CHAPTER 30

17.7K 664 187
                                    


Blaire's pov

Pagka landing palang nang eroplano, ay may nag aasist na saamin na dalawang babae na empleyado sa resort na tutuluyan namin.

Tapos eto namang katabi ko, ayun masungit na naman. Kung makahawak sa kamay ko kanina tapos ngayon ang sungit sungit na naman. Hindi ko naman inaano eh. Hmmp.

" welcome to boracay sunset resort!" Masiglang bungad ng employees saamin, pagkapasok palang namin ng isang entrance. Nginitian ko naman sila, habang ang katabi ko ayun poker face.
Pagkapasok ay bumungad agad ang napakagandang white sand, napapikit ako ng marinig ko ang magandang pag hampas ng mga alon. Ang fresh ng air.

" this way, ms." Pag guide ng isang employee saamin, sumunod lang kami ni mam laurent. Dinala nya kami sa isang malaking kwarto. At nandito narin ang mga gamit namin. Pero.... wait lang.

Magkasama kami sa isang kwarto?! What the?! Baket hindi hiwalay?!

" enjoy your stay." Sabi nang nag hatid saamin at lumabas na ng kwarto. Agad naman ako lumapit kay mam laurent na nakatutok sa cellphone nya.

" mam, hindi po tayo hiwalay ng room?" Mahinahon na tanong ko, pero ang totoo nag papanic nako! Baket ba hindi hiwalay?! Ang dami dami pa namang room dyaan?

" why? The room is big, we should not waste money mmh." Mahinahon nitong sabi, at may pag ngisi pa. Abat!

Nang aasar ba sya?! Anong waste money eh ang dami dami nyang pera! At hindi naman yun waste eh, privacy yon PRIVACY! kung maitapon nya nga si icebear kanina eh! Tapos waste money pasya!

Bumuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili. Nakakainis sya! Buti nalang at sobrang laki ng room, mukang bahay na nga eh. Inilapag ko nalang ang mga gamit ko sa kama, hindi ba talaga pwede kumuha ng ibang room?

" the guest list is full, i tried to talk to arthur the owner of the resort but theres no available room anymore." Bigla akong napatingin kay mam laurent ng bigla nyang sabihin yon.

Eh baket hindi nya nalang sinabi ininis nya pa ako? Apaka ren eh.

"What's my schedule?" Tanong ni mam laurent, nakaupo na sa kama nya at busy sa loptop. Hininto ko muna ang pag aayos ng gamit ko at kinuha ang printed copies ng schedule nya in the next three days dito. Binigay ito ni ms.josy saakin kahapon.

" ah my meeting po kayo ng 3 to 4pm tapos the rest free time po. Tapos 7to9pm dinner meeting po." Paliwanag ko, binasa ko lang kung ano ang nakalagay dito. Tumango naman sya pero nakatutok parin ang atensyon sa loptop. Hindi manlang tumingin. Pssh.

Nilapag ko na lamang ang papel sa katabing mesa, at pinagpatuloy na ang pag aayos ng mga gamit ko. Kaunti lang naman ito, dahil three days lang naman kami dito. Pero ayoko kase magulo.

Maaga pa naman, mga 9am palang dahil madaling araw kami nag landing dito. Dahil kagabi ang flight. Mahaba lang talaga ang byahe papunta sa resort na ito.

Bigla naman ako nakaramdam ng gutom, kain kaya muna ako. Napatingin naman ako kay mam laurent na busy padin sa loptop nya. Hindi ba sya nagugutom?

" labas po muna ako." Paalam ko, napatinin naman ito agad saakin. Medyo napataas pa ang kilay nya.

" where are you going?" Malamig nitong tanong, inipalag pa nito sa gilid nya ang loptop nya.

" ahh kakain po ng almusal, hindi poba kayo nagugutom?" Tanong ko. Naguguluhan pa ako nitong tinignan. At bakas ang gulat sa muka nya?

Shit.

Narinig kong bulong nya at tumayo na at nag suot ng stinelas. Baket sya nag mumura?

" im sorry, i forgot. Cmon lets eat." Kalamado nyang sabi, at kinuha ang wallet at cellphone nya. Habang ako ay tulala padin. Baket ba ako tulala?

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon