CHAPTER 22

16.5K 649 59
                                    


Blaire's pov

" pahinga po muna kayo nay, sasabihan ko nalang po sila tita isabel," kinumutan kona si nanay stella at lumabas na ng kwarto nya.

Nung chineck ko kase si nanay dito eh, sabi nya sumama daw ang lasa nya, kaya sinabi ko na magpanghinga nalang muna sya.

Naayos na rin naman namin yung lamesa kanina ni nanay eh, sabi nya ako na muna daw bahala dun sa cake mamayang dessert.

Nang makabalik sa sala ay nakita ko na sila mam laurent at parents nya na nag uusap,Kaya lumapit nako.

" ah tito tita, hindi daw po muna makaka sabay si nanay stella sa hapunan, sinamaan po kase ng lasa eh." Bungad ko sa kanila pagkabalik ko palang. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni mam laurent, at nagaalalang muka nila tita isabel.

" oh god, naiistress na si nanay, thank god blaire your here, pakialagaan si nanay iha ha." Nagaalalang sabi ni tita isabel. Tumango naman ako at ngumiti.

" sabi ko dyan kay nanay stella, she should just take care of herself sa bahay at wag na mag trabaho, pero gusto nya padin alagaan itong si veron." Nag aalala ding singit ni tito Joseph,  tumatango nalang ako. Oo nga nag aalala nadin ako kay nanay stella eh. Sana bukas hindi na masama ang lasa nya. Napatingin naman ako kay mam Laurent na bakas din ang pagaalala pero..

Tinatago nya sa poker face? Bat sya ganyan? Hayy,

" handa naba ang dinner iha?" Tanong ni tita isabel.

"Opo tita, nag bake din po kame ni nay kanina ng cake for dessert." Masigla kong sabi, natawa naman ang mag asawa at tumayo na.

" we should eat, pero we have are guest tonight. Parating na sila." Sabi ni tito Joseph at tumingin sa relo nya.

Nakita ko naman na kumunot ang noo ni mam laurent, ayaw nya nga pala may pumapasok na stranger daw sa bahay nya.

" dont worry, veron anak kilala mo sila. Sila tita ashley mo saka si tito bernard mo, kasama din nila yung son nila." Natatawang dugtong ni tito, nakita nya siguro na kumunot noo ng anak nya. Haha

Tumango lang naman ang anak nila at umupo na uli, naiinip na ata ang dragona nato. Galit pa naman ata sakin. Hindi ko nalang sya tinignan tuloy. hmmp

Narinig naming tumunog na ang malaking gate at may pumasok na kotse, parang pamilyar yung kotse ah? Wag mo sabihing??.........

Natama ang iniisip ko ng makita na iniluwa ng pinto ang mga magulang ni jackson. Nasi tita Ashley?? Oo nga pala! Yun din nga pala pangalan ng parents ni jackson?! Ang tanga naman hindi ko agad naalala! Kasunod naman nito na pumasok si tito bernard, Jackson's strict father. Kaya hindi makapag out ang bakla eh. Hays.

" mare! Where here!" Bati ni tita Ashley kay tita isabel nakipag beso pa ito kay tita at tito din. Nagbatian din naman sila tito Joseph at tito bernard, mag kakakilala pala sila. Nasan ang baklang yon?! Kaya ba sya tawag ng tawag kanina? Hala dapat pala nag call back ako. Para naman hindi ako na s-shock ng ganito! Noh.

Napalingon naman si tita ashley saakin, habang ako ay bahagyang ngumiti. Bakas ang gulat sa mata nya. Pero ngumiti rin ito kaagad.

" blaire, dear? What a surprise! why are you hear." Masaya nyang bati, close din kasi kami nito ni tita eh. Niyakap nya naman ako at nag beso din. Niyakap ko naman ito pabalik. Ngumiti din ako sa asawa nito na nakangiti na nang bahagya saakin.

" you know each other iha?" Gulat din na tanong ni tita isabel. Yes shocking po itu. Haha

" yes mare, shes Jackson's bestfriend. " nakangiti namang sagot ni tita Ashley habang ako ay tumatango lang.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon