27

141 5 0
                                    

Warning!  

-Long Chapter

~~~~~~~~~~

Third Person's POV

Naiwan naman na gulat si Ella habang tawang-tawa sa tabi niya si Neanna.

"Pfft-Hahaha- gago mhen alalay ka na bukas ni Prof Del Monte hahaha" natatawang saad ni Neanna, nakatikim naman ito ng batok sa kaibigan.

"Di nakakatawa Neanna, paniguradong papahirapan niya lang ako" parang naiiyak na sabi ni Ella habang niyuyugyog ang katawan ni Neanna.

"Bitaw- nahihilo na ako sa ginagawa mo" reklamo ni Neanna.

"What are you two doing here?" biglang tanong ni Dev ng sumulpot ito sa likuran ng dalawa, nanigas naman ang dalawa.

"Um-ahaha- Hi Dev, kamusta pagsho-shopping niyo?" kinakabahang tanong ni Ella, tinignan lang sila ni Dev ng matagal bago ito bumuntong hininga.

"Tumawag sakin si Cath, sinabi niya sakin na umalis kayong dalawa para sundan kami" seryosong saad nito, pinagpawisan naman bigla ang dalawa pero nawala rin ito nung biglang ngumisi si Dev.

"At mukhang nasira ang plano niyo dahil kina Estelle at Prof Anderson, so kamusta na kayo?" nakangising tanong nito sa dalawa na napayuko lang dahil sa hiya.

"WAHH! Dev gagawin na akong alipin ni Prof Del Monte bukas" sumbong ni Ella at aakmang yayakap pa kay Dev pero naiwasan ito ng isa kaya napayakap siya kay Ally.

"Kasalanan mo yan, yan ang consequences niyo sa pag sunod samin dito kaya wala na akong magagawa." saad ni Dev at pumunta na sa kotse niya, sumunod naman si Ally sa kanya na nakawala na sa yakap ni Ella.

"Di mo talaga ako tutulungan?" paninigurado ni Ella, umiling naman si Dev at pumasok na sa kotse niya.

"Ate Dev paano naman sila?" tanong ni Ally ng mapansin na maiiwan sina Ella at Neanna.

"Hayaan mo sila jan, tutal kagustuhan naman nila na sumunod dito kaya bahala silang maghanap ng masasakyan pauwi." saad ni Dev kaya walang nagawa si Ally kundi pumasok nalang.

"What?! Iiwan mo talaga kami dito? Ano kang klaseng kaibigan." reklamo ni Neanna at lalapit na sana sa kotse ni Dev ng bigla lang ito humarurot paalis.

"HOY! DEV!! ABA'T!!" sigaw ni Neanna pero nakalayo na ang kotse ng kaibigan.

"Apaka fake friend niya talaga, gago siya tol iniwan talaga tayo dito" reklamo din ni Ella na naglalakad na papalapit kay Neanna.

"Paa-"

"Ella? Neanna?" biglang tanong ng isang tinig sa likod nila, namutla naman ang dalawa dahil kilalang-kilala nila kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito, lumingon silang dalawa sa taong tumawag sa kanila.

"Freya?" gulat na saad ng dalawa.

"Yeah, I'm glad that you still remember me. How are you? How's Dev?" nakangiting tanong nito, nagkatiniginan naman sina Ella at Neanna bago sagutin ito.

"Okay naman kami maliban sa wala kaming masakyan ngayon ay wala naman kaming problema." sagot ni Ella.

"Ha?" nalilitong tanong ni Freya

"Hatdog" bulong na sagot ni Neanna.

"If it's okay with you, I can take you to your place." alok ni Freya, tatanggi na sana si Neanna ng unahan siya ni Ella.

"Talaga? Tara!" mabilis na saad nito, siniko naman siiya ni Neanna.

"Ba't ka pumayag? Malalagot pa tayo lalo nito kay Dev." bulong nito sa kaibigan.

Twisted FateWhere stories live. Discover now