Chapter 26

1.3K 47 1
                                    

"Miss pakipirmahan na lang po ito at maaari na po kayo umalis."sabi ng pulis at agad ko naman ito pinirmahan.

"Salamat po. Alis na po kami."sabi ni Kuya Macoy, siya yung tumulong sakin kanina. Nakita niya na daw yung dalawang lalaki na may hawak na baril at hawak si Mr. Frederick bago ko pa nakita. Kaya nakatawag agad siya ng pulis. Si Mr. Frederick ang manager ng resort at yung dalawa ang sinesante niya dahil nahulihang nagnanakaw ng kagamitan ng resort. Kaya siguro siya binugbog. Okay na si Mr. Frederick, matindi ang pagkakabugbog sa kaniya pero naagapan naman ng mga doctor. Yung dalawa naman ay nakakulong na.

"Salamat po." Pahabol ko pa kay Mamang pulis. Nang makalabas kami ng police station dinala ako ni Kuya Macoy sa may park malapit doon para makapagpahinga muna. Alas-dose na din ng gabi kaya wala ng masyadong tao sa park.

"Salamat Kuya Macoy ha. Kung hindi ka nakatawag agad ng pulis baka wala na ako ngayon." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Ano ka ba wala yun! Kahit sino naman gagawin yung ginawa ko. Atyaka Macoy na lang ang itawag mo sakin. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Kung titignan nga sa itsura natin muka lang 1 year ang agwat natin hahahaha."sabi niya sa akin. Grabe lang, ganun na ba ko katandang tignan?

"Kaoffend ka naman! Ganun na ba katanda itsura ko? Grabe ha!"

"Hahahaha hindi! Baby face lang talaga ako. Atyaka totoo naman 5 years lang ang agwat natin. Hindi naman naglalayo ah. Yun nga lang baby face talaga ako"sabi niya naman sa akin. Ang hangin din naman pala nito hahaha. Pero half meant din naman yung sinabi niya. Ang bata nga tignan ng muka niya.

Teka nga! Speaking of hangin, nasan na ba ang taong puno ng aircon sa katawan? Nasan na ang lokong nangiwan sakin mag-isa sa likod ng beach resort? Teka, bakit ko ba siya hinahanap! Hayaan mo siya sa buhay niya Shayley! Tandaan mo iniwanan ka niya mag-isa sa likod ng beach resort! Muntik pang may mangyari sayong masama!

"Ahh Shayley iwanan na kita dito. Ang sama na ng tingin satin ng pinsan kong shokoy eh hahahaha" Ano daw? Iiwanan niya ko mag-isa dito? No! Hindi pwede!

"Macoy naman! Wag mo ko iwan dito mag-isa! Ang dilim dilim dito oh! Atyaka kung gusto mo na umuwi, hatid mo muna ko sa beach resort na tinutuluyan ko!"

"Hahahahaha" Tignan mo tinawanan pa ko. Uggh Bwisit! "Hindi ka naman maiiwanan mag-isa dito. Kasama mo nga yung pinsan ko."

"Pinsan mo? Eh hindi ko nga kilala yun!" Bwisit naman oh! Konti na lang masasapak ko na to! Kundi lang talaga niya ko tinulungan kanina, nasapak ko na to!

"Kilala mo kaya siya."

"Ahh basta! Hindi mo ko pwedeng iwanan dito, Macoy!" Tumawa lang siya. Pagtawa lang ba talaga ang kayang gawin nito?

"Shayley, what are you doing? Bakit ayaw mo paalisin si Macoy? Hindi ka ba nahihiya? Kanina mo pa kaya siya naabala. Tss."

"At ano naman ang ginagawa mo dito? Atyaka bakit ka ba nangengealam ha? Ikaw nga diyan ang biglang nang-iwan kanina!" Kita mo tong si Lucky! Bigla na lang nawala kanina tas ngayon bigla na lang sumusulpot!

"Kalma lang guys! Para naman kayong hindi magkaibigan niyan. Or should I say mag-ON?" Ano? Kami? Mag-ON? No way! Never! Over my dead sexy body! Ayoko magkaboyfriend ng walang pakielam sa mga babae no!

"Macoy, hindi kami! Never! His not even my friend."sabi ko kay Macoy pero si Lucky nanatiling nakatingin lang sa akin ng seryoso. Lagi naman eh.

"Ay hindi ba kayo? Ang sabi kasi ng pinsan ko kanina--

"Yes, were a couple. She's my girlfriend and Im her boyfriend. May konting tampuhan lang kami that's why he deny me as her boyfriend." Seryosong sabi ni Lucky kay Macoy. Tsk. Now I get it, his starting a show.

My Past, My Present or My Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon