16

146 6 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

" SHOOT!?" masayang sigaw ni Dale ng maipasok niya yung bola ng billiard.

" This place is epic!? " manghang saad ni John.

"We know" natatawang saad ni Dale.

"It must be great to have Dev as a friend" biglang saad ni John kaya nagkatinginan sina Dale at Dzane.

"It is" maikling sagot ni Dzane at ngumiti.

"Alam mo ba ang swerte mo?" biglaang saad ni Dale habang patuloy parin sila ng paglaro ni Dzane sa billiard.

"Swerte? Bakit naman?" tanong na balik ni John.

"Sa lahat ng mga nanligaw kay Arria ikaw palang ang nakakapasa kay Dev" sagot ni Dzane nagtataka paring nakatingin si John sa kanila.

"Si Dev kasi yung taong mas pinapahalagahan niya pa ang ibang tao kesa sa sarili niya. Siya yung tao na mahal na mahal yung mga taong nakapaligid sa kaniya na kahit masaktan siya sa mga ginagawa niya ay okay lang sakanya basta wag lang masaktan ang mga taong mahal niya" pag dagdag ni Dale habang nakangiti.

"Mahalaga sa kaniya ang magkapatid na Frost kaya kapag may gustong manligaw sa mag kapatid na yun ay agad niyang ipapa background check ang mga ito. Alam ni Dev lahat kaya naman nagulat kami noong bigla ka nalang pinakilala ni Arria na boyfriend niya at wala man lang siyang sinabi tungkol sa inyo" saad ni Dzane habang nakatingin na kay John napa kamot naman si John ng batok niya.

"Sa totoo niyan bago ko ligawan si Arria, si Dev muna ang kina-usap ko. Alam kasi ng lahat na sobrang malapit sa isa't isa sina Dev at Arria kaya sa kanya ako unang humingi ng tulong para ligawan si Arria" pag-amin ni John,nagkatinginan naman sina Dale at Dzane.

"Pinahirapan ka ni Dev diba?" saad ni Dale napatango naman si John.

"Hindi naman masyado" nag-aalinlangang sagot ni John.

"John wag ka ng magsinungaling, kilala namin si Dev kaya alam namin ang pinagagawa niya. Kaya ba bigla kang nawala ng isang linggo sa practice ng Dance Club kase may pinagawa sayo si Dev?" tanong ni Dale, napatango naman si John. Natawa naman ang dalawa bago tinignan ulit si John.

"Buti nakayanan mo, kaya ka siguro tanggap ni Dev" saad ni Dzane, nahihiyang tumawa naman si John.

Umupo naman si Dzane sa bar at sinundan ito nina John at Dale na may dala ng inumin na kinuha sa freezer ng bar. Inabot niya ito sa dalawa.

"So paano mo pala napasagot si Arria?" tanong ni Dale

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"So paano mo pala napasagot si Arria?" tanong ni Dale.

"Actually Dev help me a lot para mapasagot si Arria, she told me the favorite food Arria wants to eat and the things Arria want to do on a date and I use all of this information to prepare a perfect date for Arria" nakangiting saad ni John, napatingin naman sina Dale at Dzane sa isa't isa bago napailing.

~Girls Side~

Aliw na aliw naman ang nga babae sa ginagawa nila. Kanina pa sila nanunuod ng movie habang umiinom at kung minsan ay nag-uusap rin sila tungkol sa ilang mga bagay.

"So Arria paano ka pala napasagot ni John, curious kasi ako mag mula nung malaman kong kayo na" biglang tanong ni Rom habang nakatingin kay Arria, nahihiyang natawa naman si Arria.

"Oo nga Arria, paano ka napasagot nun tapos yung mas nakakagulat eh okay lang kay Dev" nagtatakang tanong ni Dian.

"Hmm, dinala ako ni John sa isang cabin" saad ni Arria at napangiti ng maalala ang nangyari noong araw na yun

"Cabin?"

"Yep sa cabin, isang malaking cabin na may magandang tanawin. Naligo rin kami sa ilog na makikita lang sa harap ng cabin, nanunuod ng movie at pinagluto niya rin ako ng mga paborito kong pagkain" nakangiting paliwanag nito.

"Sayang nga lang kasi nakatulog ako buong maghapon pero bumawi naman siya kinagabihan, pag kagising ko kasi ay may nakitang akong dress na nakasabit sa walk in closet at may note na nakasabit dun na yun daw ang susuotin ko tapos....." pabitin na saad ni Arria sinamaan naman siya ng tingin ng mga kaibigan niya.

"Pft- secret na yung iba basta naging kami na ni John yun ang mahalaga" natatawang saad ni Arria kaya naman nakatikim ito ng palo sa mga kasama.

"Pabitin ang pucha" inis na saad ni Dian na mas lalo lang kinatawa ni Arria.

Nang matapos kasi ang paglalaro ng mga lalaki ay agad silang pumunta sa ibang mga kasama, na abutan nalang nina Dzane ang mga babae na masayang nagkukwentohan ng mga bagay-bagay. Nagpatuloy nalang ang usapan nila hanggang sa di na nila namalayan na hapon na pala. Matatanaw ngayon sa pwesto nila ang paglubog ng araw na kinamangha nilang lahat.

Pagkatapos nilang mapanuod ang paglubog ng araw ay sinabi naman ni Dev na babalik na sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos nilang mapanuod ang paglubog ng araw ay sinabi naman ni Dev na babalik na sila.

"That was fun!" masayang saad ni Erica habang naka-akbay kay Rom.

"It is!!" sabat naman ni Dale na kanina pa talon-talon.

"Hey Dev! Dapat ma ulit to hahaha" natutuwang saad naman ni Arria kaya napatango nalang si Dev.

*cough*

Napatingin naman agad sila sa taong umagaw ng pansin nila.

"Kanina pa ako naghihintay sa inyo" nakangising saad naman ni Zed na nakatayo na sa harap nila.

"Sinabi ba naming hintayin mo kami" bigla namang sabat ni Dian kaya natawa si Zed.

"Oo sinabi ni Dev na hintayin ko daw sila" balik na sabat naman ni Zed napatingin naman si Dian kay Dev na napatango lang.

"Ba't sila lang?" nakataas kilay na tanong ni Dian.

"Sino ka ba para hintayin ko" sagot naman agad ni Zed bago tumakbo palayo na hinabol naman ni Dian na namumula na dahil sa inis, natawa naman ang mga kasama nila.

"Balik na tayo dun, kanina pa naghihintay sina Butler Dave" biglang saad naman ni Dev kaya napatango nalang sila at bumalik na sa resthouse.

~~••••~~~~

Sorry kung ngayon lang ako naka pag-update🤧 busy kasi ako sa mga ibang bagay. Sorry kung maikli lang ito at lame pa bawi ako sa ibang chapter...

Twisted FateWhere stories live. Discover now