Chapter 21

1.8K 61 14
                                    

Shayley POV

San ba pwedeng pumunta? Ano ba yan! Wala akong magawa. Ang tagal namang pumasok ni Phia. Kainis! 9 daw. Eh malapit na mag 10!

Pumunta na lang muna ako sa may soccer field. Baka may naglalaro. Makapanuod na lang. Medyo malayo pa naman yung soccer field sa kinatatayuan ko ngayon. Pero keri lang yan!

Naglakad na ko papuntang soccer field. Pero sa kamalas-malasan, walang naglalaro. Tsk. Sayang effort sa paglalakad. Pero dahil masipag ako. Dumiretso na ko ng basketball court. Malapit lang naman yun dito. For sure, may naglalaro dun. And tama nga ako! May naglalaro nga! Sila John, kasama ang iba pang heartbreakers. Pero wala si Lucky at Tom.

Marami nanonood. Kala mo naman totoong laban. Nagsisigawan pa. Tsk. Umupo na lang ako dun sa may dulo ng bleachers. Wala rin naman akong magawa kaya manunuod na lang ako.

Magkalaban si John at Edward. Magkaiba sila ng team. Ang team ni Edward ang lumalamang ngayon. 50 seconds na lang ang natitira. 6 na puntos pa ang lamang. Nagshoot yung isang kakampi ni John. 4 na puntos na lang! 30 seconds left! Nagshoot ulit. 2 puntos na lang! Oh My God! Last 10 seconds!

10..9..8..7..6...5..4...3..2....

Nag-shoot si John sa 3 points.

1..

.

.
.
.
.
.
.

Kapos! Tsk. Sayang! 2 puntos na lang eh! Yung mga fans nila Edward at ang team niya. Nagsisisgawan na. Tsk. Nakipagkamay naman sila John kayla Edward. Tapos ayun. Dinagsa na sila ng mga fans nila. Hahahaha Hindi na nga sila maka-alis eh. Hahahaha Bumaba na ko. Napatingin ulit ako sa kanila. Sakto namang nakatingin rin sakin si John at Edward at napangiti at napailing na lang. Hahahaha Kawawa naman sila hahahaha

Umalis na ko dun. Bago pa ko madagsa ng fans. Charot! Hahahaha

*kriiinggg

Calling Ate Regie

Si Ate Regie?

Oh my! May photoshoot pala ko ngayon! Shet lang! Ngayon pala yun. Pagkatapos ireschedule sa pangatlong beses. My God!

Hello Shayley! Where are you? Kanina pa kami naghihintay sayo dito!

Hello Ate. Eh.. Eh kasi nakalimutan ko eh. Ngayon ko lang naalala. Sige ate papunta na ko diyan. Give me 30 minutes!

Ok Ok fine! Sige na! Baka mamaya dumating yung partner mo, wala ka pa. Don't worry mamayang lunch time pa ang start ng shoot. Kaya kumain ka muna. 30 minutes before 12 dito ka na dapat ha.

Wala pa naman pala. Kala ko naman start na. Pero ate anong partner?

Ay! Nakalimutan ko sabihin sayo. Couple tees ang ipopromote mo, kaya may partner ka. Sabi pa ng Klench baguhan lang yung partner mo. Kaya you need to guide him.

First time to ate Regie ah! First time na magpopromote ako ng couple tees! Sige na ate. Gora na ko. Hahaha

Sus! Malay mo pumatok sa masa ang tandem niyo! Diba? Sige na babu!

Tsk. Ate Regie talaga oh. Inip na inip pa ko kanina. May photoshoot pala ko. Nako! Nagiging makakalimutin na ko! Tsk!

Dahil 10:25 pa lang. Maglalunch muna ko. Wala naman akong kasabay kumain, kaya sa labas na lang ako kakain. Magmumuka pa kong lonely dito sa school. Hindi pa nga ba? Eh kanina pa ko lonely dito. Tsk

Naglalakad ako ng makita ko si Ricky na naglalakad din kaya nilapitan ko ito.

"Ricky!" Tawag ko dito. Lumingon naman siya sakin atyaka ako tinawag.

My Past, My Present or My Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon