CHAPTER 19

17.7K 733 120
                                    


Blaire's pov

Nagising ako ng marinig ko ang alarm ko na ayaw tumigil sa kakatunog.

Pinatay ko ito, nanlaki naman ang mata ko ng makita ang oras. 8:23am!? Hala!

Agad akong pumunta sa cr at naligo, baka magalit pa si mam Laurent!
Pumunta kasi sya kagabi sa kwarto ko at sinabing mag ayos ako at aalis kami ng 9:00am, hindi nya sinabi kung saan kami pupunta. Hindi narin ako nag tanong, dahil gusto ko na agad isara ang pinto non. Dahil nababaliw na naman ako dahil suot nya!

Pumunta ba naman kahapon dito ng naka sports bra lang saka shorts?! Ay work out daw sya?! Grabe hindi ko talaga kinaya yung kagabi kaya umoo nalang kaagad ako, kahit hindi ko alam ang pupuntahan namin. Mababaliw ako sa babaeng yon!

Nang makalabas ng banyo ay agad akong naghanap ng pwedeng isuot, anong susuot ko? Hindi naman kase sinabi ni mam kung saan kame pupunta eh. Ano bayan.

Kumuha nalang ako ng isang fitted jeans at isang black and white na knitted sweater, itinakin ko ito sa harap at nag suot narin ng white rubber shoes, okay na siguro to.


Hinayan ko nalang na bumagsak ang buhok ko, medyo wavy nama eh, saka tuyo narin dahil nag blower ako hiniram ko kay nanay stella.

Lumabas naako at bumaba, nakakahiya hindi ko na tulungan si nanay mag luto ng almusal. Hayy

" morning nay, sorry po hindi ako nakatulong mag luto ng almusal, late po kase ako nagising eh." Nahihiya kong sabi.

" ok lang nak, may lakad daw kayo ni veron. Nabanggit nya kanina."

Nginitian ko lang si nanay at tumango. " opo eh, hindi ko nga po alam kung saan." Sagot ko.


Mag sasalita pa sana si nanay ng biglang dumating si mam laurent,

" oh nak, alis naba kayo?" Tanong ni nanay stella, tumango lang si mam laurent at binaling ang tingin sakin.
Napatingin din ako sa kanya, wala akong masabi! Para syang model na napapad sa bahay! Ang unfair peyporit ata sya ni lord!? Nakasuot lang ito ng black fitted jeans at white celine shirt at leather jacket na chanel?!, naka boots din ito. Saan ba kami? Sa fashion show? Nahiya naman ako sa suot ko grabe.

Hindi ko alam na titig na titig na pala ako kung hindi pa ako kukulbitin ni nanay stella, hala nakakahiya!

" nak? Ayos kapa ba?" Tanong ni nanay at parang natatawa pa, si nanay!  Tumango nalang ako at napa pout, nakita ko naman na ngumisi si mam laurent pero inalis nya rin kaagad. Pssh edi sya na maganda!

" lets go, we'll go now nanay bye." Paalam nya, sumunod naman ko sa kanya at lumabas ng bahay.

Pinagbukas nya pa ako ng pinto ng kotse kaya nahihiya akong nagpasalamat,

Pinagbukas kalang wag kang kiligin!pasingit ng utak ko.
Hindi naman ako kinikilig!? Pssh.

Pinaandar nya na agad ang kotse, saan ba kami pupunta? Ipapatapon nya naba ako sa ilog? Dahil naiinis na sya sakin?! Wag naman sana.

Tahimik lang sya na nag d-drive kaya napatingin ako sa kanya, bad mood ba sya?

" ah mam san po tayo pupunta?" Lakas na loob kong tanong, napatingin naman sya saakin.

" mall." Simple nyang sagot, npatango nalang ako, baka mag s-shopping sya tapos pag bubuhatin nya ako? Ewan.

" you look, beautiful. " compliment nya, agad naman akong nag iwas ng tingin dahil doon,



"Ikaw nga po dyan ang mukang model, puro branded pa ang damit ano to fashion show?" Bulong ko sa sarili ko,

" i heard it." Malamig nyang usal, kaya nanlaki ang mata ko, narinig nya yun?! Ang tanga lang blaire ang lapit lang sayo! Malamang.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon