, pasensya kana dahil may mga bayarin din ako.
Meron kang 2 linggo para magbayad kung hinde eh. Kaylangan monang umalis." Bungad sakin ng aking land lord.

"Pasenya napo MR.ramirez, gipit lang po talaga ngayun. Wag po kayo mag alala hahanap po ako ng paraan para makabayad." Sabi ko ng medyo inaantok pa. Hindi ko makita ng ayos ang muka nya dahil sa antok,  pero sure naman akong panot parin sya.
Hindi sa ng lalait pero totoo yon eh.

" nako ms. Valdez siguraduhin mo lang, sige aalis nako." Tumango na lamang ako ng mahina, dahil iniisip ko parin kung saan ako kukuha ng pangbayad.

Kaylangan kong maka gawa ng paraan, para makahanap ng pambayad. Hindi kasi sapat ang kinikita ko sa pinag tratrabahuhan kong coffe shop. Dahil marami kaming ngayung bayarin sa school.

Problema ko panga pala  itong bayad sa renta, nawala na sa isip ko. Nagiging ulyanin na ako ah.

Naging mahirap na ang pamumuhay ko. Simula ng namatay ang aking mga magulang sa isang car accident. Noong una ay hindi ko kinaya dahil hindi ako sanay ng wala sila sa tabi ko, pero kinaya ko dahil sa kagustuhan kong makapag tapos ng pagaaral.

Gusto kong tuparin ang pangako ko sa aking mga magulang, na magtatapos ako ng pagaaral.
Na tutuparin ko ang pangarap ko.

Isa akong nursing student ngayon . 2nd year ako ng nursing
Im 21 years old, mahirap din kase mahal ang pag nunursing.

Pero sa awa ng diyos may tumulong sa akin. Dalawang mag asawang alcantara si MRS. alcantara at MR. alcantara. Sila ang dating boss ng aking mga magulang.

Kayat nung nalaman nila na naaksidete, ang aking mga magulang ay agad silang tumulong.

Ginawa nila akong scholar, at nag prisinta pa silang buhayin ako at magbayad ng mga personal na bayarin. Pero hindi na naman ganoon ka kapal ang muka ko para tanggapin yoon.

Kaya tinanggihan ko, kahit nahihirapan ako. Marami ng naitulong ang mag asawa at ayoko silang abusuhin.

Kinakaya ko naman kahit papaano,kakayanin ko para sa pangarap ko, Kahit na mahirap.

Buti na lamang ay sem break pa. Kaya, makakapag ipon pako. Para sa susunod na sem.

Pero kaylangan ko muna mag hanap ng pangalawang trabaho, dahil hindi kaya ng mga bayarin ko ang sahod ko, sa cafe.

Kaylangan ko maghanap ng pagkakakitaan para naman hindi ako mawalan ng titirahan.

Habang nag iisip ako ng pwedeng paraan para magkapera, bigla kong naala na may trabaho panga pala ako, malalate nako jusko po!

Naligo muna ako at naghanap ng maisusuot. Nag suot ako ng isang skinny jeans, at ang kulay kape kong polo shirt. Uniform namin sa cafe.

Dali dali ako lumabas ng apartment at naghanap ng masasakyan, nakakita ako ng jeep at pumara kaagad.

***

Bumaba ako ng jeep at dali daling pumasok ng cafe, sinalubong ako ng aking masungit na manager.

" blaire your late! Again. Obviously
Get to work, ang daming costumers".

Tumango na lamang ako at dali daling pumasok sa loob ng counter para makapag apron at sumbrero.

Ilang oras na ang nakalipas malapit nako makauwi iisipin ko pa pala, kung pano ako makakahanap ng renta, at marami ring bayarin sa school. Hayss.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon