11

181 10 2
                                    

Dev's POV

Agad kong pinasibad ang motor ko ng makatanggap ako ng text kay Arria na may emergency daw sa bahay nila. Pagkarating ko dun ay pinapasok ko muna ang motor ko sa garahe bago pumasok sa loob at naabutan doon ang buong barkada.

"Dev!!" sigaw nila at agad akong dinamba nagyakap, nagtataka man ay niyakap ko rin sila pabalik.

"Anong problema? Miss niyo na agad ako eh dalawang araw pala akong di kayo kasama" natatawang saad ko nakita ko namang sumimangot ang tatlong magkakapatid habang sina Dian, Dale at Dzane naman ay natatawa lang sa tabi.

"Yun nga eh, dalawang araw kang di nagpakita sa amin kaya di mo naabutan si Kuya Ian noong nakaraan paghatid niya kay ate" saad ni Kiya kaya napatingin ako kay at Erica na ngumisi lang sakin.

Ngayon ko nalang rin napansin si John na nandito rin, ngumiti ito sa akin habang tinanguan ko lang ito pabalik.

"So anong problema?" tanong ko ng maka-upo na kaming lahat sa living room.

"Well~" kinakabahang saad ni Arria habang nilalaro ang daliri nito, nakita ko naman si John na nakangiting nakatingin sa kinakabahang Arria kaya tinaasan ko ito nh kilay.

"Spill it John" bagot na saad ko bago tumayo at pumunta sa bar counter.

"D-dev" biglang kinakabahang saad nito kaya napa sulyap muna ako sa kanila bago ibalik ang tingin ko sa mga drinks.

"I said spill it" matigas na saad ko at kinuha ang drinks na gagamitin ko sa pagmix.

"K-kami na" sabay nilang saad ni Arria kaya napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang pagmix. 

Biglang tumahimik ang paligid sa narinig nila at ang tanging naririnig lang ay ang pagsangaan ng mga utensils na ginagamit ko sa pagmix.

"WHAT!!??" rinig kong sabay-sabay na sigaw ng barkada kasabay rin nito ang patapos ko ng pagmix ng drinks.

"Ang sabi namin kami na" diretso ng saad ni John at hinawakan ang kamay ni Arria.

Nagkatinginan naman ang barakada pati narin ang dalawang kapatid na tila ba nag-iisip kung ano ang iba pang itatanong kaya bago pa ako malumutan dito ay kumuha ako ng tray at nilagay dun ang drinks na mix ko bago ito ilatag sa centet table ng living room.

"Congrats this call for a celebration" saad ko bago bumalik sa bar counter at nagmix ulit ng drinks.

Kita ko namang lumapit sina Dzane, Dale at Dian kina John at Arria bago ito batiin. Pagkatapos nun ay kumuha narin sila ng inumin sa center table. Sumunod sa kanila si Kiya at Ate Erica na niyakap si Arria at kinamayan si John bago kumuha rin ng inumin sa center table. Kumuha rin sina Arria at John ng inumin pagkatapos nun ay tumingin silang lahat sa akin. Kumuha ako ng blue torch at wine tsaka ito pinaputok at pina apoy kaya nakagawa ako ng flamethrower.

"CHEERS!!" sigaw ko at sabay-sabay silang uminom.

"Juice?" takang saad nila sabay lingon sa akin.

"Syempre naman juice, alangan namang mag alcohol drinks talaga kayo eh di pa nga tayo kumain ng hapunan baka malasing pa kayo" saad ko sabay alis sa bar counter at dumiretso sa kusina, narinig ko naman ang tawanan nila.

Lumapit ako sa ref at tumingin kung ano ang pwede kung gagamitin para sa lulutuin ko. Ilang sandali pa ay natapos na ang niluluto ko kaya tinawag ko na sila.

"Dinners ready!" sigaw ko habang inaayos ang mesa, narinig ko namang may nagtakbuhan papunta rito at alam ko naman kung sino na yun.

"Wow bulalo!!" masayang saad ni Dale ng unang makarating ito kaya napailing nalang ako.

Twisted FateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum