21

185 5 1
                                    

DEV'S POV

"You played beautifully." Kiya said and smiled at me after I played the song.

"Thank you," I said, returning the smile.

"So what do you want to tell me about?" I asked when we settled into the sofa located in the living room. Nilaro ko naman ang buhok niya.

"Um-It's actually about Jayze." napahinto ako sa paglaro ng buhok niya dahil sa sinabi niya.

"And?"

"I don't know. It's just that it's my first time feeling this way about a guy." saad nito habang nilalaro niya ang kamay ko, napabuntong hininga nalang sa isispan ko.

"Continue"

"And I don't want to mess things up between us." na iyukom ko nalang ang isang kong kamay ng patago.

'Kakakilala niya lang sa lalaking yun tapos ganito na agad, Shit! Ano bang ang nangyayari sayo Kiya' saad ko sa isipan ko at kinagat ang ibabang labi ko para ilabas ang inis ko.

"Kiya I think you li-" di na natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sakanya.

*ring-ring*

"Hello?" sagot nito sa tawag sabay tayo at lumayo.

"Oh! Jayze ikaw pala yan-Hahaha, ano ka ba di ka umaabala sa amin" napakagat nalang ako sa labi ko ng malakas sa narinig ko.

"Wait! What?-Asan ka ba? Sa park? Ba't anjan ka ng mag-isa?"

"Okay, wait ka lang jan papunta na ako- okay bye"

Pagkatapos ng tawag ay napatingin sa akin si Kiya na para bang may gustong sabihin pero nag-aalinlangan ito. Napunta naman ang tingin niya sa mga labi ko.

"Oh my Ghad! Dev dumudugo ang labi mo!" saad nito at mabilis na lumapit sa akin pero bago niya pa hawakan ang mukha ko ay pinigilan ko na ito.

"Okay lang ako Ki, medyo napalakas lang ang pagkagat ko kaya ganun" saad ko bago ngumiti sa kanya at binitawan ang kamay niya na hawak ko kanina.

"Per-"

"I'm okay, hatid nalang kita sa pupuntahan mo dahil alam ko namang wala kang dalang kotse" pagputol ko sa sasabihin niya bago tumayo at kinuha ang panyo sa bulsa ng pants ko para punasan ang labi kong dumudugo.

"Tara" saad ko, tumango naman siya bago naunang lumabas.

Bago ako pumasok sa kotse ay nag iwan muna ako ng mensahe sa mga tao ko na sila na ang bahala sa cabin. Nang makapasok ako sa kotse ay tahimik lang si Kiya na ginagamit ang phone kaya pinaandar ko na kotse at pinaharorot paalis sa lugar.

"Saan kita ihahatid Ki?" tanong ko sakanya, napatingin naman ito sa akin.

"Um- sa Hills Amusement Park nalang" sagot nito bago ituon ulit ang atensyon niya sa phone niya.

Hills Amusment Park? yan ata ang pinaka malapit na amusement park dito sa lugar. 20 minutes lang ng pagdrive papunta doon. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa amusement park na sinasabi ni Kiya, mabilis itong bumuba ng kotse ng hindi nagpapaalam kaya sinundan ko ito. Tumatakbo ito papasok sa loob habang may kausap sa phone niya, napahinto nalang ito bigla sa pagtakbo kaya huminto rin ako sa pagsunod at nagtago sa glid. Nakita ko nalang na may lumapit na lalaki sa kanya at pinalo niya lang ito, kita ko kung paano natawa yung lalaki habang si Kiya naman ay hinihingal na masamang nakatingin sa lalaki. Nakilala ko naman ang lalaki ng inayos nito ang buhok. Jayze.

Twisted FateWhere stories live. Discover now