Chapter 27

1.1K 53 4
                                    

Lucky POV

"CL halika! Doon tayo sa may tambayan!" sabi ni L pero hindi ko siya pinansin dahil kasalukuyan ko pang kausap si Marie sa cellphone.

"CL! Nakita ko siya! Nakita ko siya! Halika sundan natin!" sabi ni L pero patuloy parin ang pakikipag-usap ko kay Marie.

"CL!! Halika ka na! Sundan natin siya! Baka hindi na natin siya maabutan! CL! Ito na yung---

"L, can you please shut up? Im talking to Marie and Marie wants to talk to you. So, please kung sino mang yang susundan natin, we can do that later."

"Pero CL, baka umalis na siya! Baka hindi ko siya maabutan! CL, halika na! Pwede naman nating kausapin si Marie mamaya eh! CL, ito na yung hinihin-

"If you want you can follow her by yourself."

Pagkatapos ko kausapin si Marie namalayan ko na lang na wala na si L sa tabi ko. Where is he? Oh no! Sinunod ata niya ang sinabi ko. Tss.

Hinanap ko si L hanggang sa nakita ko siya na umiiyak sa may tindahan.

"L, what happen? "

"Ayaw niya ko kausap,CL. Hindi niya ko pinapansin. CL, ayun siya! Ayun siya! Pupuntahan ko siya." sabi nito at nagdire-diretsong siyang tumawid.

"L!!" 

"L...."

Shayley POV

Hindi ako makatulog. Namamahay ako, nasabay pa na hindi ako mapakali dahil iniisip ko kung bakit Levi ang tawag nila kay Lucky. Sabi nila nickname daw nila ito kay Lucky pero hindi ako convince doon. Feel ko may ibang dahilan yun eh. Ewan ko, pero yun ang nararamdaman ko.

Naisipan kong lumabas muna dahil hindi talaga ako makatulog. Baka sakali pag lumabas ako ay antukin ako. Kinuha ko ang scarf ko atyaka lumabas at pumunta sa dagat. Binasa ko pa ang paa ko. Ang lamig. Mas lalo ata akong hindi makakatulog nito. Nagising ako sa lamig ng tubig.

Naglakad-lakad pa ako sa beach ng may makita akong pamilyar na bulto ng katawan na nakasalampak sa buhanginan. Lumapit ako dito at saktong namang napatingin siya sa gawi ko kaya nagkatinginan kami ng ilang segundo pero umiwas rin siya agad. Lumapit ako sa kanya atyaka umupo sa tabi niya.

"Hindi ka din ba makatulog?" tanong ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakatingin sa dagat.

"Alam mo ba ngayon na lang ako ulit nakapunta ng beach. Ang huling punta ko pa ng beach ay nung  8 years old pa ko. Nawala pa nga ako nun eh." pagkukuwento ko sa kanya pero mukang hindi naman siya nakikinig. Nanatili parin kasi siyang nakatingin sa dagat.

"Lucky, nickname mo ba talaga ang Levi? Bakit yun ang tawag nila sayo?" dahil sa tanong ko nalipat ang tingin niya sakin. Tinignan niya ko ng kakaibang tingin. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin pero kakaiba ito. Maya-maya ay umiwas na rin siya. Akala ko hindi niya sasagutin pero nagulat ako nung bigla siyang magsalita.

"No. It's not my nickname. It's my real name." Imbis na malinawan mas nagpagulo pa ito ng isip ko. Hindi niya iyon nickname pero iyon ang tunay niyang pangalan? Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Chuck Levi Lee. That's my real name, Shayley." sabi niya sa akin habang tinitignan ako mata sa mata. Para bang binabasa niya ang naging reaksiyon ko sa sinabi niya.

"Hindi kita maintindihan." Panong yun ang tunay niyang pangalan? Panong..Naguguluhan na ko.

"It's so complicated, Shayley. Hindi ko na dapat sinabi sayo. Hindi mo maiintindihan." sabi nito atyaka tumayo at akmang aalis na nang pigilan ko siya.

"Sinabi mo na diba? Huwag mo kong bitinin!"

"Hindi mo maiintindihan." sabi nito habang nanatiling nakatalikod.

"Puwes ipaintindi mo! Naguguluhan na ko, Lucky!"

"Im not Lucky!" Kung naguluhan ako sa sinabi nito kanina mas lalo akong naguluhan ngayon. Hindi siya si Lucky? Pero hindi maaari iyon. Natatandaan ko pa nung unang beses siyang pinakilala sa akin. Si Tita Margaret pa nga ang nagpakilala sa kanya. Hindi maaaring ibang tao yun. Siya yun. Alam ko siya yun.

"Im not the Primitivo Lucky Manalo you all knew, Shayley." sabi nito na ngayon ay nakaharap na sa akin.

"Pero si Tita Margaret pa ang mismong nagpakilala sayo. At alam kong ikaw yun. Hindi pwedeng ibang tao yun."

"I am that person, Shayley. But that time, I am already pretending to be Lucky."

"Niloko mo kaming lahat?"

"Yes."

"Sino ka? Nasan ang totoong Lucky Manalo? Bakit ka nagpapanggap bilang siya?"

"Lucky is my bestfriend. Im the one who killed him. Kung hindi dahil sakin, hindi siya mawawala. Maraming tao ang masasaktan kapag nalaman nilang patay na siya. Masyadong maraming tao ang nagmamahal sa kanya. Unlike me, no one loves me. No one. Kaya kinailangan kong maging siya. Para na rin sa bestfriend ko. Para pagbayaran ang maling ginawa ko. Hindi dapat siya ang wala ngayon. Ako dapat. Ako dapat ang nawala. Hindi siya."

Then I saw a tear fall from his eyes.

Hindi ba dapat matakot ako sa kanya ngayon? Hindi ba dapat kamuhian ko siya? Hindi ba dapat tumakbo na ko ngayon at iwanan siya dito? Niloloko niya ang lahat ng tao. Masama siyang tao. His a pretender. No, a liar. Pero bakit ganun? Bakit imbis na kamuhian ko siya bakit parang nararamdaman ko na mas kailangan ako ni Lucky-- I mean ni Levi sa buhay niya? He need a friend. A friend who will understand what he feels. And that friend is me.

And I just found myself hugging and comforting him.

*********

Reactions naman about sa big revelation, guys. Pero hindi pa yan ang pinaka twist ng story ha. Dito pa lang nagsisimula ang pinakastory. Kaya mas tumutok pa kayo. Mas mapapadalas na ang update dahil bakasyon na. Yehey!!

My Past, My Present or My Future?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz