Chapter 24

1.5K 54 4
                                    

"So, hindi talaga kayo?" tanong ni Marie samin ni Lucky. Sabay lang kaming tumango.

"Walang Love?"tanong muli nito. Tumango ako.

Napasyal kanina dito yung mga tiga section 2. Nakita nila si Lucky kaya hinanap nila ako kay Lucky at sinabing ako ang girlfriend ni Lucky bakit hindi niya ko kasama. Siyempre hindi naman alam ni Marie yung tungkol sa amin ni Lucky kaya kailangan namin ipaliwanag ito kay Marie.

"Bakit hindi niyo sinabi agad?"tanong ni Marie sa amin. Nagkatinginan kami ni Lucky. Maski ako hindi ko alam kung bakit ayaw sabihin ni Lucky kay Marie ang tungkol sa kasunduan ng mga parents namin. At kung bakit kailangan niya sabihin kay Marie ang tungkol sa nagpagkasunduan namin.

"Marie sasabihin ko naman sayo eh. Naunahan lang nila ko. Ako pa ba magtago ng sekreto sayo. Eh ikaw nga tong walking diary ko." Natawa nama si Marie sa sinabi ni Lucky na walking diary siya ni Lucky. So, ibig sabihin kilalang kilala na ni Marie si Lucky.

"Uhmm.. Alam ba ni Ivan?"tanong muli ni Marie. Oo nga pala, wala si Ivan dito ngayon. Sa loob kasi kami ng sasakyan ni Marie nag-uusap. Yung sinakyan namin papunta dito sa zoobic.

"Hin--

"Oo alam ni Ivan, Marie" Pagputol ko sa sasabihin dapat ni Lucky. Hindi niya alam na alam ni Ivan ang tungkol samin. Hindi ko sinabi.

Kunot noong tinignan ako ni Lucky. Mukang galit na naman siya. Pero nung humarap siya muli kay Marie umaliwalas ulit ang muka niya.

Ano ba nangyayari sa kanya? Ang gulo niya ha.

"So pagtayong apat ang magkakasama, we can act normal?" Tumango ako muli sa tanong ni Marie.

"Okay. Ngayon naliwanagan na ko. Akala ko nagmamahalan na talaga kayo ni L eh. Pero thank God hindi naman pala. Kasunduan lang pala. By the way, Shayley pano mo nalaman yung name ko? Hindi ko yun nabanggit sayo eh."

"Si Ivan. Si Ivan nagsabi sakin."sabi ko sa kanya. Sumingkit naman ang mata niya atyaka tumaas ang kilay atyaka ngumiti na parang nang-aasar.

"Well, mukang close na close parin kayo ni Ivan ha. Hmmm may feelings ka pa sa kanya no? Yiiee" pangangasar ni Marie sakin.

"Ano ka ba! Wala yun! Kami ni Ivan, were friends. Wala ng hihigit pa dun."sabi ko kay Marie. Pero hindi parin siya tumigil kakaasar sakin.

"Naku Naku! Ngayon pang magiging magkalove team kayo? Imposibleng hindi kayo madevelop ulit sa isa't isa! Yiee!" Natawa na lang ako kay Marie. Ang childish niya kasi. Ang childish niya pero bagay naman sa kanya. Actually, its cute. Ang cute niyang tignan.

"Marie, stop teasing Shayley. She already said it, okay? They are just friends."sabi ni Lucky na nasa drivers seat atyaka lumabas. Ngayon ko lang ulit siya napansin. Nandiyan pa pala siya. Ang tahimik niya kasi.

"Anong nangyari dun at nag-eenglish pa? Hahaha" natatawang sabi ni Marie. Ako naman nagtaka sa sinabi niya. Hindi ba talaga normal na nag-eenglish si Lucky?

"Marie, si Lucky ba hindi talaga mahilig mag english?"tanong ko kay Marie na tinawanan niya lang.

"Hahahaha si L mag-eenglish? No way! Oo nag-eenglish siya pero bihira lang. Nagulat nga ako nag-english ngayon eh hahahaha"natatawang sabi ni Marie. Kung hindi pala english si Lucky bakit pag ako kasama niya english naman madalas ang salita niya? Pero bakit opposite naman ata ang pagkakakilala ni Marie kay Lucky? Pero diba si Marie ang walking diary ni Lucky? Hay ang gulo ha!

Biglang nagvibrate yung cellphone ko. May nagtext kaya kinuha ko ito sa bag ko.

From: Lucky
Get out of the car now.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now