15

175 9 1
                                    

Third Persons POV

*knock-knock*

"Queen si Dev to, gising na jan tanghali na" saad ni Dev sa labas ng kwarto ni Arria pero tanging ungol lang ang nasagot ni Arria. Di naman gusto ni Dev na bigla nalang papasok na walang pahintulot kaya naman minabuti niya nalang umalis at gisingin ang ibang kasamahan. Sunod niyang pinuntahan ang kwarto ni Kiya.

*knock-knock*

" Kiya?" tanong ni Dev habang kumakatok sa pinto ng kwarto.

"Pasok" saad ni Kiya, pumasok naman si Dev at nadatnan si Kiya na nakatayo sa veranda nakatanaw sa dagat.

"Kiya" usal ni Dev, napatingin naman si Kiya sakanya bago ngumiti.

"Ang ganda talaga dito, napaka tahimik na nga tapos maganda rin ang tanawin" biglang saad ni Kiya at tumingin ulit sa tanawin. Tinabihan naman siya ni Dev.

"Hmm, ang ganda nga" nakangiting saad ni Dev, napatingin naman si Kiya sa kaibigan pero napa iwas rin agad ng mapansing sa kanya nakatingin si Dev.

"Dev! Saan ka tumitingin?!" namumulang tanong ni Kiya kaya natawa si Dev.

"Sa tanawin syempre, para sa akin kasi ikaw ang pinaka magandang tanawin" hirit ni Dev na mas lalo ikinapula ni Kiya kaya hinampas niya sa braso si Dev.

"Ang aga-aga tinutukso mo na naman ako, tss" inis na saad ni Kiya bago bumalik sa loob, nakasunod naman si Dev sa likod niya.

"Haha ang cute mo talagang magalit babe, tara labas na tayo kanina pa ata tayo inaantay dun" bulong ni Dev sa tenga ni Kiya habang nakaback hug ito sa dalaga, tanging tango lang ang naisagot ni Kiya.
Hila-hila ni Dev si Kiya palabas ng kwarto habang papunta sila sa hapag kainan.

Nang makarating sila sa hapag kainan ay nakita agad nila ang barkada na kanina pa sila hinihintay.

"Tagal niyo, nagugutom na kami dito" reklamo ni Dale.

"Palagi ka namang gutom" tukso ni Dev at pinag hila ng upuan si Kiya.

"O siya kumain na tayo" saad ni Erica nga maka-upo na ang dalawa.

"Dev tikman mo tong spicy chicken and bacon stir fry na nirequest namin kanina" usal ni Arria na katabi lang ni Dev at susubuan na sana ng may nagsalita.

"Hindi mahilig kumain si Dev ng maanghang" saad ng isang tinig kaya napatingin silang lahat para tignan kung sino ito.

"Zed!!" gulat na usal nilang lahat ng makita ang isang Zeddyanna Hills na papunta sa kanila.

"Yo!!" bati nito, tumayo naman si Dev at lumapit kay Zed tsaka ginawa ang handshake nila.

"Ba't ka nandito?" agad na tanong ni Dian ng makalapit na sina Zed at Dev sa mesa.

"Syempre invited ako, pupunta ba ako kung hindi" sarkastikong tugon nito, nakatanggap naman siya ng masamang tingin kay Dian pero di ito pinansin ni Zed.

"Asan sina Nean at Ella?" pag-iiba ni Dev ng topic bago pa mag-away ang dalawa.

"Mission" maikling sagot ni Zed at kinain ang spicy chicken pero napahinto rin ng marealize ang sinabi.

"Mission?" ulit na tanong ni Rom.

"Umm-ano- ang ibig kong sabihin sa mission mga projects tama mga projects, malapit na kasi ang deadline ng mga projects nila" kinakabahang sagot nito buti nalang at kumagat ang barkada sa rason nito maliban nalang sa isng tao.

"Saluhan mo kaming kumain, alam ko namang di ka pa kumakain" saad ni Dev at bumalik sa upuan, umupo rin naman si Zed sa bakanteng upuan.

"Anong ibig mong sabihin na hindi mahilig si Dev sa maanghang?" biglang tanong ni Kiya kay Zed.

Twisted FateWhere stories live. Discover now