CHAPTER 18

18.6K 704 286
                                    


Blaire's pov

Namumula ang muka kong bumaba sa sala, nakita ko naman ang taong dahilan kung baket malapit nakong masiraan ng ulo!

Nasa sofa si mam Laurent at tila busy sa laptop nya, ang daming gadgets sa harap nya, anong ginagawa nya? Nakakunot ang noo nitong kinuha ang cellphone at may tinawagan.

Hindi nya ako nakita dahil busy sya masyado, nilagpasan ko nalang sya, at pumunta na sa kusina para tulungan si nanay stella.

" nay, naayos nyo napo yung grocery's?" Nakakunot na noo na tanong ko, ang bilis naman?

" oo, nak nag patulong ako kay kuya roel mo kanina." Nakangiti nyang sagot. Tumango nalang ako at tinignan ang niluluto nya.

" kare-kare nay!?" Parang bata ko na tanong, tinawanan nya lamang ako at, pinagpatuloy ang pag luluto.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa reff, nag biglang magsalita si nanay stella kaya napalingon ako.

" paborito ni laurent yan, yan ang kinakain nya pag galit sya." Natatawang sabi ni nanay, kumunot naman ang noo ko. Pag galit?
Eh lagi naman syang galit eh!? Dragona nga! Mapangsamantala pa!
Pervert! Biglaan namula ang muka ko ng maalala ang ginawa nya kanina kaya wala sa sariling naidikit ko ang malamig na tubig ng pitsel sa pisnge ko. Parang timang!

" eh lagi naman po yun galit eh, edi lagi din syang kumakain nyan?" Mapagbiro kong tanong. Tinawanan lang naman ako ni nanay. Hmmp

Para akong bata na palingon lingon sa niluluto ni nanay stella, ang tagal kasi eh! Ang bango!

" ano kabang bata ka,  para kang bulate ang kulit mo." Pag sermon ni nanay, napanguso naman ako at itinigil ang paglilikot. Utom nako!

" wag kang malikot riyan, tawagin mo nalang si veron at sabihin mo kakain na, mag hain kamuna ng plato ha." Ani ni nanay at pinatay ang kalan. Nagnining naman ang mata ko dahil tapos na sya magluto, ngunit napawi ng marinig na ako ang kaylangan tumawag kay mam laurent?! Baket ako pa?! Grrr!

Kumuha nalang ako ng mga plato at etc. At inayos na ang lamesa. Naabutan ko naman si mam laurent na may kausap parin sa telepono, at parang galit? Ewan. Tumayo nalang ako sa likod nya at inintay na matapos ang katawagan nya. Sino naman kaya yan? Hmmmp pake ko.

Ang ganda ng likod nya h---  hep!
Panget! Hindi!

Natapos ang tawag at pinatay nya iyon, humarap sya sakin at parang nagulat pa ito, nawala naman ang kunot ng noo nya, at ngumiti ng bahagya. Uyy! Yung puso ko na naman! Nag p-palpitate!

" ahh m-mam kakain na daw po sabi ni nay stella." Kinakabahan kong sabi,  hindi rin ako makatingin sa kanya! Kinakabahan ako! Nakatitig parin sya sakin, hindi sya sumasagot. Gutom nako! Sagot napo pls!

Nilakasan ko ang loob kong tumingin sa kanya, ngumisi naman ito at inilapit ang muka sa muka ko, agad akong namula. Ano naman?!

" sure baby, lets eat na." She smirked,  pagkatapos nyang sabihin yon. At iniwan akong tulala.
Yan na naman! Baby nya muka nya! Pa fall! Porket maganda grrr! May asawa na sya tapos pafall!


Naabutan kong naka upo na si mam laurent sa upuan nya, nasan si nanay? Umupo nalang ako sa palagi kong inuupuan at yoon ang malayo ng dalawang upuan kay mam laurent! Kung gusto ko pang mabuhay ito ang best choice noh! Kaysa magwala na naman ang balunbalunan ko!

Nakaupo lang ako ng tahimik sa upuan ko at inintay si nanay stella para makakain na, gutom nako.

" seat beside me." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya, ayoko ko nga!

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon