10

200 10 1
                                    

AUTHORS NOTE: Please wag niyo akong patayin kung palit ako ng palit ang portrayers ko di ko kasi makita yung iba o di kaya nakakalimutan ko yung pangalan nila kaya di ko masearch. Pasensya na talaga ha

Third Person's POV

"Empress" tawag ng babae sa taong nakaupo sa swivel chair.

"I'm glad that you are here" masayang saad ng matandang babae, tinignan naman siya ng babae ng walang emosyon.

"Spill it" maikling saad nito kaya natawa ang matanda.

"Patience my Night, here" natatawang saad ng matanda sabay lapag ng brown envelope sa harap ng tinatawag niyang Night.

"Sa tingin ko kilala mo naman ang babaeng yan" saad ng matandang babae ng makita ang pagkagulat sa mata ni Night ng makilala ang tao sa litrato.

"Reina Cathyline Jones? Why?" takang tanong nito.

"Malapit ako sa pamilyang Jones at isa sila sa mga supplier ko ng nga gamit dito sa agency, noong nakaraang araw ay bigla nalang daw nadukot ang anak nila sa harap ng Academy. Akala ng mga Jones ay simpleng pagdukot lang ito at hihingi ng pera pero hindi dahil ang gusto ng dumukot sa anak ng Jones ay ang mga supply na binibigay nila sa agency natin. Hindi nila alam kung papaanong nalaman ng kalaban na sila ang supplier natin dahil sa pagkakaalam ko ay isang sikreto lang ang pagiging supplier nila. I want to know kung sino ang mga kalaban na ito dahil sigurado akong di lang iisang tao ang may pakana nito kaya naman Night ikaw na ang bahala sa mga taong ito." saad ng tinatawag nilang empress kaya napatango naman si Night at umalis dala ang envelope laman ang mga impormasyon.

Nang makarating si Night sa condo niya ay mabilis itong pumunta sa minilibrary niya bago may pinihit at nagbukas nalang bigla papunta sa isang tagong room. Pumasok si Night at binuklat ulit ang mga imporsmasyon na nakuha niya sa Empress.

Kinabukasan~

Night's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon ko na gagawin ang mission ko, di pwedeng ipagliban ito dahil kapag nangyari yun ay baka may mangyaring masama kay Cath. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at pagkatapos nun ay bumaba na ako sa condo building at sumakay sa motor ko.

Agad kong pinuntahan ang lokasyon ng mga suspect  and yes alam ko kung saan ang lokasyon nila dahil nakalagay na ito sa impormasyon na binigay sakin ni Empress. Alam kong nagtataka kayo kung bakit sa akin pa talaga binigay ang mission kung pwede rin naman sa iba. Kilala ng Empress ang pamilyang Jones at isa ang Jones sa matatalik na kaibigan ng pamilya ko at ni Empress kaya ayaw niyang magrisk at magpadala ng kung sino lang tauhan niya sa mga lalaking dumukot kay Cath. Isang terrorista pa naman ang nagpasimuno sa pagdukot kay Cath.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa lokasyon ng mga dumukot kay Cath. Nasa malayong parte ako pumuwesto para di mahalatang susugod ako. Mag-isa ako ngayon dahil ang team ko ay busy sa kanya-kanya nilang buhay at tanging si Ash lang ngayon ang mako-contact ko pero ayaw ko ring abalahin ang isa. May kinuha akong maliit na suitcase sa loob ng sasakyan ko at kinuha dun ang bag, kung titignan mo para itong laruan na bag sa sorbrang liit pero kapag pinindot mo ang ilalalim nito ay lalaki ito. Yung parang sa antman, advance din kasi ang technology sa Agency at marami rin matatalinong tao kaya naman nakakagawa sila ng imposible.

Binuksan ko ang bag at tumambad sa akin ang maraming iba't ibang uri ng baril at bala. Kinuha ko ang X-ray sniper gun at pinuwesto ito ng nakatutok sa loob ng building.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Twisted FateWhere stories live. Discover now