Chapter 9

3.7K 137 14
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 9

Shayley POV

"Girl sa tingin mo iisa lang si Mr. Perfect at si Mr.Secret?"tanong ni Phia sakin habang kumakain kami ng sandwich.

"Ewan ko. Naguguluhan ako sa kanila eh"sabi ko habang nakatingin parin sa sandwich ko sabay kagat.

"Pero pano si Papa Lucky? Diba siya boyfriend mo? Pano siya?"tanong ulit nito. Dun naman ako napaisip. Oo nga noh? Si Lucky ang boyfriend ko kaya dapat-- Aissh! Erase Erase Erase! No! Hindi noh! Wala akong pake sa kanya! Wala rin siyang pake kung magentertain ako ng mga suitors katulad ni Mr.Secret at Mr.Perfect noh!

"Huy Shayley! Ano na?"tawag sa akin ni Phia dahilan para bumalik ako sa realidad.

"Wala. Hindi naman talaga kami eh. Magpapanggap lang kami na kami pag nasa harap kami ng magulang namin. Yun lang!"

"Aysus! Kahit ano sabihin mo boyfriend mo pa rin siya noh!"

"Hindi nga! Palabas nga lang okay?"

"Fine! Whatever! Pero parang nagseselos siya kanina. Nakita ko yung tingin niya sayo eh. Hindi kaya nafafall na si Papa Lucky sayo?"sabi nito na naging dahilan para kumunot ang noo ko. Si Lucky? Ang mayabang na lalaki na si Lucky mafafall sakin? Huh! No way! Atyaka, Hello ilang araw pa lang po kami magkakilala, pano naman siya mafafall sa akin noh? Atyaka sabi niya nga Clumsy ako. Hinding hindi siya mafafall sa isang clumsy na katulad ko noh!

"Shayley! Kanina ka pa tulala diyan!"sigaw ni Phia.

"Yung tingin niya kanina hindi selos yun!"sabi ko.

"Oh eh ano? Kung hindi selos yun ano?"tanong ulit nito.

"Ewan ko. Pero sigurado akong hindi selos yun"sabi ko sa kanya. Sure ako sa sinasabi ko. Hindi magagawang magselos ni Lucky noh!

"Hi girls!"biglang may tumawag sa amin mula sa likod ko. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Phia kaya tinignan ko ang nasa likod ko. Nagkatinginan kami ni Phia.

"ATE SOFIE!!"sabay naming sigaw ni Phia atyaka tumakbo at niyakap ito.

"Teka Teka Girls hindi na ko makahinga!"sabi nito kaya tinanggal na namin ang pagkakayakap namin dito.

"Sorry"sabay naming sabi ni Phia. Nagulat naman kami na lahat ng estudyante nakatingin sa amin. Yumuko na lang kami atyaka umupo. Umupo naman sa tabi ni Phia si Ate Sofie.

"Girls, kamusta?"tanong nito habang nilalapag ang sandwich at juice niya sa table.

"Ok lang kami Ate. Teka nga! Bakit ka nga pala nandito? Diba nag-aaral ka sa states?"sabi ko dito habang nakatingin lang dito na tila hinihintay ang magiging sagot nito. Ganun rin ang ginawa ni Phia.

"Dito kasi ako nilagay para mag OJT. Kaya nga naexcite ako kasi alam kong dito kayo nag-aaral."sabi nito. Oo nga pala Teacher ang kinuha nito.

"Ahhh eh ate sabi nila Mommy may bf ka na daw! Pakilala mo naman samin! Gwapo ba? Or sinagot mo na si Kuya Paul? Si Kuya Paul ang naging bf mo? OMG!"bigla namang sabi ni Phia. Natawa naman ako. Kahit kelan talaga tong babaeng toh. Matagal na kasi niyang kinukulit si ate sofie na sagutin si Kuya Paul na matagal ng may gusto kay Ate Sofie. Kaibigan ito ng pinsan ni Phia.

"Oo may boyfriend na ko. Pero hindi si Paul!"sabi nito sabay kagat sa sandwich niya.

"Kundi si Kuya Paul, sino? May iba pa bang nanliligaw sayo ate?"tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi si Kuya Paul lang ang matiyagang nanliligaw kay Ate. Hindi naman sa hindi maganda si Ate Sofie ha, maganda yan! Pinsan ko yan eh! Chos joke! Pero promise maganda talaga si Ate. Para nga siyang modelo eh. Its just, walang nagtatagal na manliligaw yan dahil hindi niya ineentertain. Ewan ko ba kung bakit.

My Past, My Present or My Future?Onde histórias criam vida. Descubra agora