Chapter 20

1.6K 79 10
                                    

Shayley POV

"Sira ka talaga! Lagot ka marinig ka ni Sir! Hahahaha" kanina pa ko tawa ng tawa dito. Si Ivan kasi ang hyper. Tapos pinagdidiskitihan pa yung mga teachers namin. Si Sir ganto napaka-sungit. Kahawig ni babalu. Si Sir ganto kahawig ni Bentong. At kung sino sino pa. Hahaha Jusko! Hihimatayin ako kakatawa dito eh hahaha.

"Wag ka na lang maingay. Hindi naman nila malalaman yan hahahaha" sabi niya. Umiling-iling na lang ako. Baliw talaga.

"Shayley, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Para kang camera." Ako? Camera? Teka.. bumabanat ba to? Pick up line ata to eh hahahaha Mapagtripan nga hahaha

"Hindi naman ako camera. Tao ako no. Bakit?" Sumimangot naman ito. Nagpipigil ako ng tawa hahaha.

"Wala. Nevermind" Hahahaha yung muka niya parang nalugi Hahahaha Shet! Hindi ko na ata kayang pigilan hahaha

"Hahahaha" hindi ko na talaga kaya. Yung muka niya kasi hahahaha

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nito. Tapos kunot na kunot pa ang noo. Hahahaha

"Kasi Hahahaha Yung hahahaha"

"Sige Shayley. Tawa pa. May naintindihan ako."sabi nito tapos sumimangot at yumuko na. Hahahaha

"Kasi yung muka mo Hahahaha mukang nalugi! Hahahaha" sumimangot lang ito atyaka umiwas sakin ng tingin.

"Sige, Shayley. May gagawin pa pala ako."sabi nito atyaka tumayo at iniwan ako. Asus. Nagtatampo ang bata hahahaha

Tumakbo ako papunta sa kanya atyaka siya binatukan.

"Ano ba Shayley!"

"Ano inaarte arte mo diyan? Ang arte ha! Hindi bagay sayo! Pa walk out walk out pa."

"Whatever, Shayley!"sabi nito at dumeretso deretso sa paglalakad. Aba! Hindi nagpatinag!

"Hoy Ivan! Umayos ka nga!"sabi ko dito nung makalapit muli ako sa kanya.

"Ano ba problema mo ha?"tinignan niya lang ako. Tapos bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Ay baliw!

"Hahahaha Shayley ang cute mo talaga mainis hahahaha" tamo to. Niloloko lang pala ako. Tsk.

"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" tumalikod na ako at lumakad palayo sa kanya.

Nakakainis naman kasi. Niloloko lang pala ako. May patampo- tampo pang nalalaman.

"Shayley!" tawag sakin ni Ivan. Alam kong nasa likod ko parin siya. Sinusundan ako.

"Sorry na. Tampo ka naman agad eh." Sabi muli nito. Aba ako pa ang medaling magtampo ha?

"Sorry na. Ang sarap mo lang kasi inisin eh."sabi muli ni Ivan. So, gusto niya pala na naiinis ako? Aba! Sapakin ko kaya to? Wag! Baka mabigyan pa ko ng Violation.

"Sige na. Hindi na kita ulit lolokohin ng ganun." Hindi ko parin siya pinapansin. Mababaw ba ko? Oo. Ewan ko ba. Pero gusto ko lang makita kung ano gagawin niya.

"Luluhod ako dito sige. Pag bilang ko ng tatlo kapag hindi mo ko pinapatawad luluhod ako."sabi niya. Hala? Luluhod siya?

"Isa..." Hindi ko alam kung haharap ba ako o hindi eh. Pero sa huli humarap na ko.

"Dalawa.." Ano ba! Humarap na nga ako eh. Bakit nagbibilang parin siya! Ano ba Ivan!

"Tatlo.."

"Ivan, tumayo ka nga diyan!" sabi ko sa kanya habang patingin tingin sa kaliwa at sa kanan, harap at likod kung may nakakakita sa amin. Buti naman at wala. Oo lumuhod siya. Baliw talaga eh. Buti na lang medyo tago kami.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now