Chapter 25

1.7K 76 8
                                    

"SOPHIA ANO BA! SIGURADO KA BA DITO?"

"Shhh! Ang ingay mo, Shayley!" Aba ako pa ang nasabihan ng maingay! Bwisit talaga!

"Ano ba ginagawa natin! Mamaya makahalata satin yan!"

"Wag kang nega! Para sayo to bruha ka!" I just rolled my eyes on her. Tsk. Oo na, para sakin na. Pero hindi naman gantong paraan ang solusyon! Phia talaga!

Pinagmasdan ko na lang din ang dalawang taong kanina pa namin ino-obserbahan ni Phia. Nandito kami ngayon sa isang beach resort sa batangas. Layo ng narating namin no? Kaya nga nakasama tong si Phia, ang CRUSH at ang ibang Heartbreakers dahil dumaan din naman kami ng manila. Oh diba history to! Napagsama namin ang dalawang grupo na magka-away! Hahaha Pero si John, Edward at Tom lang naman ang kasama. Hindi na kami tumuloy sa EK, nabanggit ko kasi sa kanila na sana bukas ang rio grande para mabasa man lang ako dahil napakainit, bigla naman nagsalita si Marie na magresort na lang. Sumang-ayon na kami tapos sinuggest ni Lucky na may magandang beach resort sa Batangas kaya dun na kami pumunta. Overnight lang. Aalis din kami ng madaling araw kasi may pasok bukas.

"Bukod sa close silang dalawa talaga, wala na kong ibang naoobserbahan sa kanya, Shayley! Sayang ang effort ko sa pagsunod, wala naman palang mapapala!" sabi ni Phia habang inis na pinagsisipa pa ang buhangin. Tsk.

"Ikaw ang nag-aya diba? Panindigan mo!" sabi ko sa kanya sabay irap. Inirapan niya lang din ako.

"Wala ka ba talaga naoobserbahan sa kanya? Sa kilos niya?"tanong ko muli kay Phia.

"WALA! PANO KO MAOOBSERBAHAN NG MABUTI SI LU--

Tinakpan ko agad ang bibig niya at hinatak siya dun sa may likod ng puno ng niyog. Bwisit ang lakas ng boses! Mamaya marinig kami nun!

"Bruha ka ang lakas ng boses mo! Mamaya marinig tayo nun eh!" sabi ko sa kanya pagkatapos ko tanggalin ang pagkakatakip ko ng bibig niya. Inirapan niya lang ako.

"EH PANO KO NGA KASI-

"SHHH!" saway ko ulit sa kanya. Kulit! Ayaw hinaan ang boses!

"OH MY GOD SHAYLEY NAGSESELOS KA!"

" A-Ano? Hindi no!" Phia talaga kung ano ano pumapasok sa utak. Selos daw ako? No way!

"Weh? Kaya mo siya inoobserbahan kasi nagseselos ka sa closeness nila ni Marie!"

"Ano? Hindi! Nagtataka lang ako sa kilos niya!"

"Kilos niya pag kasama niya si Marie?"

"Ahhh... O-Oo"

"Ayun! Umamin ka din! Nagseselos ka nga!"

"Huh? Hindi!"

"Fine! Bakit ka ba kasi nagtataka ka sa kinikilos ni Lucky? Wala naman akong naoobserbahang iba sa kanya. Tapos ayaw mo pa sabihin kung ano ang dapat obserbahan sa kanya." inis na sabi nito sakin. Pero this time medyo mahina na ang boses niya.

Tumingin ako sa paligid kung may nakatingin samin. Nung nakita kong wala. Hinila ko si Phia.

"Aray naman! Shayley ano ba bakit ka ng hihila!" Sigaw nito habang hinihila ko siya. Inirapan ko lang siya.

"Asus! Dito mo lang pala ko dadalhin kailangan mo pa ko hilahin!"pagmamaktol nito. Dinala ko kasi siya sa tapat ng kwarto na tutulugan namin. Sorry na. Wala na kong maisip na puntahan eh. Hahaha

Pumasok na kami. Dumiretso siya ng CR ako naman umupo sa kama.

"Hoy bruha magkwento ka!"sigaw nito sakin pagkalabas niya ng cr. Umupo agad ito sa kama.

"Hoy! Tutunganga ka na lang diyan, hindi ka magkekwento?" Tss. Init ng ulo ni Phia oh.

"Eto na! Nagtataka ako kasi iba yung kinikilos ni Lucky pagkasama niya ko sa kinikilos niya sa iba. Lalong lalo na kay Marie."

"Iba? Anong iba?"

"Magkaiba"

"Ano ngang magkaiba?"

"Basta ang hirap iexplain!"

"Bruha ka! Iexplain mo ng mabuti! Kundi mababato ko to sayo!"sigaw ni Phia habang hawak ang phone ko na akmang ibabato pa sakin.

"Eto na!"

Sinabi ko na sa kanya lahat. Lahat ng naobserbahan ko kay Lucky mula nung dumating si Marie. Lahat ng pagbabago niya ng ugali.

"Eh hindi kaya nagoover react ka lang?" Tanong ni Phia na nakapagpaisip sakin. Hindi nga ba? Ewan. Pero siguro hindi. Bakit hindi iyon ang pinakita niya sakin bakit iba? Bakit kailangan cold treatment ang papakita niya sakin?

"Siguro. Pero kasi bakit kailangan niya ibahin ang pakikitungo niya sakin?"

"May point ka naman dun. Pero baka bumalik lang siya sa dati. Yung dati niyang ugali."

"Anong ibig mong sabihin?" Anong dati? Ibig bang sabihin yung ugali niyang nakita ko, yun ang peke?

"Sa CU ka ba talaga nag-aaral o hindi?" pangasar na tanong nito sakin. Tsk daming satsat.

"Sabihin mo na lang!"

"Kasi ang alam ko si Lucky masiyahin talaga yan. Palatawa. Mayabang--

"Given na yun." pagsingit ko habang nagsasalita si Phia. Hindi niya na kailangan pa sabihin yun. Alam ko na yun. Inirapan lang ako ni Phia atyaka tinuloy ang pagsasalita niya.

"Mayabang pero in a way na matatawa ka. Palaasar. Pero masarap kasama. Yan kasi yung Lucky na kilala ko kasi yun yung nakikita ko sa kanya tuwing dadaan o makikita ko siya. Nagtaka nga ko kasi iba siya nung naging kayo na."

"Hindi kami."

"Pero pinagkasundo kayo diba? Para sa pamilya at pamilya niya, kayo na. So ganun din yun."

"Still walang salitang LOVE na nag-eexist kaya hindi kami." pinagdiinan ko pa talaga ang salitang love. Phia just shrugged her shoulders.

"Phia nacucurious talaga ako eh! Hindi ako mapakali! Gusto kong malaman kung bakit iba ang trato niya sakin! Phia please tulungan mo ko!" sabi ko kay Phia pero inirapan niya lang ako. Tignan mo to hihingi ka ng tulong pero siya iirapan ka lang. Kumuha siya ng notebook at ballpen sa bag na dala niya. Bat may baong notebook yun?


"Anong gagawin mo diyan?" takang tanong ko sa kanya.

"Tutulungan ka." sabi nito. Tutulungan? Ano?

"Huh? Hindi kita magets! Bakit kailangan mo kunin yung notebook at ballpen mo?" tanong ko muli sa kanya pero inirapan niya lang ulit ako. Aba! Kumokota na to kakairap sakin ngayong araw ah!

Hindi niya ko sinagot pero may sinulat siya sa notebook niya.

Operation: Must know who really is Lucky Manalo

"Ano yan? Anong binabalak mo?" tanong ko muli kay Phia. Ngumisi lang siya sakin.

"Gusto mo malaman ang totoong pagkatao ni Lucky diba? Edi aalamin natin!"

******************************

May Part 2 pa po!! Alam ko sobrang ikli! As in maikling maikli talaga! Sorry po! May Part 2 pa po eh! Hintay lang po! Tignan natin kung pano ba nila magagawa ang Operation: Must know who really is Lucky Manalo. Yiiee! Excited na ko! Thank you po sa support niyo! Sorry hindi dalawang chapters ha. Please vote, comment and share!














My Past, My Present or My Future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon