CHAPTER 36

17.8K 605 295
                                    


Blaire's pov

" morning nay!" Masigla kong bati, at patakbong bumaba ng hagdanan para yakapin si nanay stella.

" ay nako kang baka! Napaka likot mo." Natatawa ni nanay na sabi, pero niyakap din ako at binati.

" ang aga nyo naman po magising, ako po mag luluto eh." Napansin ko kaseng may luto na sa mesa eh 6:00am palang naman. Gantong oras ako gumigising para magluto.

" ay nako hindi ako ang nag luto nyan, pumunta ka sa kusina ng malaman mo." Natatawa pa si nanay habang sinasabi iyon, at umalis narin. Pupunta ata sya sa garden para magdilig.

Kahit naguguluhan ay pumunta parin ako. Sino naman nag luto nyan? Si kuya cole ba? O si.....

Nasagot ang hinala ko ng makita si ms. Laurent doon, naka apron pa at nag priprito. Hala, anong ginagawa nya? Hindi ako nito napansin dahil naka silip lamang ako sa isang pader. Nahihirapan syang magprito dahil tumatalsik ang mantika, ano bang niluluto nya?

Mahina akong natawa ng bigla syang napatili sa gulat dahil sa mantika, pinang shield pa nya yung takip ng kaldero. Hala ang kyut Nya magluto!

" shit! Stay away! You stupid oil! Fvck." Malakas pa syang sumigaw, hindi kona tuloy mapigilang matawa. At medyo napalakas ata, dahil napalingon sya saakin.

Nakita kopa na kumunot ang noo nya, baket ba naman kase sya nagluluto? Kawawa naman yung mantika. Na stupid pa. Sksksks

" how long have you been standing there?" Malamig nyang tanong, pero hindi nakatakas sa mata ko ang pamumula ng muka nya.

" ahh, ngayon lang po." Nakangiti kong sabi, at lumapit na sakanya. Nawala na ang kunot sa noo nya at normal nalang ang ekspresyon na nakatingin saakin. Umiling iling nalang ako, at kinuha ang sandok sa kamay nya.

" baket kapo pala nagluluto dito?" Tanong ko, at tinignan ang piniprito nya. Pancake lang naman pala, kung makamura sya eh.

Hindi pa sya sumagot kaya fi-nlip ko na muna ang pancake. Grabe sunog na yung kabila. Natatawa akong nilagay na ang pancake sa plato. Hay

Tumingin naman ako sa kanya, namumula parin ang muka nya. Si ms laurent ba talaga ito? O may sumaping ibang ispirito?

" stop laughing! I was just trying to cook okay." Naiinis nyang sabi, at padabog na tinanggal ang apron. Natawa nalang ako. Baket ba sya naiinis?

" nasunog yung pancake, kawawa naman." Nagkunwari pa akong nalulungkot, at sinundot ng kaunti yung pancake. Para naman makunsensya sya! Joke.

" kasalanan ng mantika." Pagdadahilan nya, ha? Anong kasalan ng mantika?

" hindi naman po kase nilalagyan ng mantika ang pancake pag niluluto. Pwede po pero kaunti lang, pero mas mabuti kung butter ang ilagay." Paliwanag ko, tumango nalang sya.

" sayang tuloy, sino kakain nyan?" tanong ko, nagkibit balikat lang sya. Abat!

" you." Simple nyang sabi  at sumandal pa sa mesang nasa gilid nya.

" baket ako? Eh ikaw po nagluto nito eh." Baket ako ang kakain nyan?

" i dont eat pancake, and i cooked that for you." Napatitig ako sa kanya, at bahagya pang kumunot ang noo ko sa narinig. Pinagluto nya ako?

" eh kinain mo nga po, yung niluto kong pancake dati eh." Kinain nya naman talaga yon, inubos nya pa nga eh. Tapos ngayon ayaw nya?

" its just because i dont want you to be sad. Knowing you put effort cooking that." Malambot ang boses nya habang sinasabi iyon. Hindi ko maiwasang mamula, yun ang dahilan kung baket nya yun kinain?

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon