Chapter 13

2.2K 90 9
                                    

Chapter 13

Shayley POV

"Bakit? Bakit Ivan?"

"Shayley, Kapag sinabi kong mahal parin kita kailangan may rason?"

"Akala ko ba malinaw na sayo na hanggang dito na lang tayo. Na hanggang magkaibigan na lang tayo."

"Akala ko rin Shayley, pero ano magagawa ko? Iba ang sinasabi ng puso ko. Shayley, mahal parin kita."

"Hindi pwede Ivan. Hindi pwede."

"Bakit hindi? Hindi mo na ba ko mahal? "

"H-Hindi ko alam"

"Shayley alam ko may natitira ka paring pagmamahal para sakin. Handa kong tanggapin yung katiting na pagmamahal na yun. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal, hanggang sa mahalin mo ulit ako."

"Hindi... Hindi pwede.. "

"Shayley!!!"

"Ma'am nandito na po tayo." Nakarating na pala kami dito sa tapat ng school, hindi ko manlang napansin.

"Salamat po. Eto po ang bayad."sabi ko sabay abot ng bayad ko kay manong.

"Kung ano man po ang pinagdadaanan niyo, kayang kaya po yang solusyunan kung hahayaan niyong tulungan kayo ng Diyos. Lahat ng problema nasosolusyunan dahil tinutulungan tayo ng Diyos. Pero kung ikaw mismo walang ginagawa para masolusyunan yang problema mo, mawawalan ng sense ang pagtulong sayo ng Diyos. Tandaan mo na nasa Diyos ang awa, nasa Tao ang gawa."

"S-Sige po tatandaan ko."sabi ko sabay labas ng taxi at nagmadali lumakad papasok ng school. Grabe ha. Hindi ko expected yun. Hindi ko expected na mapapayuhan ako ng wala sa oras. Pero may point naman si manong dun. Sa kahit anong problema dapat hindi mo nakakalimutan ang Diyos. Wag mo siyang sisisihin, kundi humingi ka ng tulong sa kanya. Hindi ka niya bibiguin. Aissh! Ano ba yan nahawa na ko kay Manong!

"Shayley!"tawag sakin ni Sophia habang tumatakbo palapit sakin. "Good thing your here! Akala ko malelate ka pa eh! Ano ba kasi nangyari sayo?" sabi ni Sophia na nagpapaalala sakin sa nangyari kanina.

Ewan ko ba, dati lagi kong sinasabi na move on na ko kay Ivan pero bakit kanina ang nasabi ko 'Hindi ko alam'. Ewan ko ang gulo!

"Hoy Shayley!! Sabi ko bell na!"sigaw ni Sophia sabay hila sa akin papasok sa room.

After ng flag ceremony namin tyaka inaannounce na may meeting daw ang mga teacher hanggang 9, kaya free time namin ngayon.

"Hoy bruha ka! Magkwento ka nga! Ano nangyari sayo kanina? At bakit absent si Lucky? Kinain mo ng buhay noh? Bruha ka! Gwapo yun!" sabi ni Phia sabay pout. Kaya binatukan ko.

"Ouch! Gad you hurt me! Kinain mo na nga si Papa Lucky ko, tapos binatukan mo pa ko!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Grabe mag-isip eh!

"Umayos ka nga!"

"No way! After mo kong batukan at kainin si Papa Lucky? No way!"

"Isa! Aayos ka o gusto mong matikman tong sapatos ko?"

"sabi ko nga aayos na eh. Ikaw naman kasi eh, ang seryoso mo."yan ang gusto ko kay Phia, kapag alam niyang seryoso ako, hahanap yan ng paraan para lang malighten up yung mood ko.

"So ano tutunganga ka na lang diyan o magkekwento ka?" sabi na naman nito. Napaka impatient talaga.

"I just found out yesterday that Mr. Secret is-

"OMG! Kilala mo na si Mr. Secret!"biglang sigaw ni Phia kaya lahat ng kaklase namin napatingin sa kanya.

"Kilala mo na? Sino?"sabay sabay na sigaw ng iba naming kaklase. Yung iba naman tumahimik lang, pero sure ako na deep inside gusto rin nila malaman yan. Chismosa deep inside ba.

My Past, My Present or My Future?Where stories live. Discover now