CHAPTER 9

19.7K 776 423
                                    


Blaire's pov

Dali dali akong lumabas, sa kwarto ni mam laurent. Ano bang  nangyayare?! Saka ano yong sinasabi nyang dessert ako?

Hala ganon ba talaga sya, pero baket hindi ko kayang maitulak sya kanina, nanghihina ako sa mga hawak nya.
Pero mali yon eh! Shes my boss's wife at anak ng mga tinuturing ko magulang, baket kase ginawa yon ni mam Laurent?!

Naguguluhan nako, nakatulala lang ako dito sa may pader, malapit sa pinto ni mam laurent, hindi kona kasi kinayang mag stay duon sa kwarto.

Wala naman pala syang ipapagawa sakin, pinag tritripan ba ako ni mam Laurent? Nako gusto kolang mag trabaho ng maayos.

Napahawak naman ako sa bandang dibdib ko, ang lakas parin ng tibok ng puso ko, at medyo hingal ang pag hinga, sino ba naman kase ang makaka hinga ng maayos kung isang goddess ay hinalikhalikan ang leeg mo?!  Tamira blaire tumigil kana wag mona lang pansinin kalimutan mona okay?!

Nakikipag talo ako sa sarili ko ng marinig na may papalapit sakin, nandito parin ako sa labas ng kwarto ni mam Laurent eh.

" oh blaire, anong ginagawa mo sa diyan sa pader at para kang hindi makahinga? Ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong ni nanay stella.

Yoon ho kaseng alaga nyo, pinapak ang leeg ko! Paepal ng utak ko. Erase erase!

"Ahh ok lang po ako, may pinatulong lang po si mam laurent sa kwarto nya medyo mabigat po." Dahilan ko nalang, alangan naman sabihen ko, na hinalikhalikan ng amo nya yong leeg ko?! Hayy.

Tumango naman si nanay stella, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni mam luarent.

Ayy baket naman lumabas sya agad?! Hindi pako nakakatakas eh ano bayan!

Tinignan nya nman kami ni nanay stella, habang naka poker face at naka cross arms pa,

" oh veron nak, may kaylangan kaba?
Nasa baba ang asawa mo at nanonood ng tv." Malambing na saad ni nanay stella.

Napairap naman sya ng banggitin ang asawa nya, luhh mag kaaway ba  sila?

" nothing nanay, what are you two doing in front of my door by the way?" Tanong nya habang palipat lipat ang tingin nya saamin ni nanay stella. Nag iwas naman ako ng tingin kaagad, hindi ko kaya sya matignan, pagkatpos ng ginawa nya saakin kanina!

" eh nakita ko si blaire dito sa pader eh nakasandal pagod na pagod may pinabuhat karaw na mabigat."

Napasapo nalang ako sa noo ko, ihh! Baket kaylangan pa sabihin yon ni nanay stella, sabagay alangan naman sabihin ko yung nangyari kanina noh!

Kumunot naman ang noo ni mam Laurent pagka, sabi ni nanay stella non. Tumingin sya sakin ng naka kunot ang noo, tumingin din ako pero hindi sa mata nya. Nakita ko naman na ngumisi sya,  sana sakyan nya, sya naman din ang may kasalanan eh!

" ahh yeah, i ask for help, my other things are kinda heavy po." Nakangisi nyang sagot habang tumatango.

Tumango naman si nanay stella habang nakangiti, habang ako?! Mamatay na sa sobrang pula ng tenga at pisngi ko! Nakakahiya.

" anot, napaka saya mo naman ata veron anak? May nangyari ba? Madalang lang kita makita ngumiti"
Malambing na tanong ni nay stella.

Napatingin naman ako kay mam Laurent,  pansin ko ngang minsan lang sya kung ngumiti, pero ngayon na ka ngisi! Ano kaya sasabihin nito?

" nothing nanay, i just ATE some delicious dessert kanina, its my favorite na" nakangiti nyang sabi, bigla naman akong namula dahil sa sinabi nya. Dahil alam ko kung anong ibig nyang sabihin noh!

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon