Chapter 12

3.8K 138 36
                                    


(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 12

Shayley POV

"Fine! Rian is Mr. Secret. Yes Shayley. Your bestfriend is inlove with you." Para namang nag-echo sa pandinig ko ang sinabi sakin ni Kuya. Rian is Mr. Secret. Your bestfriend is inlove with you. Si Ricky? Si Ricky inlove sakin? Hindi Hindi Hindi! Kuya is just joking. Chill Shayley nagjojoke lang ang kuya mo. Pero pano kung totoo? No! Hindi Hindi! Joke lang yon. It's just a joke.

"Ha-Ha-Ha-Ha-Ha I don't know you're a good joker" sabi ko while faking a laugh. Umupo naman si Kuya sa plantbox na nasa likod niya,humugot muna ito ng isang malalim na buntong hininga atyaka nagsimulang magsalita.

"Papunta sana ako sa classroom mo para sabihing sakin ka na sumabay kasi nalaman kong may practice pa ng basketball si Lucky. Pero nakita ko si Harry at si...Rian sa stock room. Pinag-uusapan nila kung gaano ka successful ang naging plano nila. Nung una naguluhan pa ko. Pero nung banggitin ni Harry ang salitang Mr. Secret, unti-unti na kong nalinawan. Hindi pa ko umalis doon at patuloy parin silang pinakinggan. Hanggang sa lumabas si Harry at nakita niya ko. I mouthed quiet to him. And thank god hindi niya sinabi kay Rian na nandun ako, instead he just walk away na parang walang nakita. Tinignan ko muli si Rian na nakatingin lang sa malaking picture mo na pinost sa bulletin board, he's talking. Nagsasalita siya mag-isa. Kinakausap niya yung picture mo. Pero these words ang lubos kong natandaan. He said This time Shayley, sisiguraduhin kong sa akin ka na mapupunta. Ang tagal kong tinago ang feelings ko sayo. At ngayong meron na kong lakas ng loob, sisiguraduhin kong ako na ang huling lalaking magpapasaya at mamahalin mo. Hindi na kita hahayaang masaktang muli. Kasi pag nakikita kitang nasasaktan pati ako nasasaktan rin. I Love you Shayley..so much. Na kaya kong maghintay, kahit buong buhay ko, hanggang sa handa ka ng mahalin ako. At sa oras na ibigay mo na ang puso mo sa akin. Iingatan ko yun. Iingatan ko kagaya ng pag-iingat ko na mawala ka sa buhay ko. Iingatan ko kagaya ng pag-iingat ko kapag hawak ko ang isang babasaging vase na milyon-milyon ang halaga. Kasi ikaw hindi ka lang milyon-milyon, cause your priceless. I love you baby girl..from the first time I met you till now. Nung narinig ko yun. Umalis agad ako. Umuwi agad ako ng bahay. Kasi Hindi ko maabsorb lahat ng sinabi niya sayo. Nakalimutan ko na nga na susunduin pala kita. Nasa daan na ko nun. Bumalik ako at naabutan kita........ kasama si Ivan. Masaya kayong nag-uusap. Kaya iniwan na kita doon. Umuwi na ko at nagisip-isip kung dapat ko bang sabihin sayo lahat ng nalaman ko. Hanggang sa makarinig ako ng taong nag-uusap sa labas. Yun yung time na naabutan ko kayo ni Rian na magkayakap. Kinabahan ako nun kasi akala ko alam mo na. Kaya tinanong ko kayo, nung nalaman kong hindi pinaalis kita kasi gusto kong kausapin si Rian. Tinataliman ko yung tingin ko sa kanya, ibig sabihin nun gusto ko siyang makausap. Sinabi ko sa kanya na alam ko na. Na alam ko ng mahal ka niya. Sabi ko tumigil na siya. Kaya tumingin siya sakin ng matalim. Ibig sabihin nun, hindi siya susuko" Kasabay ng paghinto ni kuya ay ang simula ng sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.

"Kaya kayo nag papalitan ng matatalim na tingin. Dahil don? Yun lang ba?" tinignan niya lang ako atyaka muling nagsalita.

"Sabi ko sa kanya masasaktan lang siya kapag tinuloy niya pa. Pero isa lang sinabi niya sakin. I love her. I love your sister so much. Hindi ko siya kayang isuko ng ganun ganun lang. Kahit masaktan pa ko. Hindi padin ako susuko. Kasi alam ko. Isang araw, ibibigay niya rin yung puso niya sakin ng buong buo. That's why Im cold to you. Iniiwasan rin ako ni Rian dahil alam niyang patitigilin ko lang siya." Sabi nito na hindi manlang pinansin ang una kong tinanong. Pero unti-unti na kong naliwanagan. Ricky. He's Mr. Secret. My bestfriend is inlove with me. Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan ni kuyang maging cold sakin.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now