Chapter 7

3.7K 125 7
                                    


(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 7

Lucky POV

"So, Shayley, Lucky, pwede muna kayong lumabas para magkausap naman kayong dalawa"sabi sa amin ni Papa. Tinanguan lang ito ni clumsy habang nakayuko atyaka tumayo. Sinundan ko na lang si clumsy at pumunta kami sa garden ng restau.

10 minutes passed pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kaya ako na yung nauna magsalita para matanggal yung katahimikan.

"Bakit ka pumayag?"cold na tanong ko sa kanya.

"Eh ikaw bakit ka pumayag?"balik na tanong nito. Damn!

"Hindi ako nagtanong para sagutin mo rin ng tanong"malamig na sabi ko dito.

"Tss Whatever! Pumayag ako dahil ayokong ipull out ng parents mo ang shares nila sa The Monkey's Princess restaurant."sabi nito.

"I see. Sabi ko na nga ba dahil sa kumpanya niyo."tinignan ako nito na para bang nagtataka sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Ikaw? Why did you accept this arranged relationship?"tanong nito. Bakit nga ba? I don't know. Ayaw ko kasing magalit si Papa sa akin at madisappoint si Mom.

"So, what's your plan? Anong gagawin natin during this relationship?"pag-iiba ko ng topic. As if naman sabihin ko sa kanya ang rason kung bakit ako pumayag. Edi pagtawanan ako niyan! At yon ang hindi ko hahayaang mangyari. No. One. Dares. To. Laugh. At. Me. Im thankful naman na nakuha niya na ayaw ko pag-usapan ang topic tungkol sa reason ko.

"Wala pa. Ano pa ba magagawa natin. Eto na tayo eh. Nakapayag na tayo."sabi nito.

"What?! Wala ka manlang gagawin para hindi matuloy to?!" I can't believe this is happening!

"Wala. Gusto mo bang ipull out nila Tito at Tita ang shares nila sa restau nila Mom at Dad? Hindi ako papayag noh! Kaya kung gusto mo umangal ikaw na lang! Atleast hindi nila ipupull out ang shares nila kasi anak na mismo nila umangal." As if naman gagawin ko yun? Tss.

"So, youre now calling my parents, Tito and Tita. Hindi mo naman sinabing close na pala kayo" I said while grinning.

"Eh yun ang gusto nila ano magagawa mo? Im just being a good person here"

"Whatever you say so. Basta! Hindi ako papayag na magkaroon ako ng girlfriend ng ganun ganun lang!"Never noh! Wala pa akong babaeng nakikita na deserving para maging girlfriend ng isang Lucky Manalo. Even that clumsy girl! And about.. Just Nevermind! Im not in a mood to tell you my past.

"Okay. So anong plano mo?"tanong nito habang nakataas ang kilay niya.

"Lets have a Deal."sabi ko ng nakangisi that made her eyes wide.

"A Deal?! Gad Lucky! Wag mo kong sasali sa kalokohan mo!"hysterical na sabi nito atyaka tumayo at akmang maglalakad na ng hawakan ko ito sa braso at hinila para umupo ulit sa bench na inuupuan namin.

Shayley POV

"A Deal?! Gad Lucky! Wag mo kong sasali sa kalokohan mo!" Seriously a Deal? No way! Over my dead beautiful body!

"Shayley! Kuha mo kami ng tig-iisang cake!"sigaw ni Lucky habang relax na relax na nakaupo sa upuan niya na ginto ang kulay at nakacostume pa siya na parang hari. Habang ang mga kasama nito sa Heartbreakers ay nakaupo sa mga upuan sa tabi ni Lucky na puro kulay ginto rin at mga nakacostume rin na para bang mga hari ngunit mas maganda lang ang kay Lucky. Tinignan ko naman ang suot ko. Nakasuot ako ng dress na hanggang paa, ngunit butas butas na ito at mukang madumi na. Muka akong alila.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now