CHAPTER 21

17.4K 643 140
                                    


Blaire's pov

" nak, pwede moba kunin yung isang box ng mga gamit na pang bake dun sa studio, dun kasi nakatambak yung ibang kitchen tools." Napatigil ako sa pagpupunas ng plato ng sabihin nya yon. Studio? Yun ba yung pinasukan kong maraming box saka instruments?.

" yun po bang, glass door dun sa may hallway?" Paninigurado ko, tumango naman kaagad si nanay stella. Kaya umalis na ako para kuhanin yung pinapakuha nya.

Box ng kitchen tools diba? Mag b-bake kase si naynay stella ng cake, pupunta kasi dito sila tito Joseph at tita isabell, e cake yung dessert.

Kami lang din ang tao dito sa mansyon kase umalis na sila, kuya cole at mam Laurent.  As usual work nila. Ilang araw narin ang nakalipas simula ng pumunta dito yung mga friends ni mam laurent. Sa isang araw na nga ng pasukan namin eh.

Nitong mga nakaraang araw, na guguluhan na din ako sa mga actions ni mam laurent. Binabaliw nya ako noh! Minsan sweet tapos magiging masungit na naman. Ano bang trip nya?! Ako ang nahihirapan eh.

Sabi ko erase na ang crush! Pero hindi po sya tumutulong! Gusto ko syang itulak sa tuwing malambing sya pero hindi ko magawa! Apaka landi! Hindi ako makagalaw! Pabango pa nga lang nya eh, nag p-palpitate na ang puso ko, naka harap pa kaya sya. Hindi pwede!may asawa na yung tao!
Jusko ka blaire!

Nawala ako sa pakikipag talo sa isip ko ng mauntog ako sa isang salamin.

Aww!

Ang tanga blaire! Nandito na pala ako sa studio! Walang nag bago dito.
Ang dami paring box. Dadamputin kona sana ang box na pinapakuha ni nanay stella ng matamaan na naman ng mata ko ang gitara na nakita ko nung huling punta dito.

Naalala ko tuloy yung nasira ni mam Laurent na gitara ko, hayy. Pero seryoso kanino ba talaga yan? Maganda sya eh, kaso parang hindi nagagamit ang luma na nung strings saka ang daming alikabok, kaya nung ginamit ko yan one time ang dumi ng daliri ko eh.

Ibinaba ko muna ang box na dala ko at dinambot ang gitara, kumunot ang noo ko ng may makitang pangalan. May pirma din eh?

Gabriel A.?

Sino to? Kala koba hindi alam ni mam laurent kung kanino to, saka bat hindi ko nakita nung ginamit ko?
Ay maliit kase yung letters eh.
Pero kanino talaga to? Saka itong ibang instrument,  lumapit ako duon sa piano, may nakalagay din na same name? Hala parang tumatayo balahibo ko!

Dali dali kong kinuha ang box at lumabas na nang studio, kanino ba talaga yon?

" nay eto napo, yung pinakuha nyo." Pag tawag ko nang makarating na ako kusina, lutang kong ibinaba ang box sa saheg. Sino ba yung gabriel nayon? Lolo ba yon ni mam Laurent?o si kuya cole?  Tanong ko kaya si nanay stella? Mukang matagal na syang nag tratrabaho sa mga alcantara eh.

" ah nay?" Tawag ko dito,

" o baket?" Sagot nya lang, at nakatingin parin sa box na dala ko at kinakalkal.

" ah ano po kase...." tatanong ko kaya? Tumikhim muna ako bago magsalita.

" ano bayon bata ka?" Natatawa nyang sabi, sabihin mona kase tamira! Hay nako.

" ah dun po kase sa studio... ano po sino po yung gabriel?" Curious kong tanong,  natigil naman ang pagtawa nya at napatigil sa pagkakalkal sa box, tumayo ito at tumingin saakin ng seryoso.  Nay? Dragona kana den ba? Hala dapat pala hindi kona tinanong. Out of line naba ako? Curious lang naman ako eh.

" hala nay sorry po,okay lang po kung ayaw ny---

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon