CHAPTER 2

25.1K 836 206
                                    

Blaire's pov

Kakagising ko lang,hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kagabi kakaisip kong anong gagawin para magka bagong trabaho at pangbayad sa renta.

nag luluto ako ngayon ng pwede kong almusalin,
Buti nalang at may natira pa akong konting mga stocks dito kahit papaano.

Pero hindi narin ito aabot ng 1 week,
Kaya kaylangan kona talaga makahanap ng bagong trabaho.

Nag almusal muna ako at naligo, iniaayos ko narin ang mg papeles na kaylangan para sa mga pag aaplayan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nag suot na ako ng isang rip jeans na pantalon at isang flannel shirt, at white shoes.
Nag pulbo narin ako at nag lipbalm.
Hindi naman ako mahilig mag make up, at wala rin naman akong pambili non. Hindi rin naman na kaylangan,sayang lang sa pera.

Pag katapos kong mag ayos ay lumabas naako ng apartment, at ni lock ko bago bumaba. Nasa second floor kasi ang apartment ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si mang bert, sya yung pulube o homeless man na naging kaibigan ko. Kase pag umuulan ay laging ko syang nakakausap pag nagiintay ako tumila ang ulan.

Mabait naman sya, hindi sya katulad ng ibang badjao na nananakit pag hindi nabigyan. Binati ko naman si mang bert at nag kaway kaunti ng kamay.

"Hello po mang bert kamusta napo."

"O hello blaire kamusta kana ngayon lang uli kita nakita dito, salamat pala sa binigay mong pagkain nung nakaraan, hindi ako nagutom ng gabing yon." Pasasalamat ni mang bert.

"Okay lang po, sige po una nako" umalis nako at sumakay ng jeep.

Pumunta ako sa unang kong pag aaplayang trabaho , isa itong fast food chain, sana lang ay matanggap ako.

Pagkatapos kong mainterview, sa fast food chain na pinagaplayan ko ay agad akong pumunta sa pangalawang, pag aaplayan ko.

Ang pinag kaiba lang ay restaurant ito. Inaayos ko muna ang damit ko bago pumasok.

Pag kapasok ko ay may pumunta agad ng babae saakin. Siguro sakanya ko nlang itatanong kung nag h-hire pa sila.

" ahh hello po mam welcome, how may i help you?"

"Ay nako hinde ao customer, itatanong ko lang kung nag h-hire pa kayo dito ng kahit ano. Waiter, dishwasher, o ano man."

"Ahh wait lang ms, tawagin ko lng yung manager para sya na makausap mo." Tumango nalang ako at nag intay, buti nalang hindi masungit yung babae nung nalaman na hindi ako customer.

Pagkatapos ng mga 5 minutes na pag iintay ay, may tumawag saking lalake na naka suit, ito na ata yung manager nila. Matabang lalake ang nakatayo sa harapan ko, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Tumikhim muna ako bago magsalita.

" ahh sir goodmorning po magtatanong lang po sana ako kung nag h-hire papo kayo ng worker."

" ahh nasabi nga nang isang waiter ko dito, halika at sa office ko tayo mag usap." Tumango nalang ako kahit medyo na c-creepyhan ako sa ngiti nya, wag naman sana manyak to jusko kaylangan ko ng trabaho.

Pagkapasok namin sa opisina nya ay pinaupo nya ako sa sofa, akala ko nung una ay uupo sya sa mesa nya pero, doon sya umupo sa tabi ko.

Pero napakalapit naman ata neto, nako manyak nga ata to eh.

"Ahh so your finding a job?" Pabulong nitong sabi, okay?! Ang creepy nito, aalis nalang ako nako hahanap nalang ako ng ibang trabaho.

Paalis na sana ako ng biglang nya hawakan ang hita ko, napahawak ako sa mesang katapat ko dahil sa pagkagulat.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon