2

764 21 2
                                    

Rogue's POV

Sabado ngayon at papunta na ako kina Arria dahil iniimbita nila akong magkakapatid na tumambay sa bahay nila ngayong araw, hindi narin ako makatanggi dahil matagal-tagal narin nung huli kong bisita sa kanila.

~ Beep Beep ~

Pagbusina ko ng makarating ako sa bahay nila, dala-dala ko kasi ngayon ang isa sa baby ko na kawasaki ninja. Agad akong bumuba dala-dala ang pizza ng makita ko silang lumabas patakbo sa akin.

"DEV!!!" sabay na sigaw nilang tatlo na magkakapatid. Agad-agad akong niyakap ni Ate Erica ng makalapit na ako sa kanila.

"Nakuu! namiss kita babyyyy" sabi nito sa akin sabay kurot ng pisngi ko.

"Arayyy Atse ang shakit ha." parang bata kong sabi tsaka hinimas ang pisngi na kinurot niya.

"Masakit ba? Sorry ha namiss lang talaga kita." sabi niya tsaka hinalikan kung saan niya ako kinurot, kaya naman napangiti ako.

"Devv!" tawag sa akin ni Arria tsaka hinablot ako palayo kay Ate Erica at hinalikan ako sa kabilang pisngi.

"Luhhh!! Magkasama naman tayo kahapon ha" sabi ko pero di parin ito nagpapigil sa pagyakap sa akin. Napansin ko naman si Kiya na pumasok sa loob ng bahay nila. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap ni Arria at binigay sa kanya ang pizza na hawak-hawak ko bago sundan si Kiya sa loob.

"Psssttt" tawag ko sakanya pero di parin ako pinansin at patuloy lang ito sa pag-akyat papunta sa kwarto niya, bago pa ito makapasok sa loob ay niyakap ko ito patalikod.

"Babe~" malambing na bulong ko sakanya pero waepek parin.

"Babe naman, di mo ba ako namiss?" tanong ko

"Hindi kaya dun kana kina Ate" sabi nito pero di parin ako kumalas, hinarap ko siya sa akin at tinitigan ang kulay itim na mata nito bago ngumiti.

"Ang ganda mo talaga" di ko maiwasan sabi kaya umiwas ito ng tingin pero syempre ako itong makulit ay hinarap ulit siya sa akin at dahan-dahan na nilapit ang mukha ko sa mukha niya, napapikit naman ito kaya naman hinalikan ko na ito.... sa noo bago ngumiti sa kanya. Opss wag bigyan ng malisya bestfriend ko lang rin si Kiya sa totoo niyan babe lang ang tawagan namin kapag nilalambing ko siya o kailangan ko ng tulong, minsan kasi napagkakamalan akong lalaki at ako minsan ang nanjan kapag may umaaligid sa kanyang ibang lalaki, minsan rin ay ako yung hinahabol buti nalang at nanjan parati ang mga kaibigan ko para tulungan ako, isa na si Kiya sa tumutulong sa akin.

"Bati na tayo pllss" sabi ko, namumulang napatango ito at hinila ko ito pababa papunta sa living room nila kung saan nadatnan namin sina Arria at Ate Erica na kinakain na ang pizza habang nanunuod ng movie. Habang nanunuod ay di ko maiwasang di mapatingin sa kanilang tatlo, para kasi silang tres marias. Magaganda, matalino, sexy at higit sa lahat mabait napakaswerte ko pala talaga kasi nakilala ko sila at naging kaibigan. Tinignan ko si Ate Erica at mukhang napansin niya naman ito kaya napatingin ito ng masama sa akin, napailing nalang ako, ' Kaya di nagkakaboyfriend eh' tanging sabi ko sa sarili ko.

Mabait naman si Ate Erica yun nga lang may pag ka topak din, unang tingin mo sa kanya matatakot ka sa kanya dahil sa bitch face nito pero kapag makilala mo talaga siya mapapaisip ka nalang kung bakit sa edad niyang yan ay isip bata ito. Friendly siya sa kanilang tatlo kahit di halata sa mukha pero nakakatakot rin siya kapag naging masama ang mood nito dahil magsusungit talaga sayo, siya rin yung tinatawag na 'matandang dalaga' ng mga kapatid niya.

Sunod kong tinignan si Kiya ang bunso nila, unang tingin mo palang sa kanya ay mapapanganga ka dahil sino ba naman ang hindi mapapanganga sa kagandahan niya bonus na yung mataas siya at maganda ang katawan kaya nga minsan kinukuha siyang model ng ilang modeling company, marami rin ang nanliligaw sa kanya pero ewan ko ba kung bakit di manlang ito interesado sa mga ito. Sa totoo niyan siya ang pinakamahirap kausapin sa kanilang tatlo dahil malimit lang itong magsalita at mahirap din basahin ang ekspresyon nito, minsan kasi blangko ito pero kapag pamilya o kaibigan niya ang kasama niya ay mabait at masayahin rin ito kaya nga lang di ko rin maintidihan to minsan kasi kapag kinakausap ko ito nagsusungit tapos kapag nagtatampo ka na ay lalambingan ka niya, ewan ko ba may saltik rin to minsan eh, kung sa anime ay tsundere ito pero cute na tsundere lalo na pag naka ngiti.

Twisted FateWhere stories live. Discover now