3

550 20 0
                                    

Rogue/ Devon's POV

Nasa gym kami ngayon kasama ang mga kaklase ko dahil PE namin ngayon at gusto ng coach or pe teacher namin na mag laro ng basketball para daw makahanap sila ng bagong player sa team. Hinati kami sa dalawang grupo ang red at blue, sa blue naman ako napunta kung saan kasama ko ang captain ng basketball girls na si Zeddy, kasama ko rin ang teammate ko sa soccer na si Neanna.

" Coach ang daya naman, mananalo na ang blue team niyan" reklamo ng isa kong kaklase

"Oo nga coach, tignan mo oh nandiyan na si Zed, tapos kasama niya pa si Neanna at Rogue." dugtong ng isa pa, napatingin naman si coach sa amin kaya napangisi nalang kaming tatlo, napailing nalang si coach.

" Oh sige, Rogue lumipat ka sa red team dahil iiyak na sila" natatawang asar ni coach sa Red team kaya nagreklamo naman sila. Tumingin ako kay Zeddy na nakatingin rin sa akin.

"Paano ba yan Capt. mukhang makakalaban mo pa ako" pabirong sabi ko kay Zeddy bago lumipat sa kabilang team.

"Don't worry kahit na lilipat ka jan kami parin ang mananalo" tumatawang sabi nito

"Asa" sabi naman ng mga kasamahan ko.

"Ganito nalang, magdeal tayo. Kapag natalo ang grupo niya maghuhubad ka ng pang itaas mo at kapag natalo din ang grupo namin ay ganun din ang mangyayari" sabi ni Zed, napangisi naman ako sakanya at tumango.

"DEAL" at nagshake hands pa kami

"OKAY!! Maghanda na kayo at magsisimula na tayo" sabi ni coach kaya pumuwesto na kami.

Third Person's POV

Nagmamadali naman ang mga estudyante na pumunta sa gym ng malamang maglalaro ngayon ang mga idolo nilang tao na pinaka sikat na sa Morria Academy.

- Arria's Side-
"Arria biiilliisss! Maglalaro na sina Zeddy ko" tili ng isa sa kasama ni Arria habang tumatakbo sila papuntang gym.

"Oo na" sabi naman ni Arria na humahabol sa kanila, ng makarating sila doon ay agad silang umupo sa pinakaunahang parte ng mga upuan sa gym.

"OHMYGHADDD ARRIA!! KASALI RIN SINA NEANNA AT ROGUE SA LARO!! MYGHAADD" tili ng mga kaibigan niya ng makita nila na nag-uusap sina Zeddy, Neanna at Devon sa gitna ng court habang nagbibigay instruction ang coach nila.

-Kiya's Side-
" Ba't ba tayo nandito?" tanong ni Kiya sa mga kaibigan niya ng hatakin siya papasok sa gym.

"Manunuod tayo ng laro nina Zed!" pasigaw na may halong tili na sabi ng isa niyang kaibigan, umikot naman ang mata ni Kiya ng malaman na lumalandi na naman ang mga kaibigan niya.

"Tsaka kasali rin si Roguue" tili pa nung isa, humarap naman si Kiya sa kaibigan niya ng marinig niya na kasali si Dev.

"Kasali si Dev?" ulit na tanong ni Kiya

"Oo nga" sagot ulit ng kaibigan niya. Nang makarating sila doon ay agad silang pumuwesto malapit sa bench ng Red team pero nasa 2nd row sila. Nakita naman agad ni Kiya si Dev na nakapuwesto na sa gitna ng court at handa na magjump ball.

-Back to normal-

Tumalon ng mataas si Dev para makuha ang bola at hindi nga siya nabigo, pinasa niya naman agad ito sa kasama niya na si Ella na mabilis itong dinirible papunta sa ring nila pero napigilan siya ni Neanna, di naman nagpatinag si Ella at pasimple itong pinasa kay Dev na nakatalon na sa gilid ng court, ng masalo ni Dev ang bola habang sa ere ay agad niya itong tinira.

' 3 POINTSS FROM ROGUE!'

Nabigla naman ang players ng may marinig silang announcer.

"Coach kala ko ba laro lang to ba't may announcer?" takang tanong ni Rogue/Dev.

Twisted FateWhere stories live. Discover now