Chapter 18

2K 72 15
                                    

Point of view ng mga boys ang chapter na to. Point of view ni Rian, Ivan at Lucky. Kaya sana mag-enjoy kayo!

******************
Lucky POV

Babalik na sana ako sa loob ng may maaninag akong isang pamilyar na bulto ng isang babae na nakaupo sa damuhan. Nilapitan ko ito at doon ko lang napansin na si Shayley ito.

"Shayley? What are you doing here?"

"Nag-iisip isip lang. Hinahanap ka nga pala nila."

"Ok" aalis na dapat ako ng tawagin ako nito kaya napalingon ako ng nakakunot ang noo.

"Magtatanong lang. Minsan ba sa buhay mo nakapagdesisyon ka na? Tapos sa huli maguguluhan ka kung tama ba o mali ang desisyon mo?"

"What kind of question is that, Shayley! You already did it! Ano pa ba magagawa mo kung marealize mo kung tama o mali ang desiyon mo?"

Tumalikod lang ito ulit at tumingin si langit. Hindi niya siguro inaasahan ang sagot ko. Eh ano gusto niya? Magdrama din ako sa kanya? Tss. Tinignan ko rin ang tinitignan niya.

"L may star! Naalala niya kaya ako?"

"Tss. Of course hindi! Ang tagal na kaya nun!"

"4 years pa lang naman. Sabi ni Mommy hindi daw ako makakalimutan ni Lili. Sabi niya star daw si Lili. Sa tuwing makakakita daw ako ng mga stars, naalala rin daw ako ni Lili"

Hindi ko napansin na nakaupo nadin pala ako sa damuhan sa tabi ni Shayley. Hay!

"L..."

"L?" Nagulat naman ako nung magsalita si Shayley. Nasabi ko pala ng malakas. Bulong lang dapat yun eh. Hindi na lang ako sumagot.

"Lucky, anong L?"

"Nothing"

"Sinong L?"

"Stop it! Hindi mo ba nararamdaman na ayoko yun sabihin sayo? Huh?! Didn't you feel it?!" Aiissh! Ang kulit talaga netong babaeng to. Since then

Nagsorry naman ito pero inirapan ko lang. Tss. Ang kulit niya.

Nakatingin lang kami sa langit walang nagsasalita sa amin. Pero hindi na rin siguro niya natagalan kasi nagtanong na siya.

"Ganda no?" Nagulat ako sa tinanong niya. Parang narinig ko na yun dati..Tumingin ako sa kanya saglit tapos tumingin ako muli sa langit.

Pamilyar to. Pamilyar ang pagkakatanong niya non.

"L may stars!!"

"I know. I can see it."

"Tsk. Hindi mo naman tinitignan eh!!"

"Fine! Fine! Titignan na! Happy?"

"Ang ganda nila diba?"

"Hmmm"

"Diba? L!!!"

"Fine! Yes they are"

"Alam mo, tuwing nakikita ko ang mga stars may naaalala ko. Para bang ginawa ko na yun dati. At may kasama ko. Hindi ko alam kung sino."

Dun lang ako namulat nung nagsalita ulit si Shayley. Pero anong sinasabi niya?

"Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit sa lahat ng pwedeng hindi ko maalala yun pa. Alam kong mahalaga yung taong kasama ko nung unang beses na nanood o tumingin ako ng mga stars sa kalangitan. Mahalaga siyang tao sa buhay ko. Alam ko yun. Pero walang bakas na ala-ala ang natatandaan ko sa kanya. Maski muka niya hindi ko alam. O pangalan man lang. Wala kong alam"

My Past, My Present or My Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon