23

135 8 0
                                    

Baby Ally in the media⬆️

THIRD PERSON'S POV

Timeskip~

Pagkatapos ng klase nila ay agad rin namang umalis ang grupo nina Dev sa academy. Kahit na nasalubong nila sina Dale kasama ang magkapatid at jowa ni Arria pati narin ang bagong salta ay di niya ito pinansin at dumiretso lang sa parking lot. Kitang-kita sa mga mata nina Dale ang pagtataka sa asta ni Dev pero di rin nila ito pinansin ng sabihan sila ni Neanna na may importante silang pupuntahan kaya nagmamadali yung isa.

Habang nasa biyahe ay nakatutok sa lang laptop si Neanna habang si Ella naman ang nagdri-drive.

"Na-locate ko na siya Dev, nasa isang hotel siya na malapit lang rin sa quarters natin" biglang saad ni Neanna, napatingin naman si Dev kay Ella bago tumango. Mabilis naman pinaharurot ni Ella ang sasakyan nila.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa sinasabi ni Neanna na hotel. Agad silang pumasok sa loob at dumiretso sa information desk para tanungin kung saan si Cath.

"Umm, excuse me, can I ask if someone named Catherine Jones is staying here?" tanong ni Ella ng makalapit sila sa babae na nagbabantay sa front desk. Ngumiti ng malandi sa kanya ang babae.

"I'm sorry, ma'am, but we cannot provide information about our guest to someone we do not know. But-"

"But what?" nakangising tanong ni Ella.

"But I can give you some information about myself" malanding saad ng babae sabay lapit ng kanyang sarili sa kay Ella dahilan para makita naman ng isa ang kabundukan nito, lalong napangisi si Ella.

"Ohh, I would love to hear your story, but first, can you give us the information we want? Then, after that, I can take you to heaven" malanding bulong ni Ella sabay ihip na hangin s atenga ng babae dahilan para manghina ito.

"S-she is staying on the t-top floor on her o-own." utal-utal na saad ng babae habang nakapisil ang kanyang hita sa isa't isa.

"Thanks babe" pasalamat ni Ella at kumindat sa babae bago ito lumapit kina Dev ulit.

"Ewww, pati ba naman dito malandi ka parin?" himutok ni Neanna at umirap, di naman siya pinansin ng isa.

"Si Cath pala ang owner nitong hotel at sa top floor daw siya nag s-stay sabi sakin ni cutie kanina" balita ni Ella kay Dev na nakatingin sa labas na para bang may pinapanoud.

"Dev ano ba yang tinitignan mo at di mo pinansin ang sinabi ko?" nakasimangot na saad ni Ella bago tignan rin ang tinitignan ni Dev.

"Diba si Cath yan? ba't parang may hinahabol siya?" takang tanong ni Neanna ng makilala nila ang babae mabilis na naglalakad palayo sa hotel.

"Lets go" usal ni Dev bago sabay nilang hinabol si Cath.

"Ba't kasi sinusundan pa natin siya? eh kung pwede naman na tawagi nalang natin siya" pabulong na usal ni Ella na nakasunod lang sa likod nina Neanna at Dev.

"Oo nga bakit di nalang natin tawagin nalang si Cath, Dev?" pag sang-ayon ni Neanna sa sinabi ni Ella.

"Something's wrong" maikling saad ni Dev na kanina pa sinusundan ng tingin ang balisang si Cath. Napatingin naman ang dalawa ng maigi kay Cath at napansin din nila na parang may mali sa mga galaw nito.

"Bumalik nalang muna kayong dalawa sa hotel at hintayin niyo yung signal ko bago kayo gumalaw" utos nito sa dalawa.

"Paano ka naman niyan Dev?" tanong ni Neanna

Twisted FateWhere stories live. Discover now