8

223 12 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ilang sandali pa ay may narinig silang pagbusina ng sasakyan sa labas kaya agad silang lahat ng lumabas para tignan kung sino ito. Pagkalabas nila ng gate ay agad nilang nakita ang naka-upong Arriana sa kandungan ni John at naghahalikan kaya nagulat sila lalo na si Dev. Pumasok ulit si Dev sa loob at iniwan ang mga kaibigan sa labas.

*knock-knock*

Katok ni Dale sa pinto ng kotse ni John para makuha ang atensyon ng dalawa.

"Ahh-Hi dude" bati ni John na may ngiting nakakaloko sa mga labi niya, agad naman na umalis si Arria sa kandungan ni John at lumabas sa kotse ng makitang may mga audience na pala sila.

"Sarap ba?" tanong ni Dian habang nakangiti ng pang-aasar.

"Pwede na" biro sa kanya ni Arria at kumindat pa kaya natawa naman ang mga kaibigan nila.

"So John thank you sa paghatid, bye" saad ni Arria at nagpaalam na.

"No problem Arria basta ikaw, bye" paalam ni John at kumindat kay Arria bago paharurutin ang sasakyan.

Pumasok na sina Arria sa loob ng bahay at bumungad sa kanila ang isang Dev sa bar counter na seryosong nag-uusap sa telepono sa ibang lenggwahe.

Pumasok na sina Arria sa loob ng bahay at bumungad sa kanila ang isang Dev sa bar counter na seryosong nag-uusap sa telepono sa ibang lenggwahe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Ja mormor, jag åker dit imorgon, ja hej, älskar dig också " saad nito tsaka binaba na ang tawag. { Kung mali naman po ang pagkakatranslate ko sisihin niyo si google translator, sorry ulit} (Opo Lola, pupunta po ako jan bukas, opo bye po, loveyoutoo po- in Swedish language)

"Sinong kausap mo?" tanong ni Rom, nagkibit balikat lang si Dev at nagsimula ng mag mix ng drinks.

"Inumin niyo" maikling saad nito bago ibigay ang mga mix drinks na ginawa niya sa kaibigan, kinuha naman ng mga kaibigan niya ang ginawa nito at ininom ng walang alinlangan.

"Da best ka talaga Dev" saad ni Dale habang nilalagok ulit ang bagong gawang inumin ni Dev.

"Beb" tawag ni Arria kay Dev na ngayon ay gumagawa ulit ng bagong drinks.

"Anong sayo?" tanong ni Dev na hindi parin nakatingin kay Arria.

"Uhmm-Margarita nalang sa akin" sagot ni Arria kaya tumango lang si Dev at nag-umpisa ng gumawa ng margarita para kay Arria.

"Here" saad ni Dev ng matapos niya itong gawin at inabot kay Arria, kinuha naman ito ni Arria pero di na binitawan ang kamay ni Dev na nakahawak sa baso.

"Galit ka ba?" tanong ni Arria.

"Ba't naman ako magagalit?" balik na tanong ni Dev

"Ewan ko sayo, ang cold kasi ng pagtrato mo sa akin" malungkot na saad ni Arria kaya napabuntong hininga nalang si Dev.

"Okay lang ako, napagod lang ata ako kasi kanina pa ako gumagawa ng mga drinks nila" paliwanag ni Dev pero di parin kumbinsido si Arria kaya hinila na niya ito palabas sa counter.

Twisted FateWhere stories live. Discover now