Chapter 8

3.4K 133 20
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 8

Shayley POV

Nagbibihis na ko ngayon. Wala pa nga ata akong 5 minutes naligo eh! Pababa na sana ako ng makilimutan ko ang bag ko. Hay nako! Papasok sa school walang bag? Jusko! Nagmamadali na kasi ako eh! Pagtingin ko naman sa orasan, May Gad! 6:48 na!!

Halos lumipad na ko pababa ng hagdan. Grabe naman kasi! Ang aga-aga ni Lucky!

"Shayley! Hay nako buti naman bumaba ka na. Nandyan na si Lucky, kanina ka pa hinihintay"sabi sa akin ni Mom pagkababa ko.

"Sige po Mom. Nasa sala po ba siya?"tanong ko kay Mom.

"Oo anak. Halika ka mag-umagahan ka na! Para makapasok na kayo"aya sa akin ni Mom. Nakita ko namang tocino, scrambled egg and fried rice ang nakahain sa mesa. Bigla tuloy akong inatake ng gutom -_- Pero hindi na pwede kumain! 6:50 na at alam kong kanina pa namumula sa inis si Lucky! Jeez!

"Ahmm Mom hindi na po. Sa school na po ako kakain. Sige po alis na kami"sabi ko kay Mom sabay halik sa pisngi niya at pumunta na ng salas. Naabutan ko si Lucky na nakaupo sa sofa. Nung nakita niya ko, tinignan niya ko ng masama. Yung tingin na para siyang papatay ng tao! Ihh! Katakot!

Tumayo na ito atyaka nagpaalam kay Mom. Tapos dirediretso na siyang pumunta sa kotse niya at umupo sa driver seat. Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto! Napakagentle man niya grabe! Sumunod na ko sa kanya at umupo na sa passenger seat.

"Diba sabi ko 6:30? Your 20 minutes late! Tignan mo yung oras oh! Its already 6:50! 6:50 Shayley! 6:50!!"sigaw nito sakin pero nanatili lang akong nakayuko.

"Sorry na. Ang aga kasi talaga ng 6:30 eh"sabi ko habang nakayuko parin. Hindi ko yata siya kayang tignan sa mata. Baka makakita na naman ako ng death glare eh. Nakakatakot kaya siya.

"Gad Shayley! Your so irresponsible! Wala pang taong pinahintay ang isang Lucky Manalo! Ikaw lang! Oh My God! I cant believe na araw-araw akong maghihintay ng 20 minutes para lang sayo!"sabi ulit nito.

"Sorry na. Hindi na mauulit"sabi ko na lang.

"Dapat lang!"sabi nito atyaka pinaandar ang sasakyan niya.

Buong byahe namin papuntang school isang nakakabinging katahimikan ang namigitan samin. Buti na lang at nandito na kami. Dito lang niya ko binaba sa may kanto ng school. Baka kasi may makakita sa amin pag dun ako bumaba sa mismong parking lot ng school.

"Mamaya may practice pa kami ng basketball kasama ang mga nakapasok sa try outs na dapat na kilatis ko rin. At dahil nalate ka, hindi ko sila nakilatis. Mga 6pm pa ko. Sasabay ka ba sakin?"sabi niya ng hindi manlang tumitingin sakin.

"Sasabay na ko"sabi ko sabay sarado ng pinto ng kotse niya. Tapos dirediretso na ito papunta sa parking ng school. So maglalakad ako ngayon hanggang sa entrance ng school. Dibale malapit lang naman.

Nung nakapasok na ko ng school, nagulat ako dahil kumpulan ang mga estudyante sa may malaking bulletin board ng school. Dun lagi nakalagay ang mga special announcements ng school. At dahil sa curious ako kung anong nangyayari doon lumapit ako. Sakto namang nadaanan ko si Phia kaya hinila ko ito.

"Shayley! Ikaw pala!"sabi nito na halata mong nagulat sa paghatak ko sa kanya.

"Anong meron sa bulletin board?"tanong ko agad dito na nagpakunot ng noo niya.

"Baka may special announcement lang na importante"sabi nito sabay tingin sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng bulletin.

"Ganun ba kaimportante yun para magkaron ng interest ang lahat ng estudyante na tumingin doon?"tanong ko dito pero nagkibit balikat lang siya.

My Past, My Present or My Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon