Chapter 95: Maria Irene Victoria Romualdez Marcos

1K 64 123
                                    

Flashback... September 16,1960

It was 2 am in the morning ng ginising ako ni Imelda, kakatulog ko lang since 1am nako umakyat, and here we are.

"What is it darling? Are you okay?" tanong ko ng magising ako. Right when I touched her side of the bed, na feel ko naman na basa. She just looked at me na nakabihis na at kalmado.

"Alam ko kakatulog mo lang pero pumutok na panubigan ko, let's go to the hospital and I can feel the contraction already, baka manganak na ako." Sabi nito. I stood up right away.

Mami Meldy's POV

"Mahal naman, kalma ka lang, may oras pa naman." Sabi ko sa kanya dahil di na maintindihan kung ano gagawin at kung ano uunahin niya.

Nung una at pangalawang panganak ko kasi andito si mommy na tumutulong sa amin, eh ngayong pangatlo, andun sa Ilocos na nagbabantay ng apo din kaya kami lang dalawa ni Ferdinand.

"Ferdinand! Ano ba, kumalma ka kasi muna, hindi naman ikaw ang manganganak, ako naman kaya, kanina kapa aligaga dyan." I said as I held his arms para matigil kakalakad.

"You go change first baka pupunta ka ng hospital niyan na naka boxer briefs lang at nakatopless. You go change first." Sabi ko.

"Eto naman parang kakapanganak ko lang, pangatlo na to Ferdinand." I reminded at buti nalang nagising.

Naawa din ako kasi kakatulog lang nito, kaya he's not in the right of mind. He already packs up the things needed nang nakapangtulog lang, buti di giniginaw tong lalaking to.

Nakabihis naman na ng pants si Ferdinand at pumasok na si Inday.

"Maam, bakit magulo kayo?" tanong ni Inday, halatang nagising din dahil tinawagan ko quarters nila.

"Pakipalitan ang sheets ng bed namin day, pumutok na kasi panugbigan ko." Sabi ko kay Inday. I can feel the contraction naman at masakit siya kaya napahawak ako sa tiyan ko.

"Hala, manganganak kana maam? Teka lang, tatawagin ko si Pedro!" Aligagang sabi ni Inday at tumakbo palabas ng kwarto.

"Indaaay! Wait!" sigaw ko, bumalik naman siya.

"Isa ka pa eh, si Pedro, kanina pa gising, palitan mo lang ang bed sheets namin dahil basa." Sabi ko.

"Tara na maam, baa na kita." Sabi naman ni Inday.

"Ako na day, pakibantayan nalang mga bata at sasamahan ko lang maam nyo." Sabi ni Ferdinand.

Inalalayan naman ako ni Ferdinand at Pedro pababa ng hagdanan, right at the middle of the stairs, nakafeel naman akong contraction at di ko sinadyang mahigpitan ang hawak nito, nabigla naman ang dalawa at kaming tatlo ngayon ang namimilipit sa sakit.

Si Inday naman na nasa harap ko at daladala yung bag ko ay nagtaka.

"Ano nangyari sa mukha nyo, bakit nahinto kayo tatlo, dali na at manganganak na si Maam!" sabi ni Inday.

"Hooo, hooo, hooo! Ferdinand, ang sakit." Sabi ko kay Ferdinand na ngayon ay nakatikom ang bibig at di muna makaimik, iniinda ata ang sakit.

"It's ok-ay darling." He said ng nakaipit ang boses.

Then we continued going down slowly.

"Bakit ba puro hagdan tong bahay natin Ferdinand?" reklamo ko dahil pababa na naman kami ng hagdan hanggang sa entrance ng bahay.

"Sorry darling, it is what it is, para kung sakali may baha or sakuna, atleast elevated bahay natin." Sabi ni Ferdinand.

Nang makarating na kami sa sasakyan nakita ko naman yung dalawa na hinawakan ang kamay nila at winiggle para mabuhay yung mga dugo sa kamay nil ana nahawakan ko.

I Fell In love With A Romualdez (Unedited)Where stories live. Discover now