CHAPTER 43

13.6K 564 325
                                    


Blaire's pov

" take a sit." Malamig na sabi ng matandang nasa harap ko. Nakakapanghina ang aura binibigay ni don robert saakin, halos maistatwa na ako sa tingin na pinapaukol nya.

" are you deaf iha?or Perhaps just stupid." Mapang insultong sabi ni don robert, kaya nag balik ako sa ulirat, grabe naman maka stupid itong lolo ni ms.

" ah pasensya napo." Paumanhin ko, at naupo sa kalapit na sofa sa gilid ng lamesa.

Nakita kong tumayo si don Robert sa pagkakaupo nya sa swivel chair nya, at naupo sa harap ko. May lamesang nag hahati sa saamin.

" b-baket nyopo pala ako pinatawag?" Lakas loob kong tanong, para matapos na gusto kona talagang umalis dito! Nakakatakot itong lolo ni ms!

" hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. What's your relationship with my apo?" Maotoridad na boses nyang tanong, ramdam ko talaga ang superiority ng lolo ni ms. Sa tindig at aura palang nya, ay hindi ka talaga dapat magkamali ng gagawin o ikikilos, sya ang klase ng tao na iiwansan mo talagang banggain.

Anong bang isasagot ko sa tanong nya? Ano nga bang relasyon namin ni ms? Wala. Pero pareho kami ng nararamdaman, pero dahil sa lolo nya hindi kami magkatuluyan. Yun na yon. Pero sa totoo, hindi ko din alam hindi pa nga sya bumabalik galing ibang bansa.

" ms. Valdez."

Ano nga ba kame? Pero sa totoo lang ang complicated den eh. Gusto ko talaga sya sa totoo lang, sino bang hinde eh napaka pa fall ng dragona na yon. Hindi ko rin alam kung paano sya nag kagusto saken, pero———

" ms valdez!" Naputol ang mga iniisip ko ng marinig ang sigaw ni don robert kaya bahagya pa akong napatayo sa pagkakaupo.

" p-po?" Nauutal kong tanong, kase naman blaire eh! Alam mong may tinatanong yung matanda kung ano ano pinag iisip mo yan,  baket ba naman kase hindi mo ni rereplyan ayan hindi  tuloy mawala sa utak mo!

" sorry po, don robert." Nakayuko kong paumanhin. Nakakahiya.

" never mind my question, hindi ka naman nakikinig." Naiinis nyang sabi  at may kinuha sa tabi nya.

Nilapag nya iyon sa lamesang nakapagitna saamin. Brown envelope?

" kunin moyan. Open it pagka naka uwi kana." Malamig na sabi ni don robert at inabot ang isang malaking brown envelope. Kahit na guguluhan ay kinuha ko nalang. Ano ito?

" by the time you open it, i hope na layuan mona ang apo ko." Agad akong napatingin sa kanya  nang sabihin nya iyon. Napa higpit ang hawak ko sa envelope.

Alam nya ba? May alam sya?

Hindi ako nakasagot, at nanatiling nakayuko.

" wag monang pahirapan ang sarili mo ms.valdez, you dont deserve my grandaughter."

Sa bawat insulto nya, ay nakikinig lang ako at hindi nagsasalita. Ano naman sasabihin ko? Ano ipagmamalaki ko? Totoo naman ang mga sinasabi nya. Gusto ko nalang umuwi. Ayoko na dito, konti nalang mababasag nako. Masyadong masakit mag salita ang lolo mo ms.

" i guess, you've gone mute. Makakaalis kana." Malamig nyang sabi at tumayo na sabay tinalikuran ako.

Nanlalambot akong tumayo at nag tungo sa pinto kung saan ang pinasukan ko kanina.

" s-salamat po." Nauutal kong sabi, at lumabas na. Hindi ko alam kung baket pa ako nag paalam pagkatapos ng mga insultong na
na tanggap ko. Pero hindi ako ganoon kabastos para iwan nalang sya ng ganoon sa sarili nyang opisina, naintindihan korin sya. Alam kong nawalan sya ng isang apo, pero sana namam hindi na nya intayin pang mawala ang natitira nyang apo dahil sa galit sa loob nya.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon