Chapter 28

1.3K 55 8
                                    

"Lovebirds! Gising na magsasun rise na!"

Dahil sa sigaw na yun nagising ako. Nakatulog pala kami ni Levi sa labas. Yes, Levi na ang tawag ko sa kanya. Pero pag kami lang at ang Secret Identity. Inaasar ko nga siya kahapon na Chuck na lang ang itatawag ko sa kanya pero sinasamaan lang niya ko ng tingin Hahahaha. Parang walang nagbago sa kanya, parang siya pa rin ang taong nakilala ko noon. Noong tinanong ko kasi siya kung bakit niya sinabi sakin ang tungkol sa totoo niyang pagkatao, ang sinagot niya lang ay..

"I told you about my real personality because when Im with you I can be myself."

"Kahit pa nung hindi mo pa sinasabi sakin na hindi talaga ikaw si Lucky?" He nodded.

"So, masungit at suplado ka talaga? Hindi yon ugali ni Lucky, ugali ni Levi yon no?"pangangasar ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Kaya natawa ako Hahaha

"Totoo no?"asar ko pa. Hindi niya ko pinansin pero halata kong pinipigilan niya ang ngiti niya.

"Uy pinipigilan ang ngiti. Uy!! Ngiti na wag ka na mahiya!"

"Shayley, stop it, okay?"tinawanan ko na lang siya. Sungit talaga.

"The person you are with from the day we bumped into each other is not Lucky. It's Levi."sabi nito habang nanatili paring nakatingin sa dagat. Hindi ko alam pero napangiti ako. Napangiti ako sa thought na isa ako sa mga taong nakakakilala sa kanya.

Nagtataka ako dati kasi iba yung pakikitungo niya sakin sa pakikitungo niya sa ibang tao. Hindi ko alam na ang pinapakita niya pala sakin ay ang totoong siya.

"Halika ka na mafriend, ayan na ang sunrise!"nabalik na lang ako sa realidad nung tinawag ako ni Ethan. Nandun na palang silang lahat. Ako na lang ang wala.

"Mafriend bakit ka nakangiti mag-isa kanina?"tanong ni Ethan sakin. Hala! Nakangiti pala ko mag-isa kanina. Nakakahiya!

"Ahh wala"sabi ko na lang. Buti na lang naconvince ko siya.

Nagsimula na ang sunrise. Tahimik lang kami na nanood dun. Si Ethan naman ay kinukuhanan ng litrato ang sunrise. Mahilig daw siya kumuha ng pictures, actually may talent nga siya rito pero iba daw ang course niya.

"Hindi ko alam na ganito pala kagandang panoorin ang sunrise."bigla ko na lang nasabi habang pinapanood ko ang sunrise.

"You never watch one?"tanong ni Levi sakin.

"Nope. Ngayon pa lang. Laging sunset ang napapanood ko eh."

"So, you must thank me"sabi pa nito.

"Ikaw pasasalamatan ko? Bakit naman?"

"Cause Im the reason why the famous Shayley Enriquez had already watched a sunrise. I must be proud of myself." mayabang na sabi nito pero inirapan ko lang siya. Kaya natawa lang kaming dalawa.

"Uy hindi nabad mood si Levi Lee!"pang-aasar ni Isaac sa kanya kaya natawa lang kami--I mean ako at si Levi lang pala. Sinamaan kasi nila ng tingin si Isaac.

"It's Lucky, Isaac. L-U-C-K-Y! Lucky!"sabay sabay na sabi ng mga ito kaya natawa na lang kami ulit ni Levi. Hindi pa nga pala nila alam na alam ko na ang totoo.

"Shayley, know the truth. Wag niyong pagtulungan si Isaac."sabi ni Levi sa kanila kaya napatingin naman silang lahat sa akin na para bang nagulat.

"Ayun naman pala eh! Salamat Baby! Hero talaga kita!"sabi ni Isaac na pangbabae ang boses atyaka unti-unting naglakad palapit kay Levi. Nanlaki naman ang mata ni Levi hahaha.

"Don't you dare go near me, Isaac."pagbabanta ni Levi dito pero patuloy parin ang paglapit ni Isaac sa kanya Hahahaha

"Andyan na ko baby ko!"sabi nito habang papalapit parin ng papalapit kay Levi. Si Levi naman ay agad nagtago sa likuran ko.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now