Chapter 25 Part 2

1.9K 63 12
                                    

1. Observe his actions

"Phia sigurado ka ba sa gagawin natin? Diba inobserbahan na natin siya kanina? Wala namang nangyari diba? Tas gagawin ulit natin ngayon? Baka wala ulit mangyari!" sabi ko sa kay Phia. Pero wala pa rin siyang tigil sa paglalakad.

Papunta kami ngayon sa mga kasama namin. Tinatawag na kasi kami. Magbobonfire daw. Tapos sabi ni Phia ito na daw ang perfect timing para obserbahan si Lucky.

"Kanina hindi natin siya inobserbahan. Tinignan lang natin ang kilos niya. Ngayon, aalamin natin kung anong ang pagkakaiba ng kilos niya pag kasama ka lang at pagkasama niya ang iba." sabi nito sabay ngisi sakin atyaka tumakbo palapit kay Harry.

"Hi hon!" bati ni Harry kay Phia.

"Hi! Ano ginagawa niyo?" tanong nito.

"Hindi ba halata Phia? Nagpapa-apoy! Magbobonfire nga tayo diba?" sabi ni Unison kay Phia. Pero inirapan lang siya ni Phia. Natawa na lang ako. Sila kasi ang Aso't Pusa talaga pag nagsasama kami at ang CRUSH. Wala si Kuya, Ricky at Clifford dito. San kaya mga yun?

"Shayley!" tumingin naman ako sa tumawag sakin. Si Ivan pala.

"Ivan! Ano yan marshmallows? Pahingi!!" tumakbo ako papunta kay Ivan at akmang kukuha na sana ako ng isa nang biglang ilayo ni Edward ang marshmallows sakin.

"Ayah!! Edward bakit mo nilayo!" inis na sabi ko kay Edward.

"Bawal! Mauubos!" sabi nito sakin.

"Isa lang eh!" sabi ko sa kanya sabay pout. Baka sakaling gumana ang pagpapa-awa ko.

"No!" sabi muli nito. Atyaka umalis at pumunta na dun kayla Unison.Tss.

"Damot!" sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha Shayley! Para kang bata!" sabi ni Ivan sakin sabay gulo ng buhok ko.

"Si Edward kasi ang damot! Parang isa lang eh!" sumbong ko kay Ivan pero tinawanan niya lang ako.

"Hi Shayley!" bati sakin ni John na nasa gilid ko na pala.

"Hi John" walang buhay na bati ko dito. Gusto ko talaga ng marshmallows! Bwisit na Edward!

"Gusto mo?" walang sigla ko na tinignan kung ano ang inaalok ni John.

"Mallows!! Pahingi ah!" sabi ko kay John atyaka kumuha dun sa mallows niya. Buti pa si John mabait!

"Hinay hinay lang naman, Shayley! Sayo na nga yan!" sabi ni John sakin sabay abot nung marshmallows niya. Pano ba naman halos ubusin ko na yung mallows niya. Sorry na masarap yung mallows ni John eh! May flavor! Strawberry!!

"Una na ko ha! Tulungan ko sila dun! Shayley ubusin mo yan ha! Kinuha mo marshmallows ko. Hmmp!" paalam samin ni John sabay irap pa sakin. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. Sorry na puno yung bibig ko. Hehehehe

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa marshmallows" sabi sakin ni Ivan.

"Hindi ko din alam eh hehehe Basta masarap siya"sabi ko kay Ivan na natawa lang sakin.

"Takaw mo! Gusto mo pa?" nagningning naman ang mata ko sa sinabi ni Ivan.

"Kukuha mo ko?"tanong ko sa kanya. Siyempre gusto ko pa no! Hahaha

"Ikaw na talaga ang matakaw! Wag ka na magpacute kukuha na kita! Hahaha" binato ko siya ng isang marshmallow na hawak ko tapos tumawa lang siya ng malakas.

"Hindi ako nagpapacute!" sigaw ko sa kanya. Hindi naman talaga!

"SHAYLEY HALIKA NA DITO! BAKA MAY MAGSELOS NA NIYAN!" sigaw ni John sakin. Selos? Ahh ok. Alam nga pala nila na kami ni Lucky.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now