Chapter 15

2K 77 4
                                    

Chapter 15

Bat sa dinadami ng pwedeng maging pamangkin ni... Ano nga pangalan nun? Ano ba yan Shayley! Nakiligo at makikituloy ka na sa bahay nila, hindi mo pa pala alam ang pangalan nung babae. Basta! Tatanong ko na lang mamaya. Anyway, yung pamangkin nga nun, Bakit siya pa! Kung kailan naman hindi pa ko handang makita siya ngayon pa kami pinagtagpo!

"Oh iha siya na bahala sayo. Madali naman yang pakisamahan. Kaya sure magkakasundo kayo. Tyaka kilala niyo na pala ang isa't isa eh."

"Ahh ano nga po pala pangalan niyo?"tanong ko. Nakakahiya naman na hindi ko manlang natanong yung pangalan niya kanina.

"Celine. Tita Celine"sabi nito sabay ngiti.

"Shayley po. Salamat nga po pala ha"

"Walang anuman. Feel at home iha" tumango at ngumiti lang ako bilang sagot. Nakakaspeech-less naman kasi yung ganda ni Tita Celine ♥ Napakahinhin pa niya. Nacoconscious tuloy ako. Walang wala yung beauty ko sa kaniya.

"Shayley, sunod ka sakin" hindi ako sumunod. Kasi naman eh. Nakakailang siya!

"Shayley!!"

"Pwede bang mag-shirt ka muna?" Uminit naman ang muka ko sa sinabi ko kaya tumalikod ako agad. Muka namang hindi niya napansin ang pagpula ng muka ko. Kasi naman nakabalandra ang katawan niya sakin! Nakakailang!

"Lets go" this time nakashirt na siya kaya sumunod na ako sa kanya at nakita kong papasok kami sa isang kwarto. Ito na siguro ang pansamantalang tutulugan ko ngayong gabi.

Pero nagkamali ako isang hagdanan pababa ang nakita ko.

"Anong ginagawa natin dito? Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya. Pero hindi lang siya sumagot.

Cold treatment

Sumunod na lang ako sa kanya pababa. Namangha ako sa nakita ko. Wow! Isa siyang garden. Ang ganda, ang daming bulaklak. At ang daming Butterflies na lumilipad!

"Ang ganda"sambit ko habang hindi parin nawawala ang pagkamangha ko sa lugar. Para akong nasa isang paraiso!

"Alam ko. Parang ikaw."

Napatingin ako sa kanya. Ano daw? Ako? Maganda? Naramdaman ko naman na uminit yung muka ko kaya umiwas ako ng konti.

"Your blushing"sabi nito habang nakangiti. Uggh! Nakita niya pa yun? Nakakahiya! Tapos.. Tapos.. Yung smile niya... nakakatunaw!

"And... I find it cute" mas lalo namang uminit ang muka ko. Uggh! Nakakahiya! Sigurado ko para na kong kamatis sa pula nito! Kasi naman eh!

"Wag ka ngang mambola diyan! Tara dun tayo sa maraming flowers!"sabi ko sabay takbo papunta sa mga bulaklak. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.

"Bakit? Kinikilig ka na ba?"nagulat naman ako sa sinabi niya. Ako kinikilig?

"Huh? Hindi ah! H-Hindi ako kinikilig noh!"sabi ko sabay iwas sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa bench. Narinig ko namang tumawa siya. Ano nakakatawa dun?

Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang paligid. Ang ganda talaga. Bakit kaya hindi ito pinapakita sa tao?

Maya-maya naramdaman ko na may umupo sa tabi ko.

"Secret Garden to ni Tita. Ayaw niya pakita sa iba. Siya nga mismo ang nag-aalaga ng mga pananim dito. Para kasi to sa anak niya. Sa pinsan ko."

"Nasan na ba ang anak ni Tita Celine?"

"He passed away. Nung 9 years old pa lang siya."  Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Siguro naalala niya pinsan niya. Bakit ko pa ba kasi tinanong yun eh!

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now